Kabanata 7: Rule
“NAG-IISA ka lamang ba rito sa mansion mo?” interesadong tanong ko sa kanya. Sa laki ng kanyang tahanan ay pakiramdam ko hindi na rin magkikita pa ang mga taong naninirahan dito. Ewan ko lang talaga.
“Nandito ang kapatid ng lolo ko pero aalis din siya dahil sa abroad siya naninirahan kasama ang may bahay niya,” sagot niya na tinanguan ko.
Tinitigan ko ng matiim ang kanyang mga mata, nang tingnan naman niya ako pabalik ay inilipat ko sa ibang direksyon ang aking tingin. Hindi ko kasi natatagalan iyon.
“Kung ganoon, wala ka ng kasamang iba? Wala ka na bang...pamilya?” nag-aalangan kong tanong sa kanya.
Pinaupo niya muna ako at nanatili na siyang nakatayo habang nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon.
“Tama ka. Isang taon din ’yon nagtagal. Pero ngayon ay hindi na,” usal niya at naninimbang na tinitigan ako. Nagulat naman ako nang bigla na lamang siyang lumuhod sa aking harapan at hinawakan niya ang kamay ko. “Sana hindi magbago ang isip mo, Lorainne,” saad niya at natutunaw ako sa paraan ng pagtitig niya.
Ngumiti siya, ngumiti siya para lang tunawin yata ang puso ko. Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti ng ganito at talagang may kung ano rin sa akin ang tila nais pang makita ang mga ngiti niyang kay tamis. Gusto ko ring makita kung paano siya maging masaya. Magagawa ko kaya iyon?
Dahil base pa lamang sa pag-uugali niya, palagi siyang seryoso at walang emosyon ang mukha niya ay tila mahirap nga siyang pasayahin o pangitiin.
Gamit ang malaya kong kamay ay inabot ko ang pisngi niya. Hinaplos ko ito pababa sa kanyang panga. Hinawakan niya iyon at hinalikan ang likod nito.
“Kapag nagdedesisyon ako ay asahan mong hindi ako aatras. May prinsipyo ako at naninindigan sa mga pinipili kong desisyon sa buhay ko. Hindi naman siguro masama kung mas makilala pa kita ng lubusan, tama?” tanong ko na may kasama pang pagngiti. Muli, umangat ang sulok ng mga labi niya at dahan-dahan ulit ang kanyang pagngiti.
“Pangakong aalagaan kita at poprotektahan,” nangangakong sambit niya. Bumilis ang pintig ng puso ko.
“Asahan mong ganoon din ang gagawin ko sa ’yo,” saad ko.
“Tara. Ihahatid kita sa magiging silid natin. Nandoon na rin ang lahat ng mga gamit mo,” sabi niya at inaya ako.
“Teka lang.”
“Mamaya ay darating din ang iba mong kasama sa mansion ninyo.”
“Si Ate Lessa ba ’yan? Nais mo rin na manirahan siya rito?” tanong ko. Umakyat kami sa itaas ng hagdanan. Nakikita ko na marami naman siyang mga kasambahay. Hindi katulad ng mga nakikita ko sa pelikula na kapag nakikita nila ang kanilang amo ay yumuyuko sila.
Pero hindi katulad nito ay nanatili lamang sila sa kanilang mga kinatatayuan pero nang mapatingin ako sa kanila ay ngumiti lamang sila kaya ginantihan ko rin iyon.
“Nakalimutan mo bang bubuo na rin siya ng sarili niyang pamilya, Lorainne?” tanong niya. Alam ko naman ’yon. Alam ko na ’yon ang mangyayari. Hindi ko naman puwedeng pigilan si Ate Lessa at hindi sa lahat ng oras ay palagi ko siyang makasasama. “Ito ang ating silid.”
Bayolenteng napalunok ako nang buksan na niya ang pintuan ng magiging kuwarto namin? Kung ganoon matutulog na kami sa iisang silid talaga? Master’s bedroom pa naman ito at nang pumasok kaming dalawa ay nakita ko na malaki nga ang kama.
May tatlong baytang siya bago ang...may maliit siyang sala. May set ng couch at may malaking TV din. May mga bookshelves sa pader nito at mga bulaklak sa vase.
BINABASA MO ANG
The Love Story of Don Brill (COMPLETED)
Romansa(BRILLIANTES SEQUEL) "It hurts to lose a loved one, but I have to accept the fate that her life will end here." Date started: January 24, 2024 Date finished: February 21, 2024