Red, yellow, white, pink, at purple na mga bulaklak. Ang sarap ng hangin, ganitong ganito din ang
pakiramdam ko noon habang naglalaro sa kaparangan na punung-puno ng mga magagandang
bulaklak sa panaginip ko. Para ngang nasa parehong lugar din ako. Pati ang mga huni ng mga ibon
pareho lang din.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Gulat na napalingon si Marico.
"Hah! Sino ka rin ba? Tsaka bakit kung makapagtanong ka diyan eh parang krimen ang pumunta sa
magandang lugar na to?"
"Oo krimen nga ang pumunta ka dito kasi private property ito ng Lolo ko. You're trespassing Miss."
"Wow naman! Grabeng antipatiko naman ng lalaking to. Hoy! MR. ANTIPATIKO, wala akong
pakialam kong apo ka man ng may-ari ng lugar na to, ok. At FYI lang ha, hindi isang krimen kung
nandito man ako dahil apo ako ng kaibigan ng Lolo na sinasabi mo."
"Ha! ha! ha! Talagang wala ka pa ring ipinagbago Marico. Nuknukan ka pa rin ang katarayan mo.
Same old Marico."
Nagtatakang tinitigan ni Marico ang lalaki. Hindi nya kasi alam kung bakit kilala sya ng lalaki sa
harapan nya na ayon dito ay apo daw ito ng may-ari ng Hacienda Zarragosa. At ang mas
ipinagtataka nya eh kung bakit parang pamilyar sa kanya ito pero sigurado sya na ngayon nya lang
ito nakita.
"Bakit kilala mo ko ha? Tsaka may nakakatawa ba sa mga sinabi ko?"
"Masisisi mo ba ko eh after all this years, hindi ko akalain na makikita pa ulit kita. At dito pa sa
hacienda ng Lolo ko? At totoo nga palang wala kang natatandaan sa mga nakaraan mo."
Lungkot ba yung nakita nyang sandaling dumaan sa mukha ng lalaking kaharap nya?
"So you mean nagkakilala na tayo noon? Teka ano ba ang pangalan mo?"
Talagang wala nga syang naaalala. Kasi kahit ang pangalan ko hindi nya matandaan. Kung alam lang
ng babaeng to na the moment na makita ko syang nakatayo sa gitna ng kaparangan na ito ay wala
akong gustong gawin kundi ang yakapin sya ng napakahigpit.
"Uy! Sabi ko, ano ang pangalan mo?"
"I'm Alexander Zarragosa." At oo matagal na kitang kilala. Kasi palagi kang ikinukwento sakin ni Lolo.
Ikaw daw ang pinakapilya, pinakamakulit, pinakamataray, pinakamabait at pinakapaboritong
kapitbahay nya noon."
"Eh bakit mo naman nasabi kanina na wla pa rin akong pinagbago?"
"Ah yun ba? Binasehan ko lang ang mga kwento sakin ni Lolo tungkol sayo. Sorry nga pala sa
panggugulat ko sayo kanina."
"Dahil nagsorry ka na, magso-sorry na rin ako sa pagtataray ko sayo. Medyo naantipatikuhan lng kasi
ako sayo kanina."
"It's ok. Ako naman kasi ang nauna. Bakit nga pala kayo nadito ngayon sa hacienda ni Lolo?"
"Ah, bigla daw kasi namiss ni Lolo ang matalik nyang kaibigan, which is ang lolo mo nga."
"Ah gnun ba? Ang totoo nyan hindi maganda ang lagay ng kalusugan ni Lolo kaya makakatulong sa
kanya ang pagbisita nyo dito ng lolo mo."
"Actually, sa tingin ko hindi rin maganda ang kalusugan ni Lolo ngayon, itinatago nya lang samin ni
Mama ang totoong nararamdaman nya. Pati ang doktor nya mukhang pinagbabawalan nyang sabihin
samin ang totoo. Kaya hindi na ko nagdalawang isip nung yayain nya akong samahan syang
magbakasyon dito sa probinsya nyo."
"Mukhang pareho pa tayo ng pinoproblema ngayon ha. Ang pinagkaiba lang natin eh alam ko kung
ano ang totoong lagay ng Lolo ko."
"Tama ka sa sinabi mong yan." Napapangiti si Marico ng maalala nya ang mga pangungulit nya sa
Lolo nya na samahan ito sa pagpapa-check-up nito. Pero sa huli lagi lang itong nananalo sa mga
pangungulit nya at mag-isang pumupunta sa doktor.
"Para naman saan ang mga ngiting yan?" Napapantastikuhang nasabi ni Alexander matapos niyang
pagmasdan ang ngiting matagal niyang pinanabikang makita muli.
"Hah? Ahh, naalala ko lang ang mga pangungulit ko sa Lolo ko noon na samahan siya sa tuwing
check-up niya. Kung anu-anong paraan ang ginawa ko para lang mapapayag siya pero lagi lang
akong talunan sa pagtatalo namin." Nangingiti pa ring paliwanag ni Marico.
"Mukha ring mahal na mahal mo talaga ang lolo mo no?"
"Sobrang mahal na mahal ko yun kahit sobrang tigas ng ulo niya. Siya na kasi ang tumayong ama sa
akin simula noong mawala si Papa." May lungkot sa mga matang nasabi ni Marico dahil sa
pagkaalala sa namayapa niyang ama.
"I'm sorry to hear that. Nabalitaan ko nga noon kay Lolo ang nangyari sa ama mo."
"Ang totoo niyan magkasama kami nang mangyari ang aksidenteng yun na naging dahilan ng
pagkamatay ni Papa. Kahit hindi ko maalala kung ano talaga ang nangyari, pakiramdam ko ako ang
pangunahing dahilan kung bakit nangyari ang aksidenteng yun. Kaya lang kahit si Mama ayaw
sabihin sa akin kung ano ang nangyari noon. Mas makakabuti daw yun sa aming lahat lalo na sa
akin. Mas lalo namang di ko mapilit magkwento si Lolo ng tungkol doon. Dahil kahit siya daw mismo
ay ayaw na iyong maalala pa. Ang maganda lang daw na nangyari ng araw na yun ay ang
matagpuan akong may buhay pa ng mga rescuer kahit pa wala akong maalala sa mga
nangyari matapos akong magising noon sa ospital mula sa isang buwang pagiging comatose."
Mahabang pagsasalaysay ni Marico ng hindi niya namamalayan na nagsimula na palang tumulo ang
kanyang mga luha. Namalayan na lang niya ng may iabot na puting panyo si Alexander sa kanya.
"Sorry sa pagdadrama ko ha? Hindi ko lang kasi mapigilan mapaiyak sa tuwing maaalala ko si Papa
kahit sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari ang aksidenteng yun."
"Ok lang, I understand. Sa tingin ko kailangan na nating bumalik sa mansyon, mukhang uulan na
kasi," ang wika ni Alexander habang nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang papalapit na
maiitim na ulap.
"Sa tingin ko nga. Tayo na at baka abutan pa tayo ng ulan sa daan."
At magkasabay ng tumayo ang dalawa at nagsimula ng tahakin ang daan pabalik sa mansyon.
BINABASA MO ANG
Alaala
General FictionIto ay kwento ng pagibig ng dalawang tao na pinaglayo ng isang sakuna na nagugat sa relasyong namamagitan sa kanilang mga magulang. Sakuna na nagdulot ng pagkawala ng lahat ng alaala ni Marico. Maalala kaya ng kanyang puso ang pag-ibig na hindi maal...