My Human AI Lover
Chapter 16
Kali Hermes Jimenez (Human)
R200 Kali (AI Robot)______________________________________
"Mamili ka, mabubuhay kang kinamumuhian ng taong pinakamamahal mo o tatalikuran mo ang Buhay mo para makasama sya? Nakangising turan ni Hanz, ilang ulit napalunok si Kali habang nakakuyom ang Kamao at nakatitig sa kotseng nagliliyab. "Madali akong mainip kaya sumagot kana habang nagiging mabuti pa ako Sayo. Muling Turan ni Hanz, mariing napapikit si Kali bago tumingin dito. "Anong dahilan? Bakit mo ginawa to? Tanong ni Kali na nagpatawa kay Hanz na animo'y nakarinig ng isang nakakatawang tanong. "I'm doing this because it's fun.. I'm helping you because I feel like it, siguro dahil simula ng makilala kita ay nakuha mo na ang atensyon ko, sabihin nalang natin na your making my days full of excitement at dahil dun kaya tinutulungan kita ngayon, I will be your fairy Godfather who will grant your wish to be with your prince charming and to live happily ever after with him of course.., wag kang mag-alala dahil hindi dito matatapos ang pagtulong ko sayo dahil sisiguraduhin kong hindi malalaman ni Ralph ang pagpapaganggap mo.. mahaba nitong Turan. Huminga ng malalim si Kali bago tumango kay Hanz, sa Oras na iyon ay gulong gulo ang isip nya at hilong hilo siya, ngunit Isa lang ang sigurado siya, ang kamuhian ni Raf ay katumbas din ng kamatayan kaya gagawin nya ang lahat upang hindi mangyari iyon.
"Now, Kali Hermes Jimenez is officially dead. Nakangiti at manghang Turan ni Hanz dahil hindi nya sukat akalain na mas pipiliin nitong patayin ang katauhan para lang makasama ang taong pinakamamahal nito.
.
.
.
.
.Makalipas ang tatlong araw ay tuluyan ng idineklara ang pagkamatay ni Kali Jimenez, at makalipas lang ang Isang linggo ay ililibing na ang abo niya, nasa malayo si Kali habang nakatingin at sinasaksihan ang sarili nyang libing, simula sa araw na iyon ay wala ng atrasan, siya na si KaliR200, malungkot ang ngiti na napatingin sya sa mga palad nya, hindi nya sukat akalain na sa kabila ng lahat ay mas pinili nya pa ring makasama si Ralph kahit pa maging kapalit noon ay ang pagkamatay ng katauhan niya, nakagat na lamang nya ang labi ng ma-alala ang araw na iyon na naging dahilan ng lahat.
.
.
.
.FLASHBACK
ngumiti si Raf at tumingin sa mga mata nya. "Panu naman ako lalamigin eh ang hot ng kasama ko.. pero pag Ikaw nilamig wag ka mag alala kasi lagi akong handa para yakapin ka.
Matapos ang date nilang iyon ni Raf ay mas dumalas pa ang pamamasyal nila, syempre kadalasan ay kasama si r200 ngunit laging nauuna itong umalis kaya naiiwan silng dalawa. akala ni Kali ay may pagtingin na rin si Raf sakanya kaya isang gabi ay nilakasan nya ang loob at umamin dito ng tunay nyang nararamdaman.
"Raf.. Sabi mo sa tuwing kasama mo ko, Masaya ka diba? Sabi mo parang lagi kang kinakabahan at lumalakas ang kabog ng dibdib mo sa tuwing magkakalapit tayo, turan ni Kali
"Yeah..ikaw ang kauna unahang taong nagparandam sa akin ng ganito Kali.. kaya sana habang buhay kang manatili sa tabi ko. Nakangiti nyang sagot dito
"Pero.. sa tingin ko hindi ko na magagawa iyon Raf, dahil... Dahil mahal na kita.. Hindi bilang kaibigan kundi higit pa.. nanginginig ang kamay na turan ni Kali
"K-kali.. alam mong boyfriend ko si R200, naghguluhan na sagot ni raf
"A-ayos lang kahit pangalawa lang ako Raf.. ayos lang kahit maalala mo lang ako sa tuwing kailangan mo, Basta lang.. Basta.. kahit minsan tumingin ka sa akin bilang ako.. mangiyak ngiyak na turan nya habang hawak ang isang kamay ni Raf ngunit tinanggal ni raf ang kamay nito at yumuko. "Patawad Kali..hindi ko magagawang pagtaksilan si R200.. sa tingin ko nagkakaganyan ka lang dahil lagi tayong magkasama, kaya ang mabuti pa ay bumalik ka ng Pilipinas.. bumalik ka nalang kapag nagbago na ang tingin mo sakin. Seryosong Turan ni Raf
Hindi na napigilan ni Kali ang mga luha nyang tila nag-uunahan sa pagdaloy. "Sabi mo.. hindi mo kayang mawala ako sa tabi mo? Sabi mo.. mahalaga ako sayo? S-sabi mo..himihikbi nyang Turan
"Please stop.. Tama na Kali, kahit kailan ay diko magagawang suklian ang nararamdaman mo kaya mas mabuting kalimutan mo na iyan kung gusto mong manatili ang pagkakaibigan natin.. R200 is everything to me, hinding hindi mo sya magagawang mapalitan sa puso ko..
"Ang sama mo Raf.. napakasama mo.. humihikbing Turan ni Kali bago patakbong lumabas, sa huling pagkakataon ay umasa syang susundan siya ni raf kaya ilang sandali syang huminto sa harap ng tinutuluyan nila ngunit nabigo siya dahil ni anino nito ay hindi nagpakita, hanggang sa nagpatuloy syang maglakad kahit na pakiramdam nya ay gumuguho ang lahat.
"Want a ride? Turan ni Hanz na tumigil sa kinaroroonan ni Kali
Hindi ito pinansin ni Kali at nagpatuloy sa paglakad ng magsalita itong muli. "Sa itsura mo mukhang binasted ka na ni Raf.. alam mo hindi mo kasalanan kung tatanga tanga si Raf at hindi marunong mamili, kung wala lang sana si R200 siguradong boyfriend mo na si Raf ngayon. Biglang nahinto sa paghakbang si Kali sa narinig, at nilingon si Hanz na nakangiti na. Gusto mo bang mawala si R200? Tutulungan kita.. muling Turan ni Hanz. Wala sa loob na pumasok si Kali sa kotse nito at ininom ang ibinigay nitong tubig.
Hindi namalayan ni Kali kung paanong kasama na niya si R200 na nakakahon sa likod ng sinasakyan niya ngayon at nasa liblib na lugar na siya habang sakay ng isang AI car, kusang huminto ang sasakyan at makalipas lang ng ilang minuto ay dumating si Hanz na sakay ng motor nito.
"I used an AI car dahil mukhang wala ka sa tamang wisyo na magmaneho, Turan ni Hanz dito
"Bakit nandito tayo? Paanong nandito rin si R200? Naguguluhan n Tanong ni Kali
"Hey..Plano mo to remember? Sabi mo handa mong gawin ang lahat para mawala sa landas mo si R200 kaya tinulungan kita.. don't worry, walang ibang nakakaalam o makakaalam na kinuha natin ang robot na iyan at kasama ngayon, ikaw ang nakita sa CCTV na sakay ng kotse na ito at makalipas ang labinglimang segundo ay sasabog na itong sinasakyan mo, pwede nating iwan si R200 dito sa drivers seat para mawala na siya sa landas nyo ni Raf at magkunwaring wala kang alam sa ngyari, Turan ni Hanz
"H-hindi.. umalis na tayo dito, ilabas na natin si R200.. mali to.. naguguluhan na turan ni Kali syaka tinanggal sa kahon si R200
"Sigurado ka? Nakalimutan mo na agad ang sakit na naidulot ni raf Sayo ng dahil lang sa robot na iyan? Ito nalang ang isipin mo, Oras na mawala siya sa landas nyo ni raf ay matutuon ang lahat ng atensyon niya sayo.. magagawa na niyang suklian ang pagmamahal mo at tuluyan ka ng makakapasok sa puso nya.. Turan ni Hanz at hinawakan ang kamay ni Kali, ilagay mo na siya dito sa drivers seat para sa kaligayahan mo.. Isa lang syang robot.. ayos lang kahit sumabog siya kasama ng kotse, tama lang ang gagawin mo..
muling nablangko si Kali na sinusnod ang sinabi ni Hanz, huli na ng matauhan siya dahil sumabog na ang sasakyan at kasalukuyang nag-aapoy. "R-R200..! Sigaw niya
Humahalakhak na tinignan ni Hanz si Kali, "Naku.. paano mo ipapaliwanag Kay Raf n hindi ikaw ang nasa loob ng sumabog na sasakyan kundi si R200? Sigurado kamumuhian ka nya pag nalaman niya ang ginawa mo o baka mapatay ka pa niya..
"Walanghiya ka! Tanging sigaw ni Kali dito matapos nya itong suntukin
"Sinabi ko na sayo diba? Kakampi mo ko Kali.. wag ka mag-alala tutulungan kita, I will make anything for my toy to be happy. Turan nya na hinimas pa ang ulo ni Kali.
BINABASA MO ANG
My Human AI Lover
FanfictionMY HUMAN AI LOVER Bright As Rafael Gueriz Win As Kali Hermes __________________________________ ++++ BLURB +++++ RAFAEL POV I'm Rafael Gueriz, at isa akong Software engineer. Well.. matangkad ako, gwapo, matalino, masipag, pero hanggang ngayon sa...