"Wow sobrang ganda naman ng lagoon na ito. Ang linaw-linaw at ang lamig ng tubig. Tsaka yung
mga bulaklak ang gaganda. Landscape ba yan o talagang andyan na sila?" tanong ni Marico habang
tuwang- tuwang pinagmamasdan ang lagoon.
"Andyan na talaga sila ng matuklasan ko ang lagoon na ito. Marami nga ang nagsasabi na para nga
daw landscape sa ganda ang lagoon na ito." sagot ng binata.
"Pwede ba talaga akong maligo dito?" tanong ni Marico.
"Oo naman." -Alexander
Kaya lang baka may ibang tao na makakita sakin dito habang naliligo." -Marico
"Huwah ka mag-alala hindi naman ito masyadong pinupuntahan ng mga trabahador. Pero kailangan ko munang patayuan ng maliit na kubo malapit dito para may lugar na pwede kang magpalit ng damit pangpaligo." tugon ng binata.
"Mga kailan ako pwede maligo dito?" -Marico
"Ahm, siguro pwede na sa isang araw." - Alexander
"Ai talaga. Ang saya naman. Excited na ako." -Marico
"Pero sa ngayon kailangan muna nating ayusin ang mga pagkain kasi malapit nang sumikat ang
araw. Baka mamissed natin ang sunrise." -Alexander
"Ay oo nga pala. Nawala na sa isip ko dahil sa pagka-mesmerize dito sa lagoon." -Marico
Sinimulan nang ayusin ng dalawa ang mga dala-dalahan nila para sa piknik nila. Eksaktong
maayos nila ang lahat ay pasimula na ang pagsikat ng araw kaya agad na silang naupo sa blangket
na inilatag nila.
"Napaka-peaceful talaga sa ganitong lugar. I really love this kind of environment, walang ingay at
walang polusyon." -Marico.
"Tama ka kaya nga di ko magawang umalis sa lugar na to. Tsaka may mas importante pang dahilan
kung bakit hindi ako makaalis dito sa hacienda." -Alexander.
"Ano naman yun?" -Marico
"Hinihintay ko ang pagbabalik ng nag-iisang babaeng pinakamamahal ko. Sa loob ng sampung taon
yun lang ang pinangarap ko na mangyari." -Alexander
"Hah? Bakit? Nagkahiwalay ba kayo?" -Marico
"Hindi. Nagkalayo lang kaming dalawa." - Alexander
"Bakit kayo nagkalayo, tsaka bakit hindi na siya bumalik?" -Marico
"Ang totoo nyan nagbalik na siya kaya lang hindi na niya ako naaalala." -Alexander
"Ganun ba? Ang lungkot naman nun. Pero mahal mo pa rin siya kahit hindi ka na niya naaalala?" -
Marico
"Oo. Kahit konti hindi nagbago o nabawasan ang nararamdaman ko para sa kanya, nagkalayo
man kami nang napakatagal na panahon." -Alexander
"Ang swerte naman niya kung ganun mo siya kamahal." -Marico
"Bakit mo naman nasabi?"tanong ni Alexander
"Kasi bilang isang babae syempre para sa akin napakaswerte ko kung mamamahalin ako ng isang
lalaki ng katulad ng pagmamahal mo sa kanya lalo na kung mahal ko rin siya," sagot ni Marico.
BINABASA MO ANG
Alaala
General FictionIto ay kwento ng pagibig ng dalawang tao na pinaglayo ng isang sakuna na nagugat sa relasyong namamagitan sa kanilang mga magulang. Sakuna na nagdulot ng pagkawala ng lahat ng alaala ni Marico. Maalala kaya ng kanyang puso ang pag-ibig na hindi maal...