Max

46 3 0
                                        

Kasalukuyang nasa work room sila Rafael, at maiging sinusuri ni Raf ang Robot na si Kali.

"Ah, kumusta? matindi ba ang sira ng robot mo? tanong ni Kali, masamang tinignan namn sya ni Rafael. "Kung sinabi mo lang agad ang ngyari hindi na sana aabot sa ganito ang Kali ko. inis na sagot ni Rafael.

"Sorry na nga, natakot lang ako sa maari mong maging reaksyon, syaka sa sobrang pagkabigla ko nagpanggap nalang ako na robot mo tapos yun na, nadagdagan na ng nadagdagan yung kasalanan ko hanggang sa mahirap ng bawiin, nagsisisi na Turan ni Kali. marahas na buntong hininga naman ang ang ginawa ni Rafael bago nagslita. "Dahil sa nalusaw ang ibang parte ng mukha nya at nabasa ang ibang circuits kaya medyo kinalawang, kung napunasan lang sana ang basa hindi mangyayari to, wala sanang kailangang palitan sa circuits nya ngayon!

"Bigla kasi syang namatay tapos kahit anong gawin ko ayaw bumukas kaya naisip kong nasira na sya, balak ko namang sabihin agad pag naayos na sya ni uncle Max kaya lang wala si uncle sa bahay pagbalik ko dun, iniwan din nya ang phone nya kaya hindi ko sya makontak tapos nung dumating yung Taga ibang bansa na magiging partner mo, promise, binalak ko na talagang sabihin pero bigla kong nakontak si uncle Max, akala ko makakarating sya agad pero ilang araw na ang lumilipas wala pa rin sya kaya nagfile na ako ng report sa police station. mahabang paliwanag ni Kali

"Hindi mo manlang ba naisip na pwedeng lowbat na ang Kali ko kaya biglang namatay? inis na tugon ni Rafael, namilog namn ang mata ni Kali sa narinig. "What?! ibig sabihin lowbat lang sya kaya namatay? gulat na tanong nya.

"Oo! kaya sana naging honest kanalang mula umpisa! wala dapat problema ngayon! syaka bakit hindi mo na ulit makontak si Max? anong sabi ng mga pulis?

"Hinihintay ko nga ang tawag nila, nag-aalala na ako kay uncle, di naman sya ganito, lagi nya akong sinasabihan kung hindi sya makakatupad sa usapan. malungkot na Turan ni Kali, kaya naawa  si Raf dito. "sigurado kong okay si Max, tatawag din sya kaya wag kana munang masyadong mag-alala, ang mabuti pa pumunta ka nalng muna sa police station. may bahid ng pag-aalala na Turan ni Raf. agad namang nagliwanag ang mukha ni Kali at napangiti. "Talaga? pwede na akong umalis dito? wika nya sa masayang tono kaya muling nagsalubong ang kilay ni Raf. "Ang sabi ko pumunta ka lang sa presinto para makibalita! kailangan mo pa ring bumalik dito dahil hanggat hindi ko naayos ang Kali ko kailangang panindigan mo ang ginawa mong pagpapanggap!

"Teka.. eh pano kung hindi mo maayos yang Robot mo hanggang sa dumating ang araw ng alis mo pa Amerika? kunot noo n tanong ni Kali

"edi malamang sasama ka sa amin ng Kali ko sa Amerika! Ikaw nag-umpisa diba? dapat lang panagutan mo ang kalokohang ginawa mo!

"Alam ko namang kasalanan ko eh, at tinatanggap ko ang pagkakamali ko pero ngayong alam mo na ibig sabihin kasabwat kana at pag nalaman ng mga hilaw mong sponsors na niloloko natin sila panigurado sa rehas ang ending nating dalawa! hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna ang deal nyo at sabihin mong nagkaron ng problema sa robot mo?

"Alam mo ba kung gaano kalaking pera ang nakataya sa deal na to? at isa pa nasa pinirmahan kong kontrata na kailangan kung ingatan si Kali hanggang sa makarating sa lab nila sa Amerika!

"Sabihin mo madedelay lang ng kaunti, nagkaron lang ng problema, mas okay naman yun diba? kesa magpanggap ako tapos kakabakaba Tayo na baka mabuko tayong dalawa. paliwanag ni Kali

"Okay fine, pwede ko namang sabihin yun basta bigyan mo lang ako ng 40,000 dollars para sa breach of contract. seryosong Turan ni Rafael

"Breach of contract? agad agad? madedelay lang ng konti 40, 000 u.s dollars agad? ano ba yang pinirmahan mo?

"Baka nakalimutan mong minamadali nila ang proseso kaya ayun s kontrata kung sakaling hindi ko maingatan si Kali at madelay ang flight namin ay magbabayad ako ng 5,000 dollars each day! 40, 000 ang hinihingi ko sayo  dahil malamang hindi lang isang linggo madelay ang flight namin ni Kali! baka nga mag abuno  pa ako pag nagkataon.

"Saan namn ako kukuha ng mahigit 2million pesos? hindi ko pa pwedeng galawin ang mana ko dahil umapela pl ang mga kamag anak ko, hindi daw legal ang kasal ng mom at dad ko kaya illegitimate child ako.

"Tingin mo may pakiilam ako sa issue mo sa pamilya mo? mamili ka, magbabayad ka o sasama ka sa Amerika?! inis n tanong ni Ralph

"syempre sasama! may magagawa pa ba ako? pag nagkataon dalawa naman tayong makukulong!

"Good! now leave! balitaan mo nalng ako tungkol kay Max at kailangan mong umuwi dito bago mag 8pm.

"Ano yun may curfew ako? baka hindi ako umuwi kasi hahanapin ko si uncle

"Uuwi ka bago mag 8pm o sasamahan pa kita s presinto?

"syempre uuwi! ayoko kayang makasama ka! makaalis na nga ng masolo mo na ang robot mo!

.
.
.
.

HOSPITAL
Nasa taxi palang si Kali at papuntang police station ng tawagan sya sa presinto, nasa hospital daw si Max, kaya agad siyang dumiretcho doon, pagdating sa ospital ay nadatnan nyang nakahiga ito at may benda sa ulo at ibang parte ng katawan.

"Anong ngyari sayo uncle? may masakit ba sayo? paano ka nagkaganito? nag-aalalang tanong ni Kali

"Naaksidente ako Kali, kagigising ko lang kanina at ilang oras pagkabigay ko ng information ko sa nurse ay may pumuntang mga police dito dahil may nagreport daw sa akin as missing person.

"Kumusta ka na man uncle? ang pakiramdam mo?

"Sabi ng doktor malayo na daw ako sa peligro at ilang araw lang ay maari na akong lumabas, nga pala ano ang problema na sinasabi mo nung huli nating pag-uusap?

"Ah, pupunta kasi akong Amerika uncle, pero mukhang sasama ka,

"Ako? bakit? tanong ni Max

"Mahabang kwento eh, ang mabuti pa pag galing mo ipapaliwanag ko sayo ang lahat, pero wag kanang mag-alala uncle kasi okay na yun, magpagaling kanalang.

Ilang sandali pa silang nag-usap hanggang sa makatulog si Max, umayos naman ng upo si Kali at sandaling ipinikit ang mga mata pagmulat nya ay alas onse na ng gabi, agad nyang tinignan ang cellphone nya at may 30 missed calls iyon at 10 messages at lahat ay galing kay Raf, lumabas muna sya para tawagan ito, nakaka isang ring palang ay agad na itong sinagot ni Raf

"Asan kaba?! dikaba marunong tumingin ng oras?! inis na bungad ni Raf

"Sorry naman, nakatulog kasi ako, nasa ****** ospital ako at binabantayan si uncle, pero wag kang mag-alala kasi malayo na sya s panganib, ilang araw lang makakauwi na daw sya.

"Okay. sagot ni Raf at pinatay ang tawag.

"Hello? hoy.. Raf?! problema nun, bigla nalang ako pinatayan. Turan nya at pumasok na sa kwarto ng uncle nya, ilang sandali pa inis na nagpabalibalikwas sya sa upuan. "Kainis talaga yang Raf nayan, ano bang lamang sa akin nung robot nya? nalaman lang na hindi ako yung robot nya akala mo naging yelo bigla sa lamig ng pakikitungo sa akin.. kainis talaga! inis nyang bulong sa sarili ng mapagtanto ang sinabi. teka.. bakit affected ako? umayos ka nga Kali, wag ka papadala sa kagwapuhan nung baliw nayun. muli nyang wika sa sarili at pinilit nalang na matulog.

kinabukasan nagising si Kali na mataas na ang araw at may pagkain na sa mesa, kinukusot nya pa ang mata nya ng abutan sya ng burger ni Raf. "Okay ka lang? di kadaw kumain kagabi? pumunta ako dito kagabi para kumustahin si Max at dalhan ka ng makakain pero tulog kana kaya bumalik nalng ako ngayong maga. wika ni Raf. natigilan naman si Kali at napatitig sa mukha ni Raf at bahagyang napangiti.

My Human AI LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon