Pabalik na ang dalawa sa mansyon galing sa piknik ng may makita silang babae sa may dadaanan
nila. Pinapara sila nito para tumigil. Itinigil ng binata ang sasakyan sa tapat ng babae.
"Hi Alex. Kumusta ka na?"tanong ng babae.
"Hanna. Mabuti naman. Ikaw kamusta na? Bakit ka nga pala narito? -Alexander
"Papunta sana ako sa inyo para bisitahin si Lolo Julio." -Hanna
"Ganun ba? Sige sabay ka na sa amin." - Alexander
"Ok lang ba sa kasama mo?" -Hanna
"Hindi mo ba siya natatandaan?" -Alexander
"Hah? Bakit sino ba siya?" -Hanna
Tinitigang mabuti ni Hanna si Marico at pilit itong kinikilala. Hanggang sa bigla na lang itong namutla
ng maalala kung sino ang babaeng nasa harapan niya at kasama ni Alexander.
Ano ang ginagawa ng babaeng to dito sa San Agustin? At bakit magkasama silang dalawa? Hindi ito
dapat nangyayari. Hindi ito pwedeng mangyari. Hindi ka dapat bumalik pa dito. Pagkatapos ng lahat,
hindi ka dapat naririto. "Marico? Ikaw ba yan?" nakatulala pa ring wika ni Hanna ngunit nawala na ang
pagkagulat sa mukha nito kanina. Agad niya iyong naitago dahil baka magtaka si Alexander sa
reaksyon niya. Dahil ang alam nito ay matalik silang magkaibigan.
"Hah? Magkakilala ba tayo?" -Marico
"Hindi mo ako nakikilala? -Hanna
"Ahm mabuti pa sumakay ka na Hanna para doon na kayo makapag-usap ni Marico sa bahay. -
Alexander
Agad namang sumakay si Hanna sa sasakyan kaya napagitnaan nila ni Alexander si Marico.
"Saan nga pala kayo nanggaling? -Hanna
"Nagpunta kami sa lagoon." -Alexander
Nagulat si Hanna pagkarinig sa sinabing lugar na pinuntahan nina Alexader at Marico ngunit agad
ding naging blangko ang kanyang ekspresyon. Sa lugar na namang yun. Bakit ba laging ang lugar na
yun ang pinupintahan nila? At bakit ba ang babaeng to na lang palagi ang dinadala niya sa lugar na
yun? Sa loob ng sampung taon walang sinuman ang pinayagan niyang makalapit man lang sa lugar
na yun. Kahit ako. "Kailan ka nga pala dumating Marico? Bakit hindi mo man lang ako naalalang
bisitahin?" Kunwari ay nagtatampong sabi ni Hanna.
"Pasensya ka na Hanna kasi walang naaalala si Marico simula nung maaksidente siya." -Alexander
BINABASA MO ANG
Alaala
General FictionIto ay kwento ng pagibig ng dalawang tao na pinaglayo ng isang sakuna na nagugat sa relasyong namamagitan sa kanilang mga magulang. Sakuna na nagdulot ng pagkawala ng lahat ng alaala ni Marico. Maalala kaya ng kanyang puso ang pag-ibig na hindi maal...