KABANATA 14

871 23 0
                                    

Kabanata 14: Totoong kasal

WALANG umaga para sa kanya dahil pagkatapos naming maabot ang rurok ng kaligayahan ay paulit-ulit niya akong inangkin. Nakatulugan ko na nga sa sobrang pagod.

Tapos paggising ko ay kumalam agad ang sikmura ko. Napabangon ako. Masakit nga ang katawan ko. Napanguso ako dahil may suot na akong bagong bestida. May suot din akong panloob. Magaling siyang maghubad ng damit sa asawa niya at alam niya rin kung paanong isuot ulit ito sa akin.

Bumaba ako dahil may naaamoy ako na aroma ng manok na inihaw. Naabutan ko ang asawa ko sa baba at may niluluto agad siya. Hindi niya ako napansin kaya nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya sa baywang niya. Sumandal pa ako sa likuran niya.

“Good afternoon, Lorainne,” agad niyang bati sa akin.

“Ha? Afternoon na?” gulat kong tanong at napatingin pa ako sa kalangitan. Tama, hapon na nga. “Nalipasan na ako ng gutom,” kunot-noong saad ko at hinila niya ako palapit sa upuan.

“You’d better sit down, mahal ko. Nararamdaman ko ang panginginig ng mga binti mo,” nakangising sabi niya.

“Mabuti at alam mo,” supladang sabi ko at napatingin ako sa mga pagkain na nakahain na pala. May iniihaw pala siya na manok. “Saan ka kumuha ng mga ulam natin?”

“Hinatid nila kanina ang mga iyan. Pero ang manok na inihaw ko ay ang hindi pa luto.” Nang umupo na rin siya sa tabi ko ay nakaakbay pa siya sa akin.

Nilingon ko siya. Hinalikan ko ang pisngi niya at sumandal sa dibdib niya.

“Pasensiya na... Hindi ko na rin uulitin pa ang ginawa ko, Don Brill. Magtitiwala na ako sa ’yo at hindi ko na hahayaan pa na pangunahan ako ng negatibo at magdududa na lamang basta.”

“That’s okay. Ngayon alam mo na kung ano ang gagawin mo, Lorainne. Mas maganda siguro ay sinugod mo na kami nang araw na iyon. Handa akong sumalo ng mag-asawang sampal basta hindi magtatagal iyong sakit ng nararamdaman mo. Patawad, mahal ko... Wala akong kaalam-alam na nasasaktan na pala kita.” Hinalik-halikan pa niya ang pisngi ko pababa sa balikat ko.

Siguro nga ay sinubok na kami ng tadhana. Na kung paano namin mas patitibayin ang relasyon namin at aminin ang pagmamahal namin sa isa’t isa. Ang pag-ibig pala ay hindi lang sa tagal ng panahon na mararamdaman mo kasama ang taong mamahalin mo. Puwede rin sa maikling panahon at iyong kakilala mo lang. Ngunit kung desidido kang makilala mo pa siya ng lubusan ay hindi ka naman mahihirapan na matutuhan siyang mahalin.

Lesson learned na nga ito para sa akin at palagi ko ng tatandaan na masama ang magduda sa isang bagay na hindi mo pa alam ang kuwento nito.

“Ang kamay mo. Nagamot na ba ’yan?” tanong ko nang makita kong nakabalot na ito ng puting panyo. Hinawakan ko iyon at hinalikan. “Bakit kasi sinuntok mo pa iyong pader?”

“I’m fine, Lorainne. Come on, let’s eat.” Marami akong nakain dahil hindi nga ako kumain ng agahan at tanghalian ko. Ngayon lang na panghapunan. Nauna pa nga siyang kumain at pinapanood na lamang niya ako.

“Ayoko na. Puno na ang tiyan ko,” nakangiwing saad ko at napahawak pa ako rito.

“Mamaya na natin kakainin ang panghimagas.”

“Ay, mayroon pa pala tayong panghimagas?” tanong ko na tinanguan niya at saka siya tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. “Saan ka pupunta, Don Brill?”

“Ililigpit ko lamang ito, mahal ko. Sige na, umakyat ka na sa taas. Dahan-dahan lang, okay?” aniya sabay halik sa noo ko.

“Maliligo ako sa batis,” sabi ko.

The Love Story of Don Brill (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon