CHAPTER 12

194 1 0
                                    

KEN POV

Habang nakatingin ako sa dagat at nilalaro ang mga buhangin sa mga kamay ko ay naramdaman ko na may umupo sa tabi ko.

Ang akala ko si Stell ang umupo sa tabi ko, pero pagtingin ko putchang gala si Monica. Napatayo ako sa pagkakaupo dahil sa pagkakagulat, ano ang ginawa ng babaeng to dito? Paano niya nalaman na nandito kami?.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit alam mong nandito kami Monica? Sumagot ka?" pasigaw kung sabi sa kanya, sisirain pa yata ng babaeng to ang bakasyon namin, bweset.

"Ken chillax, I just want to see you! I missed you so much love!" dahan dahan itong lumalapit sa akin.

"Wag kang lalapit Monica, mapapatay tlga Kita!"

"Sige,gawin mo. Bago mo ako mapatay, sisirain ko muna ang buhay niyo ni Stell!"

Nakalapit na pala ito sa akin hindi ko namalayan, naramdaman ko ang labi nito sa akin! Itutulak ko sana si Monica pero napatingin ako sa taong dumating, si Stell.

Susundan ko na sana si Stell pero hinawakan ni Monica ang kamay ko, nilingon ko si Monica.

"Ano ba Monica? Ano ba Ang gusto mong mangyari ha? Sinira mo na ang pamilya ko? Tinakot mo na si Stell sa mga text mo, Ano pa ba gusto mo?"

"Bumalik ka sa akin Ken!" seryusong saad niya.

"putcha Monica, ayuko na sayo! Pinagsisihan ko na Ang ginawa ko noon sa pamilya ko! pagkakamali ang lahat ng iyon!"

"Talaga ba ken? pagkakamali? Nang dahil sa pagkakamaling putchang yan. nasira mo ang pamilya ko! sinira mo ako ken, iniwan ako ng pamilya ko ng dahil sa iyo!"

"Hindi ko na kasalanan yun Monica,Hindi ko na kasalanan kung bakit nasira ang pamilya mo. Matagal kunang pinutol ang ugnayan ko sayo noon pa!"

"Sige umalis ka! Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa pamilya mo!" natawang baliw si Monica sa sinabi niya.

"Subukan mo Monica! Ako mismo ang maghahanap sayo,para patayin ka."

Umalis na ako at iniwan ko si Monica na tumatawang mag isa. baliw na Ang babaeng iyo.

Sinundan ko si Stell habang tumatakbo pagdating ko sa loob ng resort ay nakayap si Stell kay pau habang si Nicole ay nasa tabi ni pau naka alalay.

"Stell, Hindi ganoon ang hinala mo!" Hindi pinansin ni Stell ang sinabi ko, iyak lang ito ng iyak habang nakayap Kay pau.

Biglang umalis si pau sa pagkakayakap Kay Stell habang si Stell naiwang umiiyak habang ang kamay nito nasa Mukha. Inalalayan ni Nicole si Stell na makatayo.

"Ken, can you please shut up. Wala kanang ginawang tama, binigyan ka ni Stell ng second chance pero ano? Sinira mo?. Kaibigan ko si stell, Kaya ayukong nakikita itong nasasaktan, pero putcha ikaw na naman?" inis na Sabi niya sa akin.

Gusto ko sana sagutin si pau sa mga sinabi niya, pero lahat ng sinabi niya sa akin ay totoo. Sinaktan ko ulit si Stell sa pangalawang beses.

"Pau, please stop!Ayukong mag away kayo ng dahil sa akin!" saway ni Stell Kay pau habang umiiyak.

"Pero Stell, sinaktan ka niya!"

"Ayos lang ako pau!" Sabi ni Stell at umalis na ito sa harapan namin.

Nang makaalis ng tuluyan si Stell sa harapan namin nagsalita ulit si pau.
"Ken Sabihin mo nga sa amin kung ano ba tlga ang nangyari? Hinanap ka ni Stell sa amin kanina dahil nag aalala siya sayo! tapos ano? babalik si Stell na umiiyak? Vocabulary mo na ba tlga na paiyakin yung best friend ko?" hindi ko magawang masagot ang mga Tanong ni pau sa akin. Dahil sa akin umiiyak na naman si Stell.

"Pau, wag mong pagsalitaan si ken ng ganyan. Di natin alam ang nangyari!" saway ni Nicole kay pau.

"Pasensya na ken, sige alis na kami!"tumango ako kay Nicole bilang sagot.

Umalis na muna ako ng resort para kumalma at mapag isip isip. Ayuko na muna dagdag ang bigat sa puso ni Stell.







Rewrite the STARS (season 3) (Completed)Where stories live. Discover now