Natigil sa pag-uusap at sabay-sabay na napatingin sa pintuan ng kusina ang tatlong lalaki sa hapag-
kainan ng pumasok ang dalaga. Nakangiting binati ng dalawang matanda si Marico. Samantalang
nginitian lang din siya ni Alexander.
"Kumusta ang tulog ng maganda naming binibini?" Magiliw na bati ni Lolo Julio sa dalaga.
"Ok naman po Lolo Julio kahit medyo may pagka-wierd ang napanaginipan ko," sagot ng dalaga.
"Hah? Bakit ano ba ang napanaginipan mo apo?" Tanong ni Lolo Jaime sa dalaga.
"Mamaya ko na lang po ikukwento sa inyo habang nagkakape tayo sa terasa," tugon ni Marico sa
kanyang lolo.
"Hala, sige kumain na tayo at parang bigla akong nanabik marinig ang ikukwento mo sa amin na
napanaginipan mo," wika ni Lolo Julio.
"Wow! Mga paborito kong pagkain ang mga ito ah. Talagang natatandaan nyo pa Lolo Julio?"
"Hah? Ahmm..." Napatingin si Lolo Julio sa apong si Alexander dahil alam niyang ito ang nagpaluto
ng mga pagkaing nakahain sa hapag. Bahagya namang umiling si Alexander para sabihing huwag
ipaalam ng kanyang Lolo Julio ang ginawa niya para kay Marico. "Ahmm... Oo naman apo. Ang mga
paborito mo ba naman ang makakalimutan ko eh ikaw ang pinakapaborito kong kapitbahay noon
bukod sa lolo mo?"
"Ang sweet nyo po talaga Lolo Julio. Na-touch po talaga ako. At dahil ipinahanda ninyo ito para sa
akin eh kakalimutan ko muna ang tungkol sa diet ko."
"Ikaw talagang bata ka. Hala, sige tayo ng kumain."
_______________________________________________________________________________
"Lolo Julio bago ko po ikwento ang tungkol sa napanaginipan ko may itatanong po muna ako sa
inyo," pagbubukas ng usapan ni Marico nang nasa terasa na silang apat. Magkatabi ng upuan ang
dalawang matanda at magkatabi naman sila ni Alexander.
"Ano yun hija?" Tanong ni Lolo Julio sa sinabi ng dalaga.
"May nagmumulto po ba dito sa mansyon lalo na po dun sa silid na pinapagamit ninyo sa akin?"
Muntik nang masamid ng iniinom niyang kape si Alexander nang marinig niya ang tanong ng dalaga.
At hindi ito nakaligtas sa paningin ng dalawang matanda na nakaharap sa dalawa.
"Wala naman apo sa pagkakaalam ko. Ikaw Alexander may nakita ka na ba o naramdamang multo
dito sa mansyon?" Tanong ni Lolo Julio sa natatamemeng apo.
"Hah? Ahm, wala pa naman po Lolo," sagot ng binata.
"Ganun ba?" nagtataka pa ring nawika ni Marico.
"Bakit mo naman natanong hija?' Tanong ni Lolo Jaime sa apo.
"Hindi po kasi ako makatiyak kung nananaginip lang po ba talaga ako kanina o totoong may
humahaplos sa mukha ko habang natutulog. Tsaka....."
"Tsaka ano apo?" tanong ni Lolo Jaime.
"Tsaka... para pong may humalik sa akin?"
Muntik nang mapabunghalit ng tawa ang dalawang matanda ng makitang napapikit at napangiwi si
Alexander habang nakayuko. Nahulaan kaagad ng dalawang matanda ang kalokohang ginawa ng
binata.
"Sigurado ka ba hija? Baka nga nananaginip ka lang kanina. Kasi wala namang LUKO-LUKONG
pwedeng gumawa nun sayo dito sa mansyon."
"Yun nga rin po ang naisip ko kanina ng magising ako."
Napapailing ang dalawang matanda dahil halos hindi na mapakali sa kinauupuan nito si Alexander.
"Oo nga pala hija nalibot mo na ba ang buong hacienda?" tanong ni Lolo Julio sa dalaga.
"Hindi pa nga po Lolo eh. Hindi po ako masyadong makalayo kasi hindi ko po alam ang pasikot-sikot
dito sa loob ng hacienda," wika ng dalaga.
"Ganun ba? Alam mo bang noong bata ka pa ay mas saulado mo pa ang pasikot-sikot sa hacienda
namin kaysa sa akin?" pagkukwento ng matandang Zarragosa.
"Talaga po? Kaya po pala parang pamilyar sa akin yung kaparangan na napuntahan ko kahapon,"
namamanghang wika ng dalaga.
"Pero mabuti na ring hindi ka nangahas lumayo kahapon dahil may mga parte pa ng hacienda ang
delekado pang puntahan dahil hindi ko pa napapalinisan ang kabilang parte ng hacienda simula ng
mabili ko. Ang mabuti siguro Alexander ay samahan mo muna sa pamamasyal si Marico. Hindi ko
siya pwedeng ipagkatiwalang pasamahan sa mga tauhan natin." mungkahi ni Lolo Julio sa apo.
"Nasabi ko na rin po sa kanya Lolo na sasamahan ko muna siya sa pamamasyal sa hacienda. Wala
na rin naman po akong masyadong gagawin dahil naibigay ko na sa mga tauhan ang mga dapat
nilang unahing gawin sa buong linggong ito," tugon ng binata sa kanyang Lolo Julio.
"Ganun ba? Siya sige ikaw na muna ang bahala kay Marico dahil dadalhin ko muna sa sabungan si
Jaime bukas sa kabilang baryo. Matagal na panahon na rin pala kasing hindi nakakapasok ulit ng
sabungan si Jaime."
"Sige po basta huwag ninyong kakalimutan ang oras ng pag-inom ninyo ng gamot," paalala ni
Alexander sa kanyang Lolo.
"At kayo rin po Lolo ha?" Paalala rin ni Marico sa kanyang Lolo Jaime.
"Huwag kang mag-alala hija at ipapaalala ko sa kanya ang paginom ng gamot."
"Salamat po Lolo Julio." Malambing na wika ng dalaga.
"Walang anuman hija. Siya sige kami ay matutulog na ng iyong Lolo dahil maaga ang alis namin
bukas," paalam ni Lolo Julio sa dalawa.
"Sige po. Goodnight po," paalam ng dalaga habang humahalik sa pisngi ng dalawang matanda.
" Sige mga apo diyan na muna kayo," paalam mg dalawang matanda.
"Ok po," panabay namang wika ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Alaala
General FictionIto ay kwento ng pagibig ng dalawang tao na pinaglayo ng isang sakuna na nagugat sa relasyong namamagitan sa kanilang mga magulang. Sakuna na nagdulot ng pagkawala ng lahat ng alaala ni Marico. Maalala kaya ng kanyang puso ang pag-ibig na hindi maal...