"Papa! Papa! Papa! Don't leave us Papa! Balik na po tau sa bahay. Please!" umiiyak na pakiusap ni
Marico sa kanyang ama.
"Marico?! Bakit narito ka sa loob ng kotse? Hindi ka dapat sumama sa akin." gulat na wika ng
kanyang ama.
"Uwi na tayo Papa. Umiiyak si Mama eh. Sige na po balik na po tayo." patuloy sa pag-iyak na wika ng
dalagitang si Marico. Hindi siya pinansin ng kanyang ama kaya hinawakan niya at bahagyang hinila
ang braso nito at biglang gumewang ang takbo ng kotseng sinasakyan nila. Nang may biglang
sumulpot na sasakyan na pasalubong sa kanila. "Papa mababangga tayo!!!!"
"Marico!!! Hindi!!!! Anak!!!!
"Papaaaaaaaaaaa!!!!!!!!
Napabalikwas ng bangon si Marico. "My God!!! Ang panaginip na namang yun. Ano ba talaga ang
nangyari ng araw na yun? Bakit papaalis kami ni papa? Aaahhhhh. Sumasakit na ang ulo ko sa
kakaisip." Naihilamos niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang mukha at naramdaman niyang may
tumulo palang luha sa mga mata niya. Lalo lang siyang napaiyak. "Papa........."
Napatigil sa pag-iyak si Marico ng may kumatok sa pinto ng kanyang silid.
"Marico ok ka lang ba? Bakit parang umiiyak ka? May nangyari ba sayo?"
Si Alexander pala. Pagkilala ni Marico sa boses ng binata. "Ok lang ako, may napanaginipan lang
akong hindi maganda." sagot ng dalaga.
"Pwede ba akong pumasok?" tanong ni Alexander.
"Oo, pasok ka." pahintulot ng dalaga.
"Ano ba ang napanaginipan mo?" tanong ng binata ng makalapit ito sa kanya.
"Napanaginipan ko kasi si Papa at yung nangyaring aksidente sa amin."
"Ganun ba." umangat ang kamay ng binata at pinunasan ang luha sa pisngi ni Marico.
"Lagi ko siyang napapanaginipan pero hindi ko pa rin maalala ang lahat."
"Huwag ka mag-alala darating din ang panahon na maaalala mo rin yun." pagaalo ng binata kay
Marico.
"Sana nga. Teka anong oras na ba? may piknik tayo ngayon di ba?" biglang naalala ng dalaga ang
lakad nilang dalawa.
"Maaga pa naman may oras ka pa para maghanda. Umakyat lang ako para gisingin ka sana nang
marinig ko na umiiyak ka." sagot ng binata.
"Ganun ba. Pasensya ka na sa kadramahan ko ha?" paumanhin ni Marico tungkol sa pag-iyak niya.
"Ok lang yun. Sige maghanda ka na para makaalis na tayo. Nakahanda na kasi ang mga dadalhin
natin."
"Ok, sige. Maliligo lang ako tapos bababa na ako."
"Ok sige mauna na ako sa baba." At tumayo na ang binata sa pagkakaupo sa kama. "Tsaka nga pala,
kapag kailangan mo ng makaka-usap nandito lang ako para makinig sayo."
"Salamat." nakangiti ng wika ng dalaga.
"Walang anuman." tugon ng binata at pinagpapatuloy na nito ang paglabas ng silid ng dalaga.
"Hindi ko alam kung bakit pero gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag nakaka-usap ko siya."
BINABASA MO ANG
Alaala
General FictionIto ay kwento ng pagibig ng dalawang tao na pinaglayo ng isang sakuna na nagugat sa relasyong namamagitan sa kanilang mga magulang. Sakuna na nagdulot ng pagkawala ng lahat ng alaala ni Marico. Maalala kaya ng kanyang puso ang pag-ibig na hindi maal...