"Okay! Asan ka? pupuntahan kita. wika ni Max ng biglang maputol ang linya.
Agad na pinatay ni Kali ang telepono ng marinig ang tawag ni Rafael, "Kali~ Asan ka? Turan nito kaya agad na itinago ni Kali ang telepono at pumunta sa kwarto ni Rafael
"Sinigurado ko lang na nakalock ang pinto master. sagot nya dito
"Lumapit ka para ma switch off ko muna ang power mo, kailangan ng magpahinga ng battery mo. Turan ni Rafael
"Ako na master! alam ko na kung pano! mabilis na sagot ni Kali ngunit dahil sa ginawa nya ay mababakas ang pagdududa at pagtataka ni Rafael. "What's wrong Kali? Turan nito ng maalala ang ginawa nya dito noong maga, Don't Tell me, natatakot ka sakin dahil sa ginawa ko sayo kanina? wika nya ng mapailing sya, ano bang sinasabi ko, robot ka, you don't have feelings kaya impossibleng iyon ang dahilan. Turan nito
"Alam kong marami kang ginagawa kaya nais ko lang na bawasan ang alalahanin mo, bilang creation mo tungkulin kong makatulong sayo at hindi ang bigyan k ng dagdag na Gawain. Turan ni Kali sa mahinahong tono
"Wow, saan mo naman natutunan yan? natatawang Turan nya, sigurado matutuwa si Max kung maririnig nya ang sinabi mo ngayon, after all sya ang nag install ng data mo.
"Kaya wag ka ng mag-alala master. turan ni Kali na tinanguan ni Rafael, "Okay, aalis muna ko, may pag-uusapan lang kami ni professor James.
"Okay master! mag-iingat ka! nakangiti nyang Turan, inihatid nya pa ito hanggang sa sasakyan nito at ng tuluyan ng makaalis si Rafael ay agad nyang tinawagan muli ang uncle nya. "Hello uncle?!
"Kali? anong ngyari bakit hindi kita bigla macontak kanina?
"Uncle makakapunta kaba sa bahay ni Rafael ngayon na mismo? dito ko nalng ipapaliwanag ang lahat.
"Sa bahay ni Raf? anong ginagawa mo dyan? wag mo sabihing napagkamalan ka nya na robot nya?
"Hindi uncle! basta isekreto mo ang pagpunta mo dito at kung sakaling makita mo sya wag na wag mo akong babanggitin sa kanya okay? kakausapin kita pag wala sya, promise me uncle hindi mo babanggitin na tumawag ako sayo at pinapapunta kita dito kung sakali.
"okay sige, pupunta na ako Jan. Turan nito at pinatay na ang tawag.
Laking pasasalamat nalang ni Kali na hindi matanong ang uncle nya at laging handa syang tulungan sa twing hihingi sya ng tulong o pabor dito.
.
.
.
.
.
.
AFTER 5 DAYSlimang araw na mula ng huling makausap ni Kali ang uncle nya at mula noon ay hindi na nya ito na kontak pang muli, hindi rin ito dumating sa bahay ni Raf tulad ng napag usapan, kaya ng umalis si Raf ay pumunta sya ng presinto para I report na nawawala ang uncle nya, sinabi ng police na nakausap nya na tatawagan nalang sya kung sakaling may update na sa uncle nya, bagsak ang balikat na bumalik si Kali sa mansyon ni Rafael ng biglang may yumakap sa kanya
"Kali! saan ka ba nagpunta? bakit lumabas ka ng bahay? kasama mo ba si Max? titignan ko na sana ang CCTV ng makita kitang bumaba ng taxi. sunod sunod na Turan ni Rafael
"Isinama ako ni Max master, hindi ka ba nya tinawagan? ang sabi nya tatawagan ka nya. nagtataka na tinignan ni Ralph ang cellphone nya. "Nakapagtataka, Wala akong natanggap na tawag o message, impossibleng malimutan ni Max ang ganitong bagay. Turan nito
"Baka mayamaya tumawag na sya master. pilit n ngiting Turan ni Kali
"Sana nga, by the way Kali, may good news ako sayo! na finalize na Ang kontrata at after 2 days pupunta na tayong Amerika! masayang Turan nya na ikinalaki ng mata ni Kali "What?! after 2 days?
"May problema ba Kali? kunot noo n tanong nito. alam mo bang nagagawa mo na ng ibat ibang facial expressions? nagdududa na wika ni Raf
"Nagpraktis ako master! Turan nya na tinanguan ni Rafael. "Pumasok kana, may gagawin lang ako. wika ni Rafael at pumunta sa study room nya para I check ang CCTV records nitong mga nakalipas na araw, sigurado syang may mali kay Kali at nagdududa syang si Max ang pumupunta sa bahay nila gayong hindi nya ito makontak, dahil sa patong patong na pagdududa at pagtataka nya sa kilos ni Kali kaya kung ano ano ng mga impossibleng bagay ang naiisip nya kaya para matapos na ang pagdududa ay nagdesisyon syang I check ang CCTV, sinimulan nya ang panonood sa araw na dinala nya si Kali sa bahay nya.
Sa kwarto ni Rafael ay hindi mapakali si Kali, anim na oras na syang naghihintay kaya minabuti nyang silipin si Rafael sa study room nito at ng makitang busy ito sa laptop ay pinuntahan nya ang robot n si Kali. "Kasalanan mo to eh! bakit ba ang dali mong masira? kausap nya sa robot na si Kali ng magsalita si Raf sa likod nya.
"Kali... biglang nanlamig ang buong katawan ni Kali at hindi magawang lumingon dahil pakiramdam nya ay kapag ginawa nya iyon ay katapusan na nya, mariin nalng syang napapikit at napalunok ng maitulak sya ni Rafael sa pagkuha sa robot na si Kali, agad nya iyong niyakap ng mahigpit. "Kali..Anong ngyari sayo? anong ginawa nya sayo. Turan ni Rafael
"M-magpapaliwanag ako. nanginginig ng boses na Turan ni Kali ngunit masamang tingin lang ang ipinukol ni Rafael sakanya. H-hindi ko talaga sinadya ang mga ngyari, hindi ko sya gustong saktan. paliwanag nya pa ng maalalang isang robot si Kali. Pero Teka lang! robot sya kaya hindi sya nasaktan, hindi mo lang alam kung gaano ako na stress sa mga ngyari, dirediretcho nyang wika ng kwelyuhan sya ni Rafael gamit ang isang kamay nito "Mas mahalaga pa ang buhay ng Kali ko kesa sayo kaya mag-ingat ka s mga sinasabi mo! hindi lang sya basta robot para sa akin kaya isipin mong mabuti ang lalabas sa bibig mo! banta nito kay Kali

BINABASA MO ANG
My Human AI Lover
FanfictionMY HUMAN AI LOVER Bright As Rafael Gueriz Win As Kali Hermes __________________________________ ++++ BLURB +++++ RAFAEL POV I'm Rafael Gueriz, at isa akong Software engineer. Well.. matangkad ako, gwapo, matalino, masipag, pero hanggang ngayon sa...