14

27 1 0
                                    

MY HUMAN AI LOVER

Chapter 14

Win As John Kali Hermes
B as Rafael Gueriz
Dew Jirawit as Hanz Swerdik
Nani Hirunkit as Zyrus Lee
Jeff Satur As Carl Santillan

________________________________________

tumango si Raf at mabilis na hinalikan sa labi si Kali. "Yeah.. I really like you Kali.. bukod kay Max Ikaw ang isa pang taong muli kong pinagkatiwalaan.. kaya masaya akong kasama ka namin at kaibigan ni R200 ko, nakangiti nyang turan.

napanganga si Kali sa sinabi nito at ilang sandali pa ay napa buntong hininga na Lang, "Wala kabang naging kaibigan noon? tanong nya dito na tinanguan naman ni Raf. "Bukod sa inyo ni Max wala na akong maituturing na kaibigan. turan nya

"Pero bakit? kahit nung nag aaral ka? curious na tanong ni Kali

"Anak ako sa labas ng dad ko at dahil ayaw nyang madungisan ang malinis nilang pangalan kaya gumawa sya ng paraan para maitago ang katauhan ko sa lahat, dahil marami syang kalaban at kaaway na naghihintay lang ng pagkakataon para mapabagsak sya kaya dinala nya ako sa lugar na malayo sa tao, tanging Yaya, driver at Isang kasambahay lang ang kasama ko sa malaking bahay na iyon, hanggang sa magkaisip ako ay iyon ang namulatan ko, ng minsang malaman ng asawa ng dad ko na may anak sya sa labas ay ilang beses nya Kong pinapatay, maswerte lang siguro ako kaya buhay pa ako ngayon.. habang nagkaka edad may nakikilala rin naman akong ibang tao pero lahat sila trinaydor ako.. nalaman ko nalang binayaran sila ng asawa ni dad, alam mo Kali, humans are the most terrifying creatures because they can do anything for their own good.. kaya Ikaw wag ka basta bastang magtitiwala lalo at masyado kang mabait..

"pero Ikaw Ang nag-iisang tagapagmana ng mga Gueriz diba? nagtataka n tanong ni Kali

"It's because my brother died, namatay sya sa sakit at sinekreto ang kamatayan nya sa lahat..

"Ha? senekreto? eh pano ka naging heir kung ang alam ng iba buhay pa sya...

tinitigan ni Raf si Kali at ngumiti. "Kung sasabihin ko ba sayo maipapangako mong Hindi mo iyon ipapapalam kahit kanino?

"Big secret ba iyan? curious na tanong ni Kali

"yeah... pwede ko bang sabihin sayo ang sekreto ng pamilya ko Kali? I want to trust you and believe in you.. I want you the first person to call my name and know who I really am.

Mababanaag sa mukha ni Raf ang determinasyon nito at takot, alam niya ang pakiramdam na parang wala kang pwedeng pagkatiwalaan at sabihan ng problema dahil napagdaanan nya iyon kaya tumango sya at ngumiti kay Raf upang maramdaman nito na handa syang makinig dito at maging kakampi sa magulong mundo nito. sa pagtango nya ay hinawakan ni Raf ang kamay ni Kali at bahagyang pinisil iyon. "Rafael Gueriz is the name of my late brother.. he is a year older than than me but we really look alike kaya madali naming napaniwala ang lahat matapos ang Isang taong paghahanda ko para palitan si kuya.. simula mag 12 years old ako nabuhay na ako sa kasinungalingan, maganda ang trato sa akin ng mommy ni kuya sa harap ng maraming tao pero kapag kami lang halos isumpa nya ako, she's manipulating every person I met, lahat ginagawa nya para saktan ako dahil naniniwala syang ako ang salot sa pamilya nila at dahil sa akin kaya namatay ang anak nya. I'm her puppet and an actor in her little play..

Naawa na niyakap ni Kali si Raf habang hinihimas ang ulo nito. "Tell me your real name..

"Raf Railey  Wence.. turan ni Raf

"Raf Railey... hindi ka puppet at lalong hindi ka tauhan sa palabas ng mommy mo dahil may sarili kang isip at desisyon, pwede mong gawin kung anong magpapasaya sayo.. Hindi mo sya kailangang sundin at mas lalong Hindi mo kasalanan ang ngyari sa kuya mo, turan nya at mas hinigpitan ang yakap dito. Salamat sa tiwala at masaya akong nabuhay ka at kasama ko ngayon Railey.. simula ngayon maaasahan mong nandito lang ako lagi para sayo..

"Don't ever leave me, please Kali..

"I won't.

Hindi alam ni Kali kung paanong nakahiga na sila kama habang magkayakap, ngunit dahil mahimbing ng natutulog si Raf ay hindi na nya ginising ito at ipinikit na Lang ang mga mata.

.
.
.
.
.
.

++++ Kinabukasan

Nagising si Kali na wala na sa tabi nya si Raf kaya agad syang bumangon at hinanap ito, "Raf! kanina kapa gising? tanong nya ng makita ito

"Oo.. ahm Kali, nakalimutan ko pa lang sabihin sayo kagabi dahil sa ngyari, pero yayain dapat kitang magdate ngayon. turan ni Raf

"D-date? tayong dalawa? as in yung iniisip kong date? literal na date? tanong nya dito dahil Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito, natawa naman si Raf sa reaction nito. "Opo..literal na date, gusto ko kasing obserbahan ka ni R200 para may idea sya sa pakikipag date ng mga totoong tao.

"ma obserbahan ni R200? ibig sabihin kasama sya? tanong ni Kali na tinanguan ni Raf. "Syempre naman.. pero wag ka mag-alala dahil walang makakakilala sakanya.

Huminga ng malalim si Kali bago sumagot. "Ano pa nga ba eh nangako na akong tutulungan ka at hindi iiwan.. hintayin nyo ko maliligo lang ako. sagot nya dito.

.
.
.
.
.
.

Dahil alam ni Kali na walang alam sa date si Raf kaya nagreseach muna sya bago lumabas ng kwarto at dahil doon kaya nasa park na sila ngayong tatlo,

"Bakit dito? diba pag date kadalasan sa mga restaurant? tanong ni Raf

"Mas makakapag obserba si Kali kung mas maraming tao syaka masaya dito magtiwala ka lang sakin..

Naglalakad lakad sila sa park habang nagkwekwento si Kali at ng mapagod ay niyaya nya itong kumain sa pinakamalapit na foodcart na nakita nila.

"2 burger and coke pls. turan ni Kali sa tindera.

"You both are handsome, can I know why your here? tanong ng tindera

"Where on a vacation, he's my boyfriend. pagbibiro ni Kali sa tindera, pero  napansin nya ng bahagyang ngumiti si Raf sa sinabi nya.

"wow..really?! you have a handsome bf! he's hot! you look good togeter. turan ng tindera pagkabigay ng order nila

habang nakaupo sila sa pinakamalapit na bench ay Hindi pa rin naaalis ang ngisi ni Raf s labi kahit pa kumakain ito kaya nagtanong na si Kali. "Seriously, bakit ka ba nakangisi? nakakaloko kana ha..

"Sabi nung tindera ang hot at gwapo daw ng boyfriend mo.. turan ni Raf na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi

"anong nakakatawa dun? para namang nakakagulat yung sinabi nya eh totoo namang gwapo ka. turan ni Kali, natigilan naman sa pagsubo ng burger si Raf at nilingon si Kali na may mas malawak na ngiti. "nagagwapuhan ka talaga sakin? di makapaniwalang tanong nya.

"Oo naman.. may mata rin ako oh.. syempre alam ko ang gwapo sa Hindi.

"Wow.. ang sarap pala masabihan ng gwapo.. turan ni Raf, napataas naman ng Isang kilay si Kali sa sinabi nito. "Kami pa lang ba nungtindera ang nagsabing gwapo ka para ganyan ang maging reaksyon mo. iiling iling nyang turan

"Wala naman akong pakiilam sa sinabi nyang gwapo at hot ako, nakangisi ako dahil sa sinabi nyang bf mo ko at bagay tayo..  wala lang.. parang ang sarap lang pakinggan, tapos alam mo Kali, na excite talaga Ako nung sinabi mong nagagwapuhan ka sakin.. turan nya saka kinuha ang kamay ni Kali at idinikit sa dibdib nya.. ramdam mo? ang lakas ng kabog nya..

Biglang nahila naman ni Kali ang kamay nya at tumayo. "Ah..punta lang akong Cr. turan nya at nagmamadaling umalis, pagdating sa Cr ay kinapa nya ang dibdib nya, relax kalang heart ko.. na eexcite lang ang lalaking yun dahil ngayon lang sya nagkaron ng totoong kaibigan.. wag ka mag expect dahil masasaktan ka lang.. wika nya sa sarili

My Human AI LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon