HULING KABANATA (1)

940 20 0
                                    

Huling kabanata 1: Unang pagkikita & Tibok ng puso

“PAKAKASALAN mo ang anak ni Señor Angeles, Denbrill. Para sa mana niya at para na rin na mapanatag ang namayapa niyang mga magulang. Na nasa mabuting kamay na rin ang kanilang anak. Sana lang ay kaya ninyong pakisamahan ang isa’t isa. Hijo, ako rin ay magiging panatag kapag alam kong may asawa ka ng magmamahal at mag-aalaga sa ’yo.” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Lolo Kamril. Ang kapatid ng lolo ko.

Alam kong nag-aalala rin siya sa akin. Na iwanan na lamang ako nang mag-isa. Kasi naisip niya na wala akong balak na magkaroon ng pamilya dahil na rin sa subsob ako sa trabaho ko. Kung tutuusin ay madali lang naman ang makahanap ng babaeng pakakasalan ngunit mahirap din hanapin ang pagmamahal.

“Alam ninyo po na isang babae lang ang gusto ko,” sambit ko.

“Pero hindi mo naman puwedeng pakasalan si Melissa. Siya rin ang babaeng gusto ng matalik mong kaibigan, apo. Palagi mong tatandaan na mas mahalaga ang pagkakaibigan kaysa sa isang babae lang at alam kong may higit na nakalaan para sa ’yo,” mahinahon na saad niya.

“Palagi ko pong tatandaan iyan, Lolo,” sabi ko.

“Sige na. Ngayon ang libing ng mga magulang niya.” Tumango na lamang ako sa kanya.

Totoong si Melissa ang gusto ko pero katulad nga nang sinabi ni Lolo Fred ay mas mahalaga ang pagkakaibigan kaysa ang pag-awayan lang namin ang isang babae. Sa tingin ko ay mayroon naman na para sa akin na nakalaan at hindi ko lang alam kung makakaya ko rin na ibaling sa mapapangasawa ko ang nararamdaman ko. Ngunit susubukan ko pa rin naman.

Isa sa pinakamabait si Señor Angeles. Nakilala ko siya dahil na rin kay Lolo at bago nga siya nawala ay hinabilin pa niya sa akin ang unica hija niya. Nangako naman ako na hindi ko pababayaan ang anak niya at sana nga lang din ay pumayag ito sa last will ng kanyang ama. Hindi naman ako magiging masamang asawa kung nagkataon na ikakasal kami. Marunong akong magpahalaga sa isang tao, lalo na kung parte na ng pamilya ko.



HINDI ko makita ang buong mukha ng anak ni Señor Angeles. Dahil na rin sa katabi niyang isa pang babae at pinapayungan siya nito. Matangkad ang dalaga at halos hindi na rin siya gumagalaw.

Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng minamahal sa buhay. Lalo na kung mga magulang mo pa at sabay-sabay pa talaga silang mawawala. Tapos maiiwan ka na lamang ng mag-isa.

“Napakaganda ng anak ni Señor Angeles.”

“Oo nga. Ang inosente ng mukha niya. Napakaganda.”

“Nakalulungkot lang na mag-isa na siya sa buhay niya. Maagang nawala ang mga magulang niya.”

“Pero ganoon pa man ay hindi ko nakita na umiyak siya. Hanga ako sa kanya. Matatag ang kanyang loob at matapang.”

Napatikhim ako dahil sa mga narinig kong sinabi nila. Gaano kaya siya kaganda?

Nang magsimula na ring umalis ang iba ay sumabay na ako. Nakasakay na ako ng sasakyan ko nang dumating si Attorney Franklin.

“Engineer Brilliantes,” sambit niya sa pangalan ko.

“Attorney Franklin.”

“Bilisan na po natin. Nandoon na ang anak ni Señor Angeles. Baka po hindi natin siya maabutan,” sabi nito at tumango ako. Bumaba na rin ako pero ewan ko ba kung bakit ayaw ko na ring lumapit pa sa mga ito. Hinayaan ko na lamang si Attorney Franklin na makalapit doon.

Sumilip pa ako sa labas ng bintana at nakita kong nag-uusap na nga sila. Napadila ako sa pang-ibabang labi ko dahil nakaharang talaga ang babaeng nasa tabi nito kung kaya’t hindi ko pa rin makita ang mukha niya.

The Love Story of Don Brill (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon