9

22 3 0
                                    

Dahil buo na ang desisyon ni Kali ay wala ng nagawa si Max para pauwiin pa ito, "Hindi ko kayo maintindihan lalo kana Kali pero matanda kana kaya irerespeto ko ang desisyon mo, Hindi ka pwedeng magkaroon ng sariling kwarto dahil ang alam ng iba ay Humanoid ka, kaya mamili ka, dito ka sa kwarto ni Raf o sa kwarto ko tutuloy? tanong ni Max

"ah... k-kahit saan uncle, wala namang problema sa kin, Turan ni Kali, agad namang tumikhim si Raf at nagsalita, "Sa tingin ko Max, mas tamang nandito si Kali sa kwarto ko dahil dito rin mamamalagi si R200. Turan ni Raf

"R200? takang tanong ni Kali

"Yeah.. Kali is also known as R200Kali, kaya naisip kong dahil pareho kayo ng pangalan kaya gagamitin nalang namin ang isa pang pangalan ni Kali para Hindi magkalituhan. sagot ni Raf na tinanguan naman ni Kali. "Edi..okay na uncle? dito nalang ako sa kwarto ni Raf.

"Ano bang ngyayari sa inyong dalawa? nasa kwarto ko si R200Kali dahil ako ang umaayos sakanya ngayon nakalimutan nyo na? ang mabuti pa halika na Kali! tama si Raf, mahalagang nasa iisang lugar lang kayo ni R200. kunot ang noong turan ni Max

"Ah... Si-sige.. Turan ni Kali at kinuha ang bag nya pero pinigilan sya ni Raf kaya nagulat si Kali at natigilan naman si Max. "May sasabihin ka pa ba kay Kali? takang tanong ni Max.

Agad na umiling si Raf at binitawan ang isang kamay ni Kali na hawak nya. "Ano lang.. good night, nahihiya nyang Turan

Tumango si Kali sa sinabi nito at sumunod na sa uncle nya, maluwag ang kama ng uncle nya at kasya ang dalawang tao ngunit mas gusto ni Kali n mahiga sa sahig, "Matulog na tayo Kali para maaga tayong magising bukas. Turan ni Max. "Okay... sagot nya at pumikit na pero ilang sandali pa ay muli nyang ibinukas ang mata, tulog na ang uncle nya pero hindi pa rin sya makatulog kaya naisipin nyang lumabas na muna para uminom ng gatas ng makasalubong nya si Raf na mukhang pabalik na sa kwarto nito.

"Dikarin ba makatulog?  tanong ni Raf sakanya

"Oo eh..

"Gusto mong kape? magaling akong magtimpla ng kape, nakangiting Turan ni raf

"Kape? .gatas kasi iniinom ko pag di ako makatulog, Turan ni Kali na tinawanan naman ni Raf. "Gatas? wow... you're really a baby, nakangiti nya pang Turan, agad na tumaas ang isang kilay ni Kali dahil s sinabi nito. "yes gatas! kesa naman sayo na kape pa ang iniinom hindi na nga makatulog. Nakasimangot nyang turan. pigil ang ngiti na tumango tango si Raf. "Sabagay may point ka... pero don't get me wrong tungkol sa sinabi kong your a baby, compliment yun, your adorable as baby. nakangiting Turan ni Raf, "O-okay ..sabi mo eh.. sagot ni Kali na umiwas ng tingin habang namumula ang pisngi.

"Timplahan na kitang milk mo baby.. ay! Este.. Kali pala. biro ni Raf, masamang tinignan lang sya ni Kali. Joke lang.. ang high blood mo ngayon, Turan ni Raf at inilagay sa mesa ang gatas ni Kali. by the way, ayaw mo talagang maging baby? magaling akong babysitter.

Sa gulat ni Kali ay naibuga nya ang iniinom nyng gatas sa mukha ni Raf. "oh my... sorry! Turan nya at agad n kumuha ng tissue para punasan ang mukha nito. Sorry talaga.. Ikaw naman kasi puro ka kalokohan.

"Okay lang... no worries, sabi nila maganda daw yung milk sa balat, nakangiti pa rin nyang sagot kay Kali

"Sorry talaga...

"Okay lang, inumin mo na yang gatas mo...

.
.
.
.

"Ahm...Raf, bakit pala parang bigla kang bumait sakin? dahil ba yan sa hangin dito s Amerika? kung Oo, magdadala ako ng maraming hangin dito at iuuwi ko sa Pinas para manatili kanang mabait sakin.. nakangiting Turan ni Kali

"Grabe.. ganun ba kasama tingin mo sakin?

"Oo.. sungit mo kaya sakin!

nakangiting umiling iling. "Narealize ko lang kasi na hindi mo naman sinadya yung ngyari kay Kali ko syaka, minsan naiisip ko kung kaya rin kayang gawin ni Kali ko yung mga facial expressions mo.. that's the reason why I keep teasing you, kasi feeling ko Ikaw si R200Kali. nakangiting sagot ni Raf, Isa pa ngayong inaayos ni Max ang Kali ko hindi ako nalulungkot kasi andyan ka.

Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Kali sa narinig dahil nanikip ang dibdib nya sa mga sinabi nito. "Baka nakakalimutan mo Raf, ako yung model, ganyan ang mukha ni Kali dahil kinopya ang mukha ko.

"Yes, ofcourse I know. sagot ni Raf, Kaya nga kinukulit kita kasi I know ganyan ang magiging facial expressions ng Kali ko if ever na makaya nyang gawin..

"wow..alam mo pala? para kasing hindi. disappointed nyang Turan at tumayo na para umalis

"Wait...may nasabi ba ako para mainis ka? okay lang tayo kanina ha.. Turan ni Raf

"Let's make everything clear now, andito ako para tulungan kayo.. Hindi ang maging experiment mo para sa Kali mo! Turan nya at pumasok na ng kwarto.

"Seriously.. whats wrong with him.. nagtataka na naitanong nalang ni Raf sa sarili

My Human AI LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon