MY HUMAN AI LOVER
Chapter 10
Bright As Rafael Gueriz
Win As John Kali Hermes________________________________________
Pagdating nila sa tinutuluyan nila ay nakaalis na ang mga housekeeper kaya tinanggal na ni Kali ang suot nyang mask at sumbrero syaka naupo sa sofa. "Hay...grabe yung araw na to para sakin, dami kong pinagdaanan. Turan nya at nahiga sa sofa, papahinga lang ako saglit Rafael, Turan pa nya bago pumikit pero ilang sandali lang ay may pumipindot pindot s pisngi nya kaya ibinukas nya ang isang mata nya. Bakit? tanong nya dito
"Bumangon kana muna, gumawa ako ng tea para sayo, Turan ni RaF at inalalayang bumangon si Kali.
"Anubayan.. gusto ko lang umidlip saglit eh. Turan nya habang nakanguso, magrereklamo pa sana sya ng mapagtanto nya na sobrang lapit ng mukha nila ni RaF sa isa't isa wala sa loob na napatitig sya sa mata nitong nakakaakit, ibinaba nya ang tingin dahil pakiramdam nya ay lalo syang nahuhulog dahil sa nakakahipnotismo nitong titig para lang mapalunok ng matitigan sa malapitan ang matangos nitong ilong, Aaminin ko gwapo talaga sya. sabi nya pa sa isip nya at ng matuon ang atensyon nito sa labi ni Raf ay parang tumigil ang oras para sa kanya, halos isang dangkal lang ang layo ng mga labi nila.
"Nakikinig kaba Kali? sabi ko bumangon kana dyan at inumin mo itong tea na ginawa ko para sayo. Turan ni Raf ngunit hindi yun naiintindihan ni Kali dahil nakatuon ang paningin nya sa malambot at mala Rosas na labi ni Raf, hanggang sa kumilos ang mga daliri nya at haplusin ang labi nito,
Natigilan si Raf dahil sa ginawa ni Kali ngunit hindi na sya nag-abalang lumayo dahil akala nya ay paraan lang ito ni Kali para tumigil sya sa pagsasalita ngunit sobrang nagulat sya at biglang nanigas ang katawan ng halikan sya ni Kali sa labi, ilang segundo lang iyong tumagal at bago pa sya makapag react ay nakatakbo na si Kali sa kwarto nito. Hindi pa rin makapaniwala na napa-ayos sya ng upo sa sofa habang dinadama ng daliri nya ang labi nya.
Dahil hindi alam ni Raf ang dapat gawin o sabihin sa mga oras na iyon kaya minabuti nyang pumasok sa kwarto nya at mgkulong na muna.
walang lumabas ng kwarto kila Kali at Raf kaya ng dumating si Max ay tahimik ang bahay, "Kali? Turan nito at sinilip ang kwarto nila ngunit hindi nakita ang pamangkin roon kaya kumatok sya sa kwarto ni Raf. Raf...andito ba si Kali? tanong nya rito
"nasa room nya ha. tugon ni raf na hindi magawang tumingin sa mata ni Max
"Wala don, wala rin sa Sala.. turan ni Max,
"What?! Asan sya? Tanong ni Raf at nagmamadaling lumabas ng kwarto nito at nagtungo sa kwarto nila Kali at Max. Wala talaga dito sa kwarto nyo? tanong nya kay Max at binuksan ang pinto ng kwarto habang ang isa nyang kamay ay may hawak ng cellphone at kinokontak ang numero ni Kali ngunit pagbukas nya ng pinto ay naroon si Kali na kasalukuyang nagsusuot ng damit,
"Uy! ano ba? hindi ka tinuruang kumatok muna? Turan ni Kali na namumula ang mukha at nagmamadaling pumasok sa Cr
"Andyan pala si Kali, akala ko wala eh.. nakangiting Turan ni Max habang hindi pa rin kumikilos si Raf at nanatili paring nakahawak sa doorknob ang kanang kamay nito. Ano ng ngyari sayo Raf? dikana kumilos dyan? nagtataka na tanong ni Max
Parang wala sa tamang wisyo na muling bumalik si Raf sa kwarto nya, dahil nag-aaala si Max ay sinundan nya ang kaibigan hanggang kwarto nito pero kahit Anong sabihin nya ay nakatulala lamang ito, kahit pa ng tapikin nya ito sa pisngi ay wala pa ring reaction. "Wala naman tayo sa Pilipinas ha! wag mo sabihing hanggang dito sa Amerika may engkanto pa rin? ano ba Raf? na matanda kaba o ano? tanong nya parito pagkaran ay iiling iling at natawa sa sarili, Ano bang pinagsasabi ko, Turan nya sa sarili. Siguro dapat dalhin ka nanamin sa hospital eh, dito ka lang tatawagin ko lang si Kali. Turan nya at hahakbang na palabas ng hawakan ang braso nya ni Raf at namumula ang Tenga n umiling. "Wag mo syang tawagin, please...ayoko syang makita. Turan ni Raf

BINABASA MO ANG
My Human AI Lover
FanficMY HUMAN AI LOVER Bright As Rafael Gueriz Win As Kali Hermes __________________________________ ++++ BLURB +++++ RAFAEL POV I'm Rafael Gueriz, at isa akong Software engineer. Well.. matangkad ako, gwapo, matalino, masipag, pero hanggang ngayon sa...