CHAPTER 3- Multo-multuhan o Panaginip???

74 1 0
                                    

Inalalayan ni Alexander ang dalaga ng papaakyat na sila sa mataas na hagdan  na papunta sa

ikalawang palapag ng mansyon. Hindi napigilan ng dalaga ang mapaigtad ng maramdaman niya ang

paghawak ng binata sa kanyang siko para alalayan siya. Alam niyang naramdaman ito ng binata kaya

agad din siyang humingi ng paumanhin.

"Pasensya ka na sa pagigtad ko, hindi kasi ako sanay ng inaalalayan sa paglalakad. Actually, sa

pagkakatanda ko eh ngayon ko lamang naranasan ang maalalayan kasi ako ang laging umaalalay, I

mean sa Lolo ko kapag namamasyal kami o kapag kasama niya ako sa kahit saang lugar na

pinupuntahan niya."

"Ok lang. Pasensya ka na nga rin pala sa mga pagbibiro ni Lolo ha. Ganun lang kasi talaga siya."

"Ok lang yun no! Para ngang sanay na sanay na ako sa pagbibiro niya eh. Parang matagal ko na

siyang nakakasama tulad ng Lolo ko." Ang totoo nga niyan eh parehong pareho sila ni Lolo."

Nangingiting tugon ni Marico.

Sabay na huminto ang dalawa sa tapat ng pintuan ng silid ng dalaga. May pagkalito na namang

naramdaman si Marico ng may mapansin na naman siyang lungkot sa mga mata ng binata paglingon

niya dito. Pero agad itong ngumiti sa kanya kaya inakala niyang guni-guni lamang niya ang nakita

kasi wala naman siyang alam na dahilan na pwede nitong ikalungkot.

"Sige magpahinga ka na," wika ng binata at nagsimula ng maglakad pabalik sa hagdan.

Bubuksan na sana ni Marico ang punto ng silid ng muli siyang tawagin ng binata.

"Marico, ahmm...Gusto mo bang samahan kita sa pamamasyal sa hacienda? Kasi..."

"Kasi?"

"Kasi malaki na ang ipinagbago ng hacienda baka maligaw ka kapag napalayo ka masyado sa

mansyon. At isa pa  ay may mga parte ng hacienda ang hindi pa nalilinis kaya baka may mapuntahan

kang mapanganib na parte ng hacienda."

"Ok lang kung hindi makakaistorbo sayo." nakangiting tugon ng dalaga.

"Kahit kailan hindi naging istorbo sa akin ang makasama ka," mahinang wika ng binata kaya hindi

naintindihan ni Marico ang sinabi nito.

"Hah?"

"Ahh. Ang sabi ko hindi magiging istorbo sa akin kasi bisita namin kayo ni Lolo kaya dapat lang

sigurong samahan kita sa pamamasyal tsaka siguradong malalagot ako kay Lolo kapag may nangyari

sayo sa pamamasyal kapag hindi kita sinamahan."

"Ganun? OK. Sige magpapahinga na ako."

"Sige."

Binuksan na ni Marico ang pinto at pumasok na sa silid para magpahinga habang ang binata ay

muling lumingon at pinagmasdan ang pintuan ng silid na pinasukan ng dalaga. Kung alam mo lang

mahal ko kung gaano ko pinanabikang makasama kang muli sa pamamasyal sa buong hacienda.

Matagal na panahon kong hinintay na makita kang muli dahil tanging sa panaginip na lang kita

nakakasama sa loob ng sampung taon ng pagkakalayo nating dalawa. At ngayong muli na kitang

makakasama ay sisiguraduhin kong hindi na tayo magkakalayong muli. At muli ng naglakad ang

binata pabalik sa unang palapag ng mansyon upang ibilin kay Nana Daleng na lutuin ang mga

paboritong pagkain ng dalaga.

_____________________________________________________________

Hindi niya alam kung nananaginip lang siya o totoong may humahaplos sa pisngi niya. Pero kung

totoong mayroon sino naman kaya ang gagawa nun sa akin eh mag-isa lang naman siyang natutulog

dito sa kwartong binigay sa kanya. Malamang nananaginip nga lang siya. Pero masarap sa

pakiramdam ang bawat pagdantay ng mainit na palad sa kanyang mukha. At bakit kaya parang

pamilyar sa kanya ang bawat haplos ng kamay na humahaplos sa pisngi niya?

Maya-maya ay tumigil ang paghaplos sa kanyang pisngi at muntik na siyang mapamulat dahil sa

pagkagulat ng may kung anong malambot na bagay ang dahan-dahang lumapat sa mga labi niya.

Hanggang sa unti-unting lumayo sa pagkakalapat ang kung anumang bagay na iyon sa kanyang mga

labi. Naghintay siya ng ilang sandali bago siya dahan-dahang nagmulat ng mata. Ngunit wala siyang

namulatan na tao sa loob ng silid.

"Nananaginip lang ba ako o talagang may humalik sa akin habang natutulog? At yung haplos ng mga

kamay parang totoo talaga. Ang wierd naman kung panaginip yun. At mas wierd naman kung totoo

mang nangyari yun kasi wala namang gagawa sa akin nun dito. Hindi kaya minumulto ako? May

multo kaya sa silid na to? Eeeeeehhhhh...........so creepy naman kung gnun ang nangyari. Hay!

makaligo na nga lang at kung anu-ano na ang naiisip ko. Siguro nga panaginip lang talaga yun."

Pagkakuha sa mga damit na pamalit at tuwalyang gagamitin ay agad ng pumasok sa banyo si Marico

kaya hindi na niya napansin ang biglang paggalaw ng kurtina sa may bintana.

Saka lang nakahinga ng maluwag si Alexander nang marinig niya ang pagsara ng pinto ng banyo.

Dahan-dahan siyang lumabas ng silid ng dalaga. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya

para magawa niyang halikan si Marico habang natutulog. Ang totoong pakay talaga niya ay ang

gisingin ito para kumain ng hapunan. Pero ng mapagmasdan niya ito kanina habang natutulog ay

nagising ang pananabik niyang muling mahaplos ang maamo nitong mukha. At nang mapatingin siya

sa mapupulang mga labi nito ay hindi na niya nakayanan pang pigilan ang kanyang sarili na dampian

ng banayad na halik ang mga labi nito.

"Ano ba ang pumasok sa isip ko at nagawa ko yun? Pakiramdam ko tuloy para akong magnanakaw

sa ginawa ko. Hay!!!!!!! Bunga siguro ito ng matagal na panahong pananabik ko sa kanya. Teka

kailangan ko na nga palang sabihin sa kanyang kakain na."

Muling pumasok ng silid si Alexander at dumiretso sa pintuan ng banyo.

"Marico? Andiyan ka ba sa loob ng banyo?" Tanong niya kahit alam na niyang nasa loob ito.

"Oo, bakit?" Tugon ng dalaga.

"Pinapasabi kasi ni Lolo na kakain na."

"Ganun ba? Sige, tatapusin ko lang muna ang paliligo ko at bababa na ako."

"Ok, sige. Hintayin ka na lang namin sa hapag."

"Sige, salamat."

At muli nang lumabas ng silid ng dalaga si Alexander at dumiretso na sa kusina.

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon