Marico's POV
Kkkkkrrrrrriiiiiinnnnngggggg........... Alarm 4:30 AM
"Hhhhmmmmmm...... Good morning world."
Tumitig muna siya sa kisame bago bumangon sa kama. Pagkabangon ay dumerecho na siya sa CR
para maligo. Nakakahiya kasi kay Alexander kung siya pa ang mahuhuli eh siya na nga ang
makikisabay dito. After 45 minutes ay ready to go na siya. Nagmamadali na siyang bumaba papunta
sa kusina para makapag-almusal muna siya bago umalis. Pero laking gulat niya ng madatnan niya si
Alexander na nagkakape na sa hapag waring hinihintay ang kanyang pagdating para sa almusal.
"Kanina ka pa ba?" nahihiya niyang tanong sa binata.
"Hindi naman kabababa ko lang. Halos magkasunod lang tayo." -Alexander
"Talaga?" nagtataka niyang tanong sa binata. Hindi kasi niya narinig na dumaan ito sa tapat ng
kanyang kwarto. Nasa may bandang dulo kasi ang kwarto nito kaya kung bababa ito ay maririnig
niya. Maliban na lang kung tulog siya at nasa CR.
"Oo naman. Bakit?" -Alexander
"Hindi ko kasi narinig ang pagdaan mo sa kwarto ko." -Marico
"Huh? Eh baka may ginagawa ka ng dumaan ako. Ang mabuti pa eh kumain na tayo para makaalis
tayo ng maaga." -Alexander
Nagtataka pa ring umupo siya sa upuan na katapat nito. Baka nga tanghaliin pa sila kapag nagusisa
pa siya tungkol dun. Kasi kung makakaalis sila ng maaga ay mas maganda para makausap muna
niya si Marie bago ang meeting niya with Ms. Mendez. Babasahin na rin muna niya ang record ng
sales ng shop para updated siya sa benta ng shop. Pinagtuunan na niya ang kanyang pagkain kaya
medyo nanahimik ang hapag.
Alexander's POV
Bakit kaya ang tahimik niya? Iniisip pa rin kaya niya ang tungkol dun sa hindi niya pagkarinig sa
pagdaan ko sa kwarto niya? Ang totoo kasi niyan ay kanina pa talaga siya nakababa. Padalawang
tasa na nga niya ng kape. Obviously napaaga siya ng gising dahil excited siya sa pagpunta nila ng
manila. Palusot lang niya ang sinabi niya na hindi nito narinig ang pagdaan niya sa kwarto nito
kanina. Alam kasi niya na sobrang mahihiya na naman ito sa kanya kapag nalaman nito na kanina pa
niya ito hinihintay. Ang makasama kasi ito ng matagal sa byahe papuntang manila ay isang
napakalaking swerte na para sa kanya. Kahit pa ang kapalit nun ay matagal niya itong hindi makikita
at ang masama pa hindi niya alam kung kailan ang balik nito sa hacienda. Hindi na siya nakatiis sa
BINABASA MO ANG
Alaala
General FictionIto ay kwento ng pagibig ng dalawang tao na pinaglayo ng isang sakuna na nagugat sa relasyong namamagitan sa kanilang mga magulang. Sakuna na nagdulot ng pagkawala ng lahat ng alaala ni Marico. Maalala kaya ng kanyang puso ang pag-ibig na hindi maal...