Eksaktong pagdating ng dalawa sa mansyon ay bumuhos ang malakas na ulan. Pagpasok pa lang
nila sa pinto ay tinawag agad ni Marico ang kanyang Lolo dahil oras na ng paginom nito ng gamot.
" Nasaan kaya sila? Lolo Jaime?" - Marico
"Marico, apo narito kami sa terasa ng Lolo Julio mo," sagot ng lolo ni Marico.
"Lo nainom mo na ba ang gamot mo?" Tanong agad ni Marico pagpasok pa lang nila ni Alexander sa
terasa.
"Oo naman apo. Alam ko kasi na kukulitin mo lang naman ako pagdating mo galing sa pamamasyal
kaya ininom ko na sa oras. Oh, nagkita na pala kayo ni Alexander?" Tanong ni Lolo Jaime ng makita
nitong magkasama sila ni Alexander ng pumasok sa terasa.
"Opo, nagkita kami kanina habang namamasyal ako sa kaparangan. Medyo di maganda ang unang
pagkikita namin pero naging ok din naman kami agad." Nangingiting sagot ni Marico sa kanyang Lolo.
"Bakit apo, pinatikim mo na rin ba ng katarayan mo si Alexander?" Nangingiting tanong ni Lolo Jaime.
"Konti lang naman Lolo. Tsaka ok na naman kaming dalawa." - Marico
"Kung ok na kayong dalawa ibig bang sabihin..." - Lolo Julio
"Nainom mo na rin ba Lolo ang gamot mo?" Pagputol ni Alexander sa sasabihin pa ng lolo niya kasi
baka may masabi pa ang lolo niya tungkol sa nakaraan nila ni Marico. Ayaw kasi niyang malaman ni
Marico ang tungkol sa kanilang dalawa ng hindi pa nito naaalala kung ano ang mayroon sila bago
mangyari ang aksidente.
"Oo naman apo. Kailan ko ba nakalimutan ang tungkol sa paginom ko ng gamot? High Blood
Pressure ang sakit ko hindi pag-uulyanin." nakangiting sagot ni Lolo Julio sa tanong ng kanyang apo
dahil alam nitong iniiwasan lang ng apo na masabi niya ang tungkol sa nakaraan nito at ni Marico.
"Si Lolo Julio talaga ang hilig magpatawa." - Marico
"Marico, apo, sa bahay na tito bawal ang seryoso kapag narito ako sa bahay. Nagiging seryoso lang
ang kapaligiran ng bahay na ito kapag naririto si Alexander. Mas mukha pa nga akong bata kaysa sa
apo ko hindi ba Marico?" Nangingiting pang-aasar ni Lolo Julio sa kanyang apo.
"Opo naman Lolo Julio. Kayo yata ang pangalawa sa pinakagwapong lalaki para sa akin." - Marico
"Bakit naman pangalawa lang ako Marico? Sino ba ang nangunguna?" Kunwari ay nagtatampong
tanong ni Lolo Julio kay Marico.
"Syempre po ang pinakamamahal kong Lolo Jaime. Di ba Lolo?" -Marico
"Dapat lang naman apo. Teka, bakit ba parang gusto mo pang agawin ang trono ko sa buhay ng apo
ko ha Julio?" Pakikisakay ni Lolo Jaime sa biruan ng apo at ng kaibigan.
"Alam mo naman Jaime na hindi ikaw ang tinutukoy ko na kaagaw sa apo mo."
Malapit ng matawa si Lolo Julio sa reaksyon ng mukha ng apo. Alam niyang malapit na itong mapikon
dahil inihilamos na nito ang dalawang kamay sa mukha nito. Alam nila ni Lolo Jaime ang kwento ng
dalawang apo nila ng kabataan ng mga ito dahil gustong gusto nilang dalawa na magkatuluyan ang
mga apo nila simula pa lamang noong mga bata pa ang mga ito kahit mas madalas pang nag-aaway
ang mga ito kaysa magkasundo. Pero dahil sila lamang ang kabataan na naroroon sa dalawang
magkatabing hacienda ng magkaibigan ay naging malapit sa isa't-isa ang dalawang kabataan na
nahantong sa pag-iibigan ng mga ito. Ngunit dahil sa trahedyang nangyari sa kanila ay nagkalayo ang
dalawang bata.
"Ano ang ibig mong sabihin Lolo Julio?" tanong ni Marico na nagpabalik kay Lolo Julio sa
kasalukuyang usapan nila.
"Wala iyon apo, nagbibiro lamang ako. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna dahil alam kong
napagod ka sa pamamasyal sa hacienda. Ipapatawag na lamang kita kay Daleng kapag oras na ng
hapunan. Ihatid mo na siya Alexander sa silid niya si Marico."
Nakataas ang kilay na tiningnan ni Alexander ang kanyang lolo. Nakikita niya ang kakaibang ngiti sa
mga mata ng matanda kasi alam nito na hindi niya kayang sitahin ito sa mga pagbibiro nito dahil
naroroon pa si Marico.
"Ok, sige po. Medyo napagod nga po ako sa pamamasyal at pakikipagtalo sa lalaking ito kanina."
Nakangiti pa ring pagbibiro ni Marico.
"Sige apo." Magkasabay na pagpapaalam ng dalawang matanda.
At magkasabay ng umalis ang dalawa papunta sa silid ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Alaala
General FictionIto ay kwento ng pagibig ng dalawang tao na pinaglayo ng isang sakuna na nagugat sa relasyong namamagitan sa kanilang mga magulang. Sakuna na nagdulot ng pagkawala ng lahat ng alaala ni Marico. Maalala kaya ng kanyang puso ang pag-ibig na hindi maal...