15

27 1 0
                                        

My Human AI Lover

Chapter 15

Kali Hermes Jimenez (Human)
R200 Kali (AI Robot)
Rafael Gueriz (Owner of R200 Kali and creator)

______________________________________

"Kaibigan lang ang turing nya sayo.. paulit ulit na sinasabi sa isip ni Kali habang palapit sya sa mesa nila ni Rafael. Hey, ang tagal mo sa Cr, okay ka lang ba? kung hindi ka pa lumabas sinundan na kita dun. bakas ang pag aalala sa mukha na turan ni Raf ng makalapit si Kali sa kanya. Y-yeah..I'm good, salamat sa concern mo, by the way next loc na tayo? sagot nya rito. tumango naman ito bilang tugon at tumayo na para sundan si Kali.

Dahil nasa busy street na sila kaya hinawakan ni Raf ang kamay ni Kali na ikinagulat naman nito kaya agad na napasulyap sa lalaking humawak sa kamay nya. "Raf? nanlalaki ang mata na turan nya, ngumiti si Raf at Ngumuso sa harap, ang daming tao eh.. mamaya magkahiwalay pa tayo, turan nito. ngumiti na Lang si Kali at hinawakan din ng mahigpit ang kamay nito.  Ilang minuto pa silang naglakad hanggang sa sumakay na sila patungo sa mall dahil may susunduin sila, kinutuban na agad si Kali na si R200 ang susunduin nila dahil wala naman itong ibang kaibigan kundi sya at ang uncle nya na malabong iwan mag-isa ang pinakamamahal nitong robot at Hindi nga sya nagkamali dahil malayo pa lang ay tanaw na nya ang uncle nya at ang kasama nito na balot na balot ang katawan at mukha.

"Max! kanina pa kayo ni R200? masayang bungad ni Raf ng makalapit sila

"Hindi naman.. sigurado ka ba Raf dito? baka mawala si R200 ha, masyadong maraming tao dito.turan ni Max

"Wag kang mag-alala mas mahalaga pa kesa sa buhay ko si R200. nakangiting sagot nya

"Ahm.. sasabay na ako kay uncle, enjoy kayo sa date nyo ni R200.. pilit na ngiting turan ni Kali

"what? iiwan mo kami ni R200? hindi pwede Kali.. kailangan ka namin para ma obserbahan ni Kali at ma idagdag sa memory nya, kailangan nyang mapag aralan ang facial expressions nating dalawa.

"A-aahh.. tumatango na turan ni Kali, wow.. o-okay, sure.

"Thankyou Kali! maaasahan ka talaga. nakangiting turan ni Raf at niyakap ito

"Kung ganun aalis na ako, susunduin ko si R200 makalipas ang dalawang oras Raf, Hindi sya pwedeng mawala ng matagal sa lab. dito parin tayo magkikita kaya wag na kayo masyadong lalayo ha. Ingatan nyong dalawa si R200. bilin ni Max bago umalis

"Mag archade nalang muna tayo tutal di naman Tayo pwedeng lumayo. turan ni Kali

"Okay lang ba sayo yun R200? tanong ni Raf dito

"Yes Raf. sagot ni R200 na nagpataas ng Isang kilay ni Kali. "Wow.. from master to first name basis na kayo ha, good job R200. turan nya na pinipigilan ang sumimangot lalo na ng tumawa si Raf at akbayan si R200. "Magugulat kanalang isang araw Kali, parang totoong tao na talaga tong si R200, pero syempre kailangan nya ng tulong nating dalawa.

Tumango na Lang si Kali at dina sumagot, "Bilisan nyo na, para makapag laro na.

Habang nasa loob ng archade ay nakatuon ang atensyon ni Raf kay R200 habang sya ay nasa gilid ng dalawa at nagmamasid lang, minsan sinusubukan ni Kali na pumagitna s dalawa ngunit agad na lumilipat ng pwesto si Raf upang muling mkatabi si R200 kaya sa huli ay nagkasya nalang si Kali na nagmamasid sa mga ito at tipid na ngingiti na Lang sa twing lilingunin sya ni Raf.

"Kali! subukan mo tong laro na to oh.. turan ni Raf. "Sige lang, kayo nalang ni R200, di ako marunong nyan eh. sagot nya ngunit parang hindi na narinig ni Raf ang sinabi nya dahil hinila na nito si R200 sa ibang game kaya napabuntong hininga na Lang sya at padabog na sinubukan ang sinasabi nitong laro pero dahil pang dalawahan ang laro na iyon ay aalis nalang sana sya ng may tumabi sa kanya. "I'm alone too and I want to play this one so stay and play with me. ma awtoridad na turan ng lalaki, "Tristan?! nanlalaki ang matang turan nya dito, agad nya itong nakilala kahit pa nakamask ito dahil sa suot nitong relo syaka lang sya nilingon nito. "Oh..your from the bar! yung pakialamero! turan nito

My Human AI LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon