First kiss

48 5 1
                                    

Masakit ang ulo na bumangon si Rafael,  dahil nanunuyo ang lalamunan at nghihina ang katawan ay muli syang naupo habang nililibot ng panangin nya ang kwarto para hanapin si Kali 

"Uminom ka muna master. wika ni Kali at inabot ang isang baso ng tubig sa kay Ralph. "Salamat Kali, Anong oras na?  tanong ko habang hinihilot ng mga daliri ko ang sintido ng ulo ko "7pm master, oras na para sa dinner mo. sagot ni Kali na nagpakunot sanoo ko. "7pm? ganun kahaba ang tulog ko? by the way may pumunta ba dito kahapon? sabi ni Max, pupunta daw dito ang pamangkin nya para sa bago mong chip.

"Yes master, napalitan na rin nya ang chip sa katawan ko. sagot ni Kali

"Talaga? lumapit ka, titignan ko kung maayos ang pagkakalagay nya. Turan ko at medyo hinila papalapit sa akin si Kali. "Ha? ah.. hindi na kailangan master, andito din si Max kahapon kaya siguradong maayos ang paglagay ng bago kong chip.

"Buti hindi nagalit si Max na isenekreto ko ang pagkuha sayo? wika ko at tinignan ang phone pero walang message o misscall galing kay Max, kunot noong nilingon ko si Kali para sana magtanong pa pero sinabi nyang kumain muna ako. "Master! dapat kumain kana, walang laman ang ref mo kaya umorder na ako ng pagkain. 

Nagsalubong ang kilay. "Nagkusa kang umorder? hindi ka naman capable na magdesisyon ng ganung bagay, kailangan mo pa ng instruction para magawa yun,

Teka nga, patingin ng ng chip mo sa likod, tatanggalin ko muna, baka kung anong nakaprogram dyan..  wika ko at muling hinila palapit sa akin si Kali ngunit muli nanaman itong humakbang paatras. "Hindi master! maayos ang chip na nilagay ni Max! wala kabang tiwala sa partner mo?

"Pati way mo ng pagsasalita nag-iba rin Kali,  alam kong patuloy sa pagresearch si Max para matutunan mo ang feelings ng mga tao pero diko maiwasang mag alala, mamaya makasama sayo ang bago mong chip, may tiwala ako sa talino nya pero minsan kasi kung ano anong inilalagay nya sa system mo.

"Hindi makakasama to master! isa pa, gusto ko ang bago kong chip. kinakabahang wika ni Kali

"Okay sige, pero titignan ko parin ang chip mo, kailangan kong masigurong walang virus yan, wika ko at lumapit kay Kali para tanggalin na ang damit niya syaka pinatalikod ko sya sa akin. "Master! kinakabahang wika ni Kali at humarap kay Rafael. Wag na, wala namang kakaiba sa akin diba? okay ang chip ko master.

"Walang kakaiba sayo? mula ng magising ako kakaiba na yang kilos mo at pananalita, talikod na, kung di lang ako ang mismong gumawa sayo iisipin kong tao ka talaga. natatawa nya pang wika ng bigla syang halikan sa labi ni Kali na ikinabigla nya. 

"Master.. sabi ni Max, halikan kita araw araw. naka program yun sakin.. Hindi ko pala nagawa kanina. wika ni Kali at nagmamadaling umalis ng may mag doorbell. titignan ko lang kung sino ang tao sa labas. mauuna na ako sa baba master, sumunod ka nalang para kumain, nasa akin na rin pala ang card mo pangbayad sa pagkain!

Nanlalaki ang mata at di pa rin makapaniwala na sinundan niya ng tingin si Kali habang nagmamadali itong umalis.

habang nagmamadali naman si Kali n bumaba ng hagdan na sumusulyap sulyap sa kwarto ni Rafael, pagkakuha nya ng delivery ay agad syang pumunta ng kusina at dinama ang dibdib, sobra ang kaba na nararamdaman nya, wala na syang ibang paraan na naisip para pigilan si Rafael kundi ang halikan ito, "Wala na kong ibang choice, kailangang gamitin ko ang nararamdaman nya sa robot nya para makalusot ako.. mahinang turan nya sa sarili, ilang sandali pa ay narinig na nya ang mga yabag nito na papalapit sa mesa kaya pinakalma nya ang sarili. "Kumain ka na master, nakahanda ang pagkain. Turan nya dito

"Ah...okay, thank you Kali pero bakit parang ang dami ng inorder mo? hindi ko mauubos tong lahat. Turan ni Raf na hindi nililingon si Kali. "Ako na ang bahala sa matitirang pagkain master. sagot ni Kali na tinanguan ni Rafael.

Habang kumakain si Rafael ay nakatitig lang si Kali sa bibig nito, pakiramdam nya naglalaway na sya at takam na takam habang patuloy sa mabagal na pagkain si Raf, ilang ulit din nyang sinabayan ang paglunok ni Raf, dahil sa dami kasi ng ngyari sakanya ay di na nya naisipan kumain pa at nakaramdam lang sya ng gutom ng makita ang pagkain.

"Okay ka lang Kali? teka, may problema ba sa system mo? nag-aalala na tanong ni Raf ng makitang nakatulala ito sakanya habang kinakagat ang ibabang labi nito

"Ha? I mean, masaya po akong makita na kumakain ka ng maayos master, pilit ang ngit na sagot nya. Halata sa mukha ni Raf ang pag-aalala sa robot pero isinawalang bahala nalang muna nya iyon at nagpatuloy sa pagkain. "Master! may tao sa hagdan! biglang Turan ni Kali kaya agad na napalingon si Raf sa hagdan, sinamantala naman iyon ni Kali at kumuha ng isang meatball at agad isinubo iyon. "Wala namang tao ha, Turan ni Ralph ng magulat sa paglingon nya kay Kali dahil nasa tabi na nya ito. 

"Guni guni ko lang master. sagot nya na pinilit gawing normal ang pagbigkas.

"Guni guni? kunot noo na tanong ni Ralph syaka nagpakawala ng buntong hininga. You know what, pagtapos ko kumain ichecheck ko ang chip mom wika nya at muling kumain habang dahan dahan naman na ngumunguya si Kali at ng malunok iyon ay muli syang nagsalita. "May daga master! sigaw nya at tulad kanina ay muli syang kumain ng meatballs paglingon ni Raf sa tinuro nya.

"Maybe there's something wrong with your vision, impossibleng magkaron ng daga dito sa bahay Kali, I will surely check your chip and your body later. Turan ni Raf na nagpalaki ng mata ni Kali, mabilis syang ngumuya at nagsalita pagkalunok. "No master! I'm Fine! really.

"Ichecheck ko lang, Turan nya at tumayo na, let's go sa work room, tapos na akong kumain. Turan nya. "Sandali lang master ililigpit ko lang ito at susunod na ako sayo. 

"Tatawag nalang ako ng magliligpit dyan pati maglilinis dito sa bahay, Tara n sa taas.

"Wait master! pigil ni Kali ngunit hinila na sya ni Rafael, malungkot ang mukha na sinulyapan nalang nya ang mga pagkain sa mesa.

Pagpasok sa Workroom ay agad tinanggal ni Raf ang butones ni kali. 

kinakabahan na si Kali habang nag-iisip ng pwede nyang idahilan para tumigil ito ng makita nya ang samurai na nakasabit sa pader  "ah, master, totoong espada ba yang nasa pader? tanong nya na tinanguan ni raf. "Oo, wag kang lalapit dyan dahil sobrang talas nyan. sagot ni Raf na tinatanggal pa rin ang botunes ng polo ni Kali. lalong kinabahan naman si Kali sa narinig at napalunok ng magsalita si Raf. "Tanggalin mo na ang polo mo at tumalikod ka sa akin. wika nito.

Sa sobrang kaba ay biglang hinalikan nalang ni Kali si Raf habang nagdadasal sa isip na sana muling umepekto iyon, matapos nyang gawin iyon ay tinignan nya ang mukha ni Rafael na gulat n gulat sa ginawa nya. "Kali..sambit nito ng ulitin nyang halikan ito pero sa pagkakataong iyon ay si Kali naman ang nagulat ng isandal sya sa pader ni Raf at idikit ang katawan nila sa isa't isa habang magiliw syang hinahalikan nito.

My Human AI LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon