8

25 3 0
                                    


Dumating ang araw ng flight nila Raf papuntang Amerika ngunit hindi pa rin naayos ang robot na si Kali kaya wala ng nagawa si Max at ang pamangkin nya na si Kali kundi sundin ang plano ni Raf.

"Pasensya kana iho, kasalanan ko ito eh, kung hindi lang sana kita inutusan na dalhin ang chip ni Kali kay Raf noon edi sana wala ka sa ganitong sitwasyon at hindi mo sana haharapin ang delikadong sitwasyon na ito, dahil sa gagawin mo maari kang makulong o mapahamak. Turan ni Max

"Wag mo ng isipin yun uncle, may kasalanan din naman ako syaka wag ka ng mag-alala kasi bukod sa magaling akong umarte, mag-iingat din ako ng Todo! mahal ko pa kaya freedom ko.. sagot ni Kali at napabuntong nalang si Max

.
.
.
.
.
.

++++++ AMERIKA ++++++

Pakiramdam ni Kali ay mauubusan na sya ng hangin dahil sa kinalalagyan nya, para maiwasan kasi ang pagdududa sa kanila ay sa loob ng malaking kahon sya inilagay kasama ang robot na si Kali subalit hindi malalaman ng magbubukas na dalawa silang laman nun dahil ipinasadya ang kahon na iyon para magawan ng sekretong harang at pinto. "Grabe..naliligo na ko sa pawis, ilang oras na kaya kami sa himpapawid.. pakiramdam ko pag nagtagal pa hindi na ko makakarating ng buhay sa Amerika. Turan nya sa sarili ng marinig  nya ang pagbukas ng pinto at boses ni Raf

"Dahan dahan, Turan ni Raf  sa mga lalaking maglilipat sa kahon na kinalalagyan nila Kali sa sasakyan.

.
.
.
.
.
.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakaramdam ng sobrang lamig si Kali hanggang sa ma upo na sya at yakapin ang tuhod, nanginginig na sya sa lamig hanggang sa maipikit na nya ang mga mata nya.

"Kali! Kali! please wake up... Kali please... ang malambing n tinig na iyon na may bahid ng pag-aalala ang gumising kay Kali, ng dahan dahan nyang imulat ang mga mata nya ay tubig ang una nyang nakita, syaka nya napagtanto na nakababad sya sa maligamgam na tubig. Anong nararamdaman mo? I'm sorry I was careless, nakalimutan kong bigyan ka ng panlamig. Turan ni Raf

"tubig... Turan ni Kali at agad naman syang inabutan ng tubig ni Raf, ilang sandali pa ay dahan dahan nyang ginagalaw galaw ang ulo at mga balikat, pakiramdam nya kasi nanigas iyon dahil sa lamig.

"Liliguan na kita para makapagbihis kana. Turan ni Raf at kumuha ng sabon at sinabon ang likod ni Kali, habang pulang pula ang mukha ni Kali ay parang wala lang kay Raf ang ginagawa nito kaya dina nakatiis si Kali at kinuha ang sabon sa kamay nito. "A-ako na.. kaya ko na.. ako ng bahala kaya pwede ka ng umalis. Turan nya kay Raf ngunit hindi pa rin ito kumikilos.

"Kasalanan ko kung bakit nasa ganyan kang sitwasyon, dahil iyon sa kapabayaan ko kaya hayaan mo na ako, sagot ni Raf ngunit mariing umiling  si Kali. "Please! ako na! kaya ko na to! lumabas kanalang!

"Sigurado ka? tanong nya ngunit ng hindi magsalita si Kali at nanatiling nakayuko lang ay tumayo na sya at lumabas. Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng tulong. Turan nya bago isara ang pinto ng banyo syaka agad na napahawak sya sa dibdib nya, sobrang kinakabahan sya kanina ngunit pinipilit nyang kumilos ng normal dahil ayaw nyang mailang si Kali.

"Okay ka lang Raf? magkakasakit ka ba? pulang pula ang mukha mo, Turan ni Max na kakapasok lang sa kwarto nito. Si Kali nga pala? kanina ko pa sya hindi nakikita. muli nyang tanong habang inililibot ang paningin sa loob ng kwarto. "Okay lang ako! nasa Cr si Kali! sagot ni Raf

"Ganun ba, Syanga pala may good news ako, okay na ulit ang system ni Kali at ang kailangan nalang gawin ay palitan ang mga nasunog nyang artificial skin, sa makalawa magagawa kong matapos si Kali na parang walang ngyari kaya wag na nating ituloy ang plano, maigi ng hanggat maaga pabalikin na natin ang pamangkin ko para maiwasan ang gulo. paliwanag ni Max. "Tama ka, maasahan ka talaga Max. Turan ni Raf

"Hindi naman kasi malala ang ngyaring pinsala kay Kali, sigurado akong alam mo yun Raf, sabi din sa akin ng supplier hindi kanaman talaga umorder ng artificial skin at sensor, umamin ka nga sakin Rafael Gueriz.. kaya mo ba pinalabas na Malala ang sira ni Kali ay dahil.... 'napalunok si Raf ng paulit ulit at kinabahan sa maaring itanong ni Max dahil kung tatanungin nito kung gusto nya ang pamangkin ay kahit sya hindi sigurado sa sagot nya.' Dahil.... gusto mo syang parusahan tama ba?

"H-ha...? tanging nasambit ni Raf

"Anong ha? mula pa maliit ka kilala na kita, sa tuwing may robot kang nasisira ng maid nyo o kakilala mo sinisiguro mong makakaganti ka sa kahit na anong paraan, pero ako na nagsasabi sayo, sigurado akong hindi sinasadya iyon ng pamangkin ko dahil mabuti syang bata. paliwanag ni Max

"Yeah... papauwiin na natin sya Max, pasensya na kung dinamay ko pa ang pamangkin mo dito. Turan ni Raf, tinapik namn sya ni Max, "ayos lang, wala pa namang dapat ipag alala.

.
.
.

Paglabas ni Kali ay naroon din ang uncle Max nya, "Uncle, kaya kaba nandito para ibrief ako sa dapat kong gawin mamaya? Turan ni Kali at naupo.

"Hoy..di ba uso ang blower sa inyo? gusto mo bang magkasakit? bakit lumabas ka ng hindi pinaatuyo ang buhok mo? Turan ni Raf at agad n kinuha ang blower at pinatuyo ang buhok ni Kali.

"Ako na.. nakalimutan ko lang, Turan ni Kali habang inaagaw ang blower sa kamay ni Raf
"Ako na! wag kanang makulit! sagot nito kaya wala ng nagawa si Kali at hinayaan nalang ito sa ginagawa.

"May good news ako sayo iho, simula bukas makakabalik kana sa Pilipinas dahil maayos na ulit si Kali. nakangiting Turan ni Max na ikinalaki ng mata ni Kali. "Agad agad? pero sabi ni Raf... Turan nya at lilingunin sana si Raf ngunit agad nitong pinigilan si Kali. "Wag kang gagalaw mainit na tong blower. Turan ni Raf para hindi sya tuluyang lingunin ni Kali

"Madali lang pala maayos yung robot nyo eh, pinahirapan mo lang ata ako.. or talagang hindi kalang talaga magaling. nakanguso na Turan ni Kali

"Ang mabuti pa mag impake kana mamaya Kali para maayos na ni Raf ang pag-alis mo. muling Turan ni Max at lalabas na sana ng pigilin sya ni Kali. "Pero uncle, sigurado ba kayong okay lang na umalis na ako? kaya na ba ng robot nyo ang lahat? sigurado ba kayong hindi kayo magkakaproblema?

"Syempre hindi kami sigurado sa mangyayari pero maigi ng umalis ka kesa magkaroon pa tayo ng mas malaking problema. sagot ni Max

"Ikaw... Raf.. ano sa tingin mo? tanong muli ni Kali habang nakayuko,

"Kung okay lang sayo, dito ka muna... si Kali na ang gagamitin namin pero kung sakaling magkaron ng problema, mas okay na nandito ka para makagawa agad kami ng solusyon.. mahinang Turan ni Raf

"Nababaliw kanaba Rafael? kalokohan iyang iniisip mo! Turan ni Max

"Okay lang uncle.. gusto kong tumulong...

"Pati ikaw Kali? ano bang ngyayari sa inyong dalawa? ang mabuti pa pag isipan nyong mabuti iyan! babalik ako dito mamayang gabi para marinig ang desisyon nyo!

My Human AI LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon