"Ang ganda talaga ng sunset." Wika ng dalaga habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.
"Para sa akin mas maganda ka pa sa sunset, alam mo ba yun mahal ko?"
Kahit hindi niya tingnan kung sino ang nagsalita ay alam na niya kung sino ang taong ngayon ay nasa
likuran niya at nakayakap na sa kanya. Hinawakan niya ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya
at bahagya siyang lumingon upang makita ang mukha nito. Nakangiti niyang hinalikan ang pisngi nito.
"Sa pisngi lang?" tanong ng binata.
"Oo. Parusa kasi late ka na." sagot ng dalaga.
"Pero 5 minutes lang naman akong late di ba?" himutok ng binata.
"Oo, pero late ka pa din." Humarap siya dito at natawa siya sa hitsura nito kasi nakanguso ito.
Patunay ng paghihimutok nito.
"Aaahhhh. Ang daya naman eh...." nagmamaktol pa ring wika ng binata.
"Hahahahahaha....Nakakatawa ka talaga pag nagmamaktol. Sige na nga, pagbibigyan kita ngayon
pero sa susunod hindi na pwede ha?" wika ng dalaga.
Napailing na lang ang dalaga ng agad itong ngumiti pagkasabi niya nun.
"Oo, promise di na talaga ako male-late."
"Oh sige kiss na." nakapikit ng wika ng dalaga.
Dahan-dahang pinaglapit ng binata ang kanilang mga labi. Bahagya lang nang una ang paghalik ng
binata sa kanya. Pero maya-maya lang naramdaman niya ang pananabik sa halik nito at bahagyang
naging mapusok ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. Napakapit ang dalaga sa batok ng
binata dahil biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Bahagya namang hinapit ng binata ang bewang
niya upang bigyan siya ng suporta. Unti-unting naging marubrob ang paghalik ng binata at naging
mas mahigpit ang pagyakap nito sa kanya. Hindi na niya alam kung gaano katagal ang halik na
namagitan sa kanila. Basta ang alam lang niya ng tumigil sila ay kinakapos siya ng hininga at
namumula ang dalawa niyang pisngi at nakikita niya ang ngiti sa mga mata ng binata.
"Ang ganda mo talaga kapag nagba-blush ka mahal ko." wika ng binata.
Napayuko na lang siya sa winika ng binata. Hindi niya alam kung bakit palagi na lang siyang
namumula kapag hinahalikan siya nito.
"Ay sus! Hanggang ngayon nahihiya ka pa rin sa akin? Ano ka ba mahal ko, hindi ka dapat nahihiya
BINABASA MO ANG
Alaala
General FictionIto ay kwento ng pagibig ng dalawang tao na pinaglayo ng isang sakuna na nagugat sa relasyong namamagitan sa kanilang mga magulang. Sakuna na nagdulot ng pagkawala ng lahat ng alaala ni Marico. Maalala kaya ng kanyang puso ang pag-ibig na hindi maal...