CHAPTER 10

184 3 0
                                    


KEN POV

Ang saya namin habang kumakain, nag kwekwentuhan naghaharutan at nagbabangayan.

Na miss ko ang ganitong pagsasama namin, bihira nalang kasi kami nagkakaroon ng oras para sa barkada, sapagkat may kanya kanya na kaming prioridad, ang pamilya.

"natatandaan ko pa noon, bata pa kami noon ni ken, natamaan namin si Stell ng bola habang naglalakad haha!" kwento ni josh.

"Tapos ito pa, ang taray niya. Kung kumakain lang ng tao ang mata baka Wala na kami ngayon, dahil sa kasungitan ni Stell!" Natawa ang lahat dahil sa kwento ni josh.

"Dada, totoo po? natamaan mo ng bola si daddy noon?" Tanong ni kenña

"Yes, Anak totoo, dahil sa Tito josh mo? Ang kulit kasi ng Tito mo noon!"

"Anong ako aber ken? Dahil sa katangahan mo siguro, sa ulo ba Naman ni Stell tinapun ang bola hahaha!" kwento ni ken habang maluha na ang gilid ng mata nito.

"Ewan ko sayo josh!"Hindi ko na pinansin pa si josh

"Natatandaan ko noon,umiiyak ako sa park dahil ipapakasal ako sa lalaking Hindi ko gusto! Kaya umiyak ako noon sa park!"

"At lumapit ako sa iyo?" biglang tanong ni Stell Kay jah

"Hahaha oo!" tawa ni jah

"Natatandaan ko pa noon, ang Mukha ni jah, sabay sabay lumalabas ang luha at sipon sa ilong niya hahaha!" natatawang kwento ni Stell

"Ayy grabe ka naman Stell sa akin! Luha lang walang sipon. Baka isipin ng anak ko, yagit ang daddy niya HAHA"

"Hahaha totoo naman ehh, ang pangit mo pag umiiyak!" dugtong ko para asarin si jah

"Ahhh talaga ba ken? Sino ang pangit Aber?" naiinis na Sabi niya habang nakatingin sa akin ng malalim.

Tawa lang ako ng tawa dahil priceless ang Mukha ni jah, Natawa na rin sina jah² at kenña sa mga kalokohan namin.

May sariling Mundo Sila pau at Nicole , nagbubulungan lang Sila at tatawa, parang mga baliw haha

"Uyy pau, bat nagbubulungan lang kayo! baka naman parinig kami ayiieee!" Haha pag aasar ni Stell Kay pau at Nicole

"Wala na kayo doon!" Sabi ni pau Kay Stell

"Ehh pau, kaibigan mo kami oh! Baka naman share with friend diba? hahaha!" loko loko talaga tong Stell

"Oo nga naman pau, baka matawa rin kami sa usapan niyo ni nicole haha!" pang aasar ni josh

"HAHAHA iwan ko sa inyo!" Sabi ni pau habang tawa ng tawa.

Umalis na sila pau at Nicole para maglibot libot, umalis na din Sila jah para magbihis giniginaw na kasi si jah²

"Ga! Alis na muna kami ni kenña,magbibihis lang!" tumango ako

"Ikaw? Hindi ka ba magbibihis muna?" Tanong ni Stell

"Maya na ga, susunod nalang ako. Dito lang muna ako magpapahangin!" Tumango si Stell at umalis na sila ni kenña

Tumayo ako dahil gusto ko muna maglakad lakad sa tabing dagat. Umupo ako sa buhangin at tumingin sa makinang na dagat. Ang ganda ng buwan na nagbibigay ilaw sa buong karagatan, ang sarap pagmasdan ang ganitong scenario ng buhay.





Rewrite the STARS (season 3) (Completed)Where stories live. Discover now