13

27 2 0
                                        

___

Hinila ni Kali si Hanz hanggang sa eskinita syaka ito hinarap. "Hoy..paano mo nakilala si R200? agad nyang tanong dito, tumaas ang kilay ni Hanz at ngumisi. "Baka magulat ka pag nalaman mo kung sino talaga ako, dahil.. ako lang naman ang.. turan nya na hindi na natapos ang sasabihin ng pigilan sya ni Kali. "Hephep! hindi na importante kung sino ka, malamang tauhan ka sa Robotech. tama?

"A-ako? tauhan... nagpapatawa kaba! ako ang...! muli ay hindi nya natapos ang sasabihin ng takpan ni Kali ang bibig nya at hilahin sya nito sa medyo madilim na parte ng eskinita kaya agad nanlaki ang mata nya dahil napakalapit ng mukha nila sa isa't isa't. H-Hey.. ano sa tingin mo ang ginagawa mo! turan nya

"Pshhh...wag ka ngang maingay! nag-iisip ako! turan ni Kali

"Tao ka? I mean.. syempre tao ka, nakita kitang uminom.. Ikaw ba ang kinuhang model kay R200? tanong ni Hanz

"Ha? ah.. yes! yes ako nga! ako yung model..

"Kung ganun Ikaw talaga ang boyfriend ni Mr.Gueriz? 

"Ha? anong... ibig mong sabihin? tanong ni Kali

"Sabi nya kanina boyfriend nya si R200, ngayon naiintindihan ko na, ayaw nyang makuha ng iba si R200 dahil kamukha ito ng boyfriend nya at syempre parang si r200 narin ang bf nya dahil magkamukhang magkamukha kayo..

"S-sabi nya boyfriend nya si R200? mahinang turan ni Kali

tumango si Hanz. "Ngayong nasagot na Ang tanong ko, makakaalis kana.. turan nya at humakbang na ng pigilan sya ni Kali. "Nagkakamali ka.. Hindi ako bf ni Raf dahil si R200 talaga ang tinutukoy nyang bf nya. malungkot na ngumiti sya ng tignan sya ni Hanz. Kaibigan lang ako ni Raf. turan nya at syaka naglakad na pabalik sa bar, Hindi naman nagawang sundan ni Hanz ito dahil sa pagkabigla. "Is that man crazy? mas pinili nya ang robot kesa sa taong yun? kausap nya sa sarili ng magsalita ang driver nya na kanina pa naroroon malapit sa kinatatayuan nya.
"Ayun sa report sir, gaya mo walang tiwala sa mga tao si Professor Raf at mula noon ay obsessed na sya sa kahit na anong robot, pero mukhang komportable ka sa lalaking kaaalis lang sir, matutuwa ang dad mo pag nalaman nyang nagkakaron kana ng kaibigan. nakangiting turan nito

"Komportable? nababaliw kana?! hinayaan ko syang makalapit sa akin out of curiosity! ngayong nasagot na Ang katanungan ko, hindi ko na sya kailangang makita! umalis na tayo dito! turan ni Hanz na pumasok ng kotse at halos ipaligo ang alcohol na naroon.

.
.
.
.
.

Hinahanap ni Kali ang phone nya upang ipaalam sa uncle nya ang ngyari ng maalala na naiwan nya sa kwarto nila ito kaya agad syang pumasok sa bar upang hiramin ang phone ni Carl pero bago pa sya makalapit ay nakita nya na naroon si Raf kaya agad syang lumiko at nagtago. "Anong ginagawa nya dito.. mahina nyang wika at medyo lumapit para marinig ang pinag uusapan ng mga ito.

"Alam kong nandito si Kali kaya ilabas nyo na sya! turan ni Raf na halata ang inis sa tono

"Sino ka ba? ano ka ni Kali? tanong ni Zyrus

"Kaibigan sya ni Kali. sagot ni Carl,

"Kaibigan ka lang din pala pero kung umasta ka daig pa ang boyfriend! bakit pag-aari mo ba si Kali? inis na turan ni Zyrus

"Kailangan ng umuwi ni Kali! hindi ko sya pinayagang magpunta dito! sagot ni Raf na lalong ikinainit ng ulo ni Zyrus "Hindi mo sya pinapayagan? kaibigan ka lang ba talaga ni Kali? kasi kung Oo, wala kang karapatang pagbawalan sya sa kahit na anong gusto nyang gawin! nagpipigil ng galit na turan ni Zyrus

"Eh Ikaw? sino ka ba para pangunahan si Kali? nasasabi ko to dahil pumayag syang tulungan ako at magkakaproblema kami pareho kung pagalagala sya! mahina ngunit may diin na turan ni Raf

My Human AI LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon