Habang tinatanggal ni Poch yung mga botones ng sleeve ko, nakatitig lang ako sa mukha nya. Iniisip ko kung ano kaya ang nasa isip nya. Kung ano kaya yung nararamdaman nya ngayon. Selos, oo. Alam ko naman yun. Pero kasi.. ramdam ko din yung sakit na nararamdaman nya.
Kitang-kita ko naman sa mukha nya kung gaano sya nasasaktan sa nangyari kanina. Pero gusto ko din malaman kung ano yung side nya. Gusto kong magsalita sya at kausapin nya ako. Gusto kong ilabas nya yung selos o galit nya kung galit man sya sa'kin ngayon.
Sa sobrang desperate ko, naisipan kong ako nalang yung kumausap sa kanya.
"Poch-"
"After this, magshower ka na. Pahinga na tayo."
Pero bago ko pa masabi yung gusto kong sabihin, en-interrupt nya na agad ako. So paano kami mag-uusap neto?
"Poch, please.." Hinawakan ko sya sa dalawang pisngi habang nagmamakaawa naman yung hitsura ko. Tinitigan ko sya sa mga mata nya at ganun din sya. Nagtitigan kaming dalawa na parang mga mata na namin yung nag-uusap. "I'm really sorry. Hindi ko alam kung.. sapat ba yung paghingi ko ng sorry. Pero gusto kong malaman mo na sincere ako. Sorry, Poch. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong gawin.. para mawala yung selos na nararamdaman mo. Hindi din naman kita masisisi. Pero Poch... maniwala ka mahal kita. Mahal na mahal kita."
Napabuntong hininga lang si Poch saka nya tuluyang tinanggal yung sleeve na suot ko. Now, I am topless in front of him. Biglang nagsitayuan yung mga balahibo ko kasi bigla akong nilamig.
"Shower ka na. Sunod ako." Sabi nya saka sya tumalikod sa'kin.
Pumunta sya sa dressing room para kumuha ng damit ko tsaka damit din nya na pantulog. Kumuha din sya ng extra towel.
Napaupo nalang ako sa gilid ng kama namin nong bigla akong makaramdam ng lungkot. Napapikit ako ng mga mata ko kasi bigla kong sinisisi yung sarili ko sa nangyari.
"Ano ba kasing ginawa mo, Tim? Bakit ba?" Tanong ko sa sarili ko at kasabay non ang pagtulo ng mga luha ko. Bigla akong nakaramdam ng takot kasi ayaw kong mawala si Poch sa buhay ko. Ayaw kong ganito kami. Ayaw kong maulit yung malaking pagkakamali na nagawa ko dati.
"Tim.."
Napamulat ako ng mga mata ko nong bigla kong maramdaman na parang may bumalot sa katawan ko at narinig ko yung pangalan ko.
Pagtingala ko, nakita ko si Poch na nakatayo sa harapan ko at nakatingin sa akin. Binalutan nya ako nong towel na kinuha nya sa cabinet kanina.
"Poch.."
Hinawakan nya ako sa dalawang balikat para iangat. Nong makatayo na ako, agad nya akong niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na parang takot na takot syang mawala ako sa buhay nya.
"Poch..." Hindi ko na napigilan yung pagluha ko at napaiyak na ako ng tuluyan. Niyakap ko din sya ng mahigpit kasi finally, naramdaman ko din sa wakas yung warmth ng pagmamahal nya tulad ng usual na kami. "Poch, I'm sorry. I'm really sorry."
Matagal-tagal din kaming nagyakapan ni Poch at nag-stay sa ganong posisyon. Wala akong narinig niisang salita galing sa kanya pero hindi nya ako binitawan. Niyakap lang nya ako hanggang sa maging okay ako.
Pagkatapos non, naging okay na din ako at huminto na ako sa pag-iyak. Tumingin si Poch sa mukha ko saka nya pinunasan ng mga kamay nya yung mga luha na tumulo sa mga pisngi ko. Tapos non hinawakan nya ako sa dalawang pisngi saka sya tumitig sa mga mata ko.
"Sorry din. Sorry kung.. nagpadala ako sa emosyon ko without considering kung ano din yung mafe-feel mo. Natatakot lang ako na mawala ka sa'kin, Tim. Oo, nagseselos ako. Kasi mahal kita ee. I love you."
YOU ARE READING
SENIOR HIGH FANFIC
FanfictionSenior High is a series about young people (Gen Z) tackling different problems of today's generation. It was aired and produced by Dreamscape Entertainment and ABS CBN that has been ended last January 19, 2024. You can watch the Season 1 and Season...