CHAPTER 9 - Reunion (part 2)

19 0 0
                                    

Hindi maiwasan ni Dianne na titigan ang kaibigan na hindi niya akalaing makikita pang muli matapos

ang napakahabang panahon na nawala ito sa kanilang baryo. Ang pagalis nito ay hindi naging madali

para sa kanilang lahat na nakakakilala dito. Napakabait na tao nito kahit kung minsan eh talagang

may katarayan itong taglay lalo na kapag may mali talagang ginawa dito ang isang tao. Napapangiti si

Dianne ng maalala ang ilang pagkakataon na nasaksihan niya ang katarayan nito noon. Ito na talaga

ang pinakamataray na babae na nakilala niya.

"Bakit ka naman nangingiti dyan ha?" - Marico

"Wala naman may mga naalala lang ako na mga nangyari noong na nagpapatunay ng katarayan mo.

Hahahahahahaha!" Hindi na talaga napigilan ni Dianne na mapatawa.

"Ganun? At ano naman ang mga yun ha?"- Marico

"Alam mo bang muntik ka ng makasapak ng lalaki noon?"-Dianne

"Hah?! Talaga? Bakit naman?" -Marico

"Dahil lang naman sinipulan niya tayo ng dumaan tayo. Kung hindi ka namin napigilan noon baka

kung ano na ang nangyari sa atin noon. Buti na lang to the rescue agad noon si Alex ng muntik ng

lumapit yung lalaki sa atin." -Dianne

"Ibig mong sabihin matagal ko na ring kakilala si Alexander?" -Marico

"Huh? Ibig sabihin.......wala pang sinasabi sayo si Alex?"-Dianne

"Ayaw niya sabihin eh. Ang sabi niya wag ko daw piliting alalahanin. Hayaan ko na lang daw na

kusang bumalik sa alaala ko ang lahat."-Marico

"Ganun ba? Sabagay may punto naman siya kasi baka mas lalong makasama sayo kong pipilitin

mong alalahanin lahat."-Dianne

"Tingin ko nga din kasi medyo sumasakit nga ang ulo ko kapag may pilit akong inaalala. Hindi na nga

lang katulad dati na halos parang puputok ang ulo ko kapag may gusto akong maalala."-Marico

"Alam namin na nahihirapan ka sa kalagayan mo pero siguro may tamang panahon kung kailan mo

talaga maaalala ang lahat."-Dianne

Napangiti na lang ang dalaga para di na mag-alala pa ang kaibigan sa kanyang kalagayan.

Ahm, oo nga pala Marico, gusto sana kitang imbitahan sa engagement party ko sa linggo. Kung wala

ka lang naman sanang gagawin."-Dianne

"Talaga, ikakasal ka na? Oo naman pupunta ako ano ka ba. Dapat lang na andun ako kasi bestfriend

mo ko no. Ikaw talaga."-Marico

"Talaga pupunta ka? Salamat friendship. Napakasaya ko talaga kasi andun kayo lahat sa araw ng

AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon