10

31 3 0
                                    

MY HUMAN AI LOVER

Chapter 10

Bright As Rafael Gueriz
Win As John Kali Hermes

________________________________________

Mabilis na bumaba sa taxi si Raf at pumasok sa bahay na kasalukuyang tinutuluyan nila, gulat na nagtinginan ang mg housekeeper sa lakas ng pagbukas ng pinto nito. "Sir? tanong ng isa sa naglilinis. "May tao b kanina dito pagdating nyo? tanong ni Raf, agad na nagtinginan ang mga housekeeper at halos sabay sabay na nag-ilingan

"Lumabas muna kayong lahat sandali lang, tatawgin ko nalang kayo pag okay na. Turan ni Raf kaya agad na nagsilabasan ang mga naglilinis kahit hindi nila alam kung bakit ito nagkakaganun, agad na inilock ni Raf ng pinto at hinanap si Kali. Kali... Kali .. Asan kana? ako lang ang nandito, labas na.  Turan nya habang sinisilip ng ilalim ng kama at binubuksan ang mga cabinet, ilang sandali pa ay nalibot na nya ng buong bahay ngunit wala syang Kali na nakita kaya pinapasok na nya ang mga housekeeper at lumabas sya para doon maghanap.

"Asan kanaba Kali.. mahina nyang wika habang hinahanap si Kali

Hindi na mapigilan ni Kali ang panginginig ng katawan nya dahil sa sobrang lamig, pakiramdam din nya ay bumibigat ang talukap ng mata nya ng may lalaking magsuot skanya ng jacket. "Are you okay? your shivering. Turan nito. Nagawa naman na umiling ni Kali at nagulat nalang sya ng tumabi ito sakanya at yakapin sya habang nakasuot ang jacket nito sakanya. body heat is effective so let me hug you at least until you feel better.

Hindi man kilala ni Kali ito pero isiniksik nya ang katawan nya rito, ilang sandali pa ng makaramdam ng ginhawa ay nilingon nya ang mukha ng lalaki, "Ah..Pilipino ka ba? tanong nya sa lalaki

Pilipino ka rin?! wow..buti pala tinulungan kita kabayan! anong ginagawa mo dito? saan ka nakatira? kung wala kang tinutuluyan pwede ka muna makitira sa akin kesa mamatay ka sa lamig  sa labas. nakangiting Turan nito

"Thank you pero babalik na akong Pilipinas, kung pwede pahiramin mo nalng ako ng phone mo, may tatawagan lang ako. sagot nya dito.

"Sure.. ito oh, nga pala hindi pa ako nakapag pakilala, I'm Carl Santillan. Ikaw?

"I'm John Kali Hermes, maraming salamat sa pagligtas sakin ha, malaki ang utang na loob ko sayo.

"Ano ka ba.. sino pa bang magtutulungan kundi tayo tayo ring magkakalahi, ito na yung phone ko oh.. tawagan mo na ang dapat mong tawagan.

Nakangiting tumango naman si Kali at tinawagan ang uncle nya pero hindi nito sinasagot ang tawag kaya sinubukan nyang tawagan si Raf na agad namang sumagot. "Hello! si Kali ba to?! bungad ni Raf sa tumawag

"Oo...hindi kasi sumasagot si uncle, pwede mo b kong tulungan? wala akong dalang pera at naiwan ko ang phone ko sa bahay, nanginginig na rin ako sa lamig ngayon dahil hindi ako nakakuha ng jacket..

"Asan ka? kanina pa kita hinahanap.. nag-aalalang sagot ni Raf, sinabi ni Kali kung nasan sya syaka pinatay ang tawag.

"ito na phone mo oh, salamat Carl..

"Wala yun, nakangiting sagot ni Carl, napansin ni Kali na nilalamig na ito, dahil suot nya ang jacket nito kaya nahiya sya at tinanggal ang jacket nito na nakasuot skanya, "suotin mo na to oh.. okay na ako salamat, syaka parating na rin yung kaibigan ko.

"Okay lang ako, suotin mo na yan hanggang dumating yung kaibigan mo, Turan ni Carl at muling isinuot ang jacket nya kay Kali ng may biglang humila kay Kali at sinuotan ito ng jacket

"Sino ka? tanong ni Ralph na masama ang tingin kay Carl

"Raf! ang bilis mo ha.. nakangiting Turan ni Kali.  sya pala si Carl Santillan, nanginginig na kasi ako s lamig kanina kaya tinulungan nya ko. nawala ang ngiti sa labi ni Kali ng hawakan  ni Raf ang mga pisngi nya. "Ang lamig ng pisngi mo, Turan nito at niyakap si Kali. I'm sorry...dapat mas nag-ingat ako, dapat hindi kita hinayaang mag isa, sorry kung natakot ka dahil sa kapabayaan ko Kali... nagsisisi na Turan ni Raf

"A-ano ka ba.. okay lang naman ako, pigil ang ngiti na Turan ni Kali,

"ehem.. tikhim ni Carl kaya agad na kumalas silang dalawa sa yakap. By the way Kali, dahil nandito na ang kaibigan mo kaya mauuna na ko, ito yung calling card ko, sana tawagan mo ko para makapag dinner naman tayo. nakangiti nitong Turan

"Thank you ulit Carl, promise tatawag ako sayo para ilibre ka ng dinner... nakangiting Turan ni Kali na ikinakunot naman ng noo ni Raf. "Kung magkikita ulit kayo kailangan kasama ako Kali, hindi mo pa naman sya ganun ka kilala kaya hindi ka dapat basta basta nagtitiwala at nakikipagkita mag isa. seryosong Turan ni Raf

"ano kaba.. wag ka ngang magsalita ng ganyan.. malaki ang utang na loob ko sakanya. Turan ni Kali

"Wag ka mag-alala, Raf, marunong akong mag-alaga ng kaibigan, sisiguraduhin kong hindi lalamigin si Kali pag ako ang kasama nya. nakangiting Turan ni Carl na lalong ikinainit ng ulo ni Raf. "May gusto kabang sabihin? pwede mo naman akong prangkahin!

"ano ba Raf! pasensya na Carl, mainit lang ulo nito, sige na Mauna kana.. tatawagan nalang kita, maraming salamat ulit ha? syaka pagpasensyahan muna sana tong kaibigan ko. Turan ni Kali at nakangiti naman na tumango si Carl syaka umalis na.

"Psh! ang yabang. mahinang Turan ni Raf

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa tao? buti nga dumating sya at tinulungan nya ko dahil kung hindi baka nanigas na ko sa lamig dito! Turan ni Kali

"Hindi ko alam.. basta naiinis ko sakanya, Tara na nga sa bahay, sa tuwing mawawala kanalang sa paningin ko nagkakaproblema.. kung pwede lang itatali kita sa katawan ko ng hindi n tayo magkalayo at mabantayan kita. Turan ni Ralph at dirediretcho ng naglakad

natigilan si Kali dahil sa sinabi nito at napangiti syaka sinundan si Raf. "sabihin mo nga nagpropropose kanaba sakin?

"Propose? pinagsasabi mo? nakangiting tanong ni Raf

"Kasi ayaw mo ng magkalayo tayo eh.. ui si Raf..may feelings na sakin.. biro ni Kali

humalakhak ng tawa. "Ganun ba yun? edi Oo na.. nagpropropose na ko sayo.
sakay nya sa biro ni Kali.

My Human AI LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon