Namayani ang katahimikan sa terasa ng makaalis ang dalawang matanda. Si Marico ang unang
bumasag sa katahimikan.
"Saan mo nga pala ako ipapasyal bukas?" Nakangiting tanong ni Marico sa binata.
"Ikaw saan mo ba gustong mamasyal bukas?" wika ng binata.
"Hindi ko alam, wla naman akong alam na lugar dito sa hacienda eh," sagot ng dalaga.
"Wala ka ba talagang maalala na kahit anong lugar dito sa hacienda? O kahit tao na nakakasalamuha
mo noong bata ka pa?" tanong ng binata.
"Wala eh," sagot ng dalaga.
"Ganun ba," matamlay na tugon ni Alexander sa dalaga.
"Pero may lalaking palagi kong napapanaginipan simula pa noong magkaroon ako ng amnesia. Akala
ko nga noong una ordinaryong panaginip lang talaga pero nang palagi ko na syang napapanaginipan
naisip ko na parte siguro siya ng nakaraan ko," pagkukwento ng dalaga.
"Talaga?! So nakilala mo ba kung sino yung lalaki sa panaginip mo?" Puno ng pag-asang tanong ng
binata.
"Hindi eh, kasi sa paulit-ulit ko syang napapanaginipan eh palagi naman syang walang mukha. Ang
wierd nga eh kasi kahit hindi ko nakikita ang mukha nya eh parang malapit na malapit kami sa isa't-
isa. At ang mas wierd pa eh kaparehong kapareho nung lugar na pinuntahan ko kahapon kung saan
mo ako nakita yung lugar na nasa panaginip ko kung saan naman kami nagkikita nung lalaki. Pati nga
yung pakiramdam ko nung marating ko ang lugar na yun kahapon eh parehong-pareho din sa
panaginip ko. Yung lalaki na nga lang ang kulang para masabi ko na nasa panaginip ko ako ng mga
oras na yun." Mahabang pagsasalaysay ng dalaga. Nang lingunin ni Marico ang binata ay napansin
niyang bigla itong nanahimik. "Ok ka lang ba? Bakit bigla ka na yatang nanahimik dyan?" tanong ng
dalaga.
"Hah? Ahh may bigla lang akong naalala."
"Aahhh ok. So may pagdadalhan ka na ba sa akin bukas?" tanong muli ng dalaga.
Biglang naisip ni Alexander ang mga ginagawa nila ni Marico noong mga bata pa sila. "Alam ko na
magpiknik na lang tayo doon sa lagoon malapit doon sa parang na pinuntahan mo kahapon."
mungkahi ng binata.
"That sounds good. Mga anong oras tayo aalis bukas?" tanong ni Marico.
"Mga bago magika-anim ng umaga para abutan natin ang bukang-liwayway. Doon na rin tayo mag-
aalmusal para hindi tayo mahuli."
"Ok sige." Pagsang-ayon ng dalaga habang nakatingin sa madilim na langit. "Wow ang dami ng mga
stars oh. Ang gaganda talaga nila."
"Maganda talaga," wika ng binata habang nakatitig sa mukha ng dalaga na tuwang-tuwa sa
panonood ng mga bituin. "Pero may nakita na akong mas magandang bituin pa sa mga yan nun bata
pa ako." wika ng binata habang binabawi ang tingin sa dalaga dahil baka malaman nitong ang dalaga
mismo ang bituin na tinutukoy niya.
"Talaga? Ituro mo naman sa akin."
"Hah? Hindi pwede eh."
"Bakit naman?
"Kasi ako lang ang nakakakita sa bituin na yun"
"Hah? May bituin bang gnun?"
"Oo naman." Natawa ang binata ng paglingon niya ay makitang napapakamot sa noo ang dalaga
dahil sa pagkalito sa sinabi niya. "Ha ha ha... Ano ka ba biro lang yun noh."
"Hah?! Grabe ka talaga. Akala ko talaga totoo na yun." nanunulis ang ngusong himutok ng dalaga.
"Naniwala ka talaga sa sinabi ko? "
"Oo kaya. Kasi naman seryosong-seryoso ka dyan ng sabihin mo kaya panung hindi ako maniniwala
sayo?"
"Para ka talagang bata alam mo ba yun?" pagbibiro pa rin ng binata.
"Oo na. matagal ko ng alam yan." nakasimangot pa ring tugon ng dalaga.
"Galit ka ba? Sorry sa pagbibiro ko."
"Ok lang. Sige matutulog na ko kailangan ko pang gumising ng maaga, baka mahuli ako sa usapan
natin bukas. Goodnight." At tumalikod na si Marico para magtungo sa kanyang silid. Pero muntik na
siyang mapasigaw sa gulat ng biglang hawakan ni Alexander ang kanyang braso.
"Sabihin mo munang hindi ka galit sa akin." seryosong hiling ng binata.
"Ano ka ba, ok nga lang yun no. Hindi ako galit ok? Grabe yun lang pala sasabihin mo ginulat mo pa
ako."
"Ok kung hindi ka nga galit mag-goodnight ka sa akin ng nakangiti."
"Hay grabe ang arte naman nitong lalaking to. Oh sya sige. Goodnight po." nakangiting tugon ng
dalaga.
"Ok, goodnight din Mahal ko..." mahinang sambit ng binata.
"Hah? Anong sabi mo?"
"Ay grabe may pagkabingi ka rin pala. Ang sabi ko goodnight din Marico."
"Ahhhh... Ok. Sige tutulog na ko."
"Ok." Nakangiting pinagmasdan ni Alexander ang papalayong dalaga. "Kung narinig mo lang sana."
ang nasambit na lang ng binata. Nagpalipas lang ng ilang sandali ang binata at pumunta na rin ito sa
silid nito para matulog. Kailangang mauna siyang magising sa dalaga para maipahanda kay Nana
Daleng ang mga dadalhin nila bukas sa piknik nila ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Alaala
General FictionIto ay kwento ng pagibig ng dalawang tao na pinaglayo ng isang sakuna na nagugat sa relasyong namamagitan sa kanilang mga magulang. Sakuna na nagdulot ng pagkawala ng lahat ng alaala ni Marico. Maalala kaya ng kanyang puso ang pag-ibig na hindi maal...