KABANATA 13

789 21 0
                                    

Kabanata 13: Rebelasyon

“KAYA... K-Kaya mo ba ako iniwan... Kaya ba nagbago ka bigla... Kaya ba lumalayo ang loob mo sa akin dahil... Dahil akala mo ay pinagtaksilan kita, Lorainne?” nauutal na tanong niya at namula nang husto ang mga mata niya. Bayolente na ang kanyang paghinga at taas-baba na ito na parang nahihirapan na rin siyang huminga. “Iniisip mo na...nakabuntis ako ng ibang babae? Na...naghanap ako ng iba dahil hindi mo naman ako kayang bigyan ng anak? Lorainne...”
Nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Hindi ko natatagalan kasi ang bigat-bigat sa dibdib na makita siyang ganyan. Ako ang nasasaktan kapag nakikita ko siyang nahihirapan. “Sagutin mo ako, Lorainne.

“O-Oo. Hindi naman ako magkakaganito kung wala lang akong nakita, Denbrill. Hindi kita pagdududahan kapag wala akong nakitang eksena dahilan para saktan mo ako ng hindi mo namamalayan! Hindi ako aalis at pupunta rito kung wala kang ginawa sa akin para saktan ako!” bulyaw ko sa kanya pero napaigtad ako sa gulat nang suntukin niya ang pader ng tree house. Sa lakas no’n pakiramdam ko ay yumugyog ito at ilang beses pa niyang sinuntok iyon.

“Ano ba ang nakita mo para akusahan mo ako ng pagtataksil?! Ano ang nakita mo at pinagdududahan mo ang nararamdaman ko sa ’yo?!” tanong niya at napaatras ako sa kama nang lumapit siya sa akin para lumuhod na naman sa harapan ko.

Lumalabas ang ugat sa leeg niya at umiigting ang panga niya sa sobrang galit niya sa akin. Nakakuyom ang kamao niya pero napaluha lang ako nang makita ko ang pamumula ng isa niyang kamao at dumudugo na rin ito.

“M-May dugo,” nauutal na sabi ko at hahawakan ko na sana iyon nang mabilis niyang iniwas ang kamay niya.

“Answer me, Lorainne Brilliantes!” Napatalon ulit ako sa gulat. Sa pagsigaw niya sa pangalan ko kasama na ang pangalan ng pamilya niya.

“N-Nang araw na iyon na pinuntahan kita sa kompanya mo. Nakasalubong ko roon si Melissa pero hindi ko pa siya kilala noon. Nakita ko siya na lumabas mula sa loob ng opisina mo...  Hindi mo ako masisisi na makita kang lumabas din sa banyo na isinasara mo pa lamang ang butones ng damit mo! Hindi mo ako masisisi na makita ang coat mo sa mesa at nasa sahig ang kurbata mo na parang hindi na kayo makapaghintay pa! Hindi mo ako masisisi na makita ko ang marka ng labi ng babaeng iyon sa tasa ng kape mo at maamoy ko ang pabango ng babaeng iyon sa iyo! N-Noong pumunta rin ako sa mall... Nakita ko kayo na magkasama at sinabi ng babaeng iyon na nobyo ka niya! Sa kaarawan ni Karlos... Nakita ko rin na nag-uusap kayong dalawa at narinig kong buntis siya. May nangyari sa inyo habang ang asawa mo ay nasa labas at nanginginig na sa lamig! Bumalik ka nga sa akin na humahangos pa at tagaktak ng pawis! H-Hindi mo ako masisisi na makita kang masaya na kasama ang babaeng iyon habang malaki na ang umbok ng tiyan niya!”

Sinabi ko na ang lahat, sinabi ko na ang mga nalalaman ko na punong-puno ng hinagpis, sakit at selos.

Akala ko nga na kapag sinabi ko na sa kanya ang lahat ay aamin na rin siya. Pero hindi... Hindi iyon ang nangyari. Yumakap siya sa baywang ko at umaalog ang balikat niya. Naririnig ko ang paghagulgol niya. Umawang ang labi ko sa gulat. Sa reaction niya.

“H-Hindi ko magagawa iyon sa iyo, mahal ko... Hindi ko kayang pagtaksilan ka! Hindi ko kayang maghanap ng iba kung alam kong masasaktan ka... Mali... mali ang mga nakita mo at lahat ng iyon ay... hindi nangyari. W-Wala... Wala akong babae... Walang nangyari sa amin ni Melissa at higit sa lahat... Wala akong nabuntis... Hindi ako ang ama ng anak niya. Mahal na mahal kita at hindi ko kailangan na maghanap ng ibang babae para isilang ang magiging anak ko... Lorainne... Hindi ako manloloko, hindi ako taksil na asawa... Wala akong ibang babae kundi ikaw lang at wala akong gustong maging ina ng mga anak ko kundi ikaw lang. Dahil asawa kita... Ikaw lang ang gusto ko, Lorainne... Inaamin ko na... minsan na akong nagkagusto kay Melissa, na minsan ko siyang minahal pero sigurado ako na ikaw na... Na ikaw na ang tinitibok ng puso ko. Na ikaw na ang mahal ko at mamahalin ko habang nabubuhay ako...”

The Love Story of Don Brill (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon