KEN POV
Kinabukasan ay agad ako nagtungo sa kwarto namin ni Stell, para humingi ng tawad sa nangyari ka gabe.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko agad si Stell na nag iimpake ng gamit, habang si kenña ang nagtatangal ng gamit sa closet. Tumakbo ako sa kanila para pigilan ang pag aayos nila.
"Ga? ano ginagawa mo? Ba't mo ini impake mga damit niyo?"
"Wala nang saysay para manatili pa dito! Aalis na kami! Maiwan ka mag isa mo." walang emosyon na sabi ni Stell habang patuloy pa rin ang pag aayos ng damit.
"Dada, nabigla lang din po ako kay daddy. Ginising lang po ako ni daddy sa kwarto nila Tito jah. Dahil uuwi na daw po!" malungkot na turan ni kenña, mabuti nalang di alam ni kenña ang nangyayari.
"Ken, hayaan mo na kami ni kenña na umalis! uuwi na kami!" madiin na pagkakasabi ni Stell.
"Ga Ayuko, ayusin naman natin to."
"Ken, Wag na muna ngayon, nandito anak natin!"
Napatingin ako kay kenña, nakatingin pala ito sa amin ni Stell. Alam ko na maraming tanong ang nabubuo sa isip ni kenña. Matanda na ito para hindi maunawaan ganitong eksena.
"Dada and daddy what's wrong po? Bakit po kayo nag aaway?" Sabi ko na eh.
"Anak ipapaliwanag ko na nalang sa iyo mamaya. Mag uusap lang kami ng daddy mo?"
"Sige po dada, punta lang po muna ako kayla Tito jah"
"Sige anak, thank you!" tumango lang si kenña bago umalis.
Humarap ako kay Stell at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan sa pag iimpake.
"Ga, bigyan mo naman ako ng pagkakataon para magpaliwanag" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Ken, Kita ko na naghahalikan kayo ni Monica. Ano pa ba ang dapat mong ipaliwanag?"
"Ga, itutulak kuna sana si Monica pero hindi ko na tuloy dahil saktong dumating ka. Hindi ko rin alam kung bakit nandito si Monica."
"Ken, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Si Monica ba ang unknown number na text ng text sa akin? Sagutin mo ang tanong ko ng totoo ken, kung gusto mo maging okay tayo?"
"Oo ga, si Monica nga. Balak ko naman sana sabihin sa iyo,ga. Naghahanap lang ako ng tyempo para malaman mo"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin nung unang beses na mag kwento ako sayo?"
"Ga,natatakot ako na baka iwanan niyo ko bigla! Dahil gusto ni Monica na iwanan ko kayo ni kenña, para bumalik sa kanya."
"Ga, marami ng pagsubok ang dumating sa buhay natin, kaya mas maiintindihan pa kita dahil sa lahat ng iyon. Dahil sa mga problemang pinagdaanan natin ay kilala na kita,ken. Alam ko rin na anytime ay pwede may mga sumira sa pamilya natin na inaayos, pero wag naman natin hayaan na tayo mismo ang sisira nito!"
"Yes, ga. I'm sorry hindi na mauulit ga!"
"Mahal kita ken, Kaya kahit gaano ka sakit ang pag ibig na ito, ay handa akong tanggapin ang lahat ng sakit Basta para sayo at kenña."
"Thank you Stell for your love!" hinalikan ko ang labi ni Stell.
"I love you too Ken! wag mo na sana ulitin na maglihim sa akin!". tumango ako at tumayo.
Inilahad ko sa kanya ang dalawa kung kamay para alalayan siya sa pagtayo.
YOU ARE READING
Rewrite the STARS (season 3) (Completed)
Romance"I will loved you ken, no matter what happened. I will always choose you." Season 1: The Red string of fate Season 2: Shadow of love Season 3: Rewrite the Stars