WAKAS
MABAIT, maalalahanin at maalaga ang asawa ko. Ni minsan ay hindi ko naisip na makakaya niya akong iwanan ng walang dahilan. Pag-uwi ko sa bahay at may bitbit pa akong punpon ng bulaklak. Dumaan ako sa flowershop para bilhan siya nito.
Balak ko na rin na sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Na hindi ko lang siya gusto. Dahil mahal na mahal ko siya. Kahit noong mga panahon na bagong mag-asawa pa kami ay madali lang para sa amin ang maging malapit sa isa’t isa. Hinanap ko pa siya sa mansion namin at nakita ko ang sulat kamay niya.
“Magbabakasyon lamang ako at tatlong araw lang akong mawawala. Babalik naman ako, Don Brill.”
—Lorainne B.
Kahit sinabi niyang babalik naman siya pagkatapos ng tatlong araw ay hindi ako naging panatag. Dahil iba ang dating sa akin ng sulat niya. Nakaramdam pa ako ng kirot sa dibdib ko.
Ibinulsa ko ang sulat niya. Kahit bakasyon lang ay sa tingin niya ay hindi ako mag-alala sa biglaan niyang pag-alis ng hindi man lang siya nagpapaalam sa akin ng personal? Sa tingin niya ay hahayaan ko rin niya ng hindi ako kasama sa pag-alis niya?
Ayokong maging mahigpit sa kanya pero hindi ako makakapayag na umalis siya ng mag-isa.
Mabuti na lamang ay naisipan kong umuwi nang maaga para i-surpresa siya kaya may oras pa akong hanapin siya. Naisip ko si Lessa, ang dating nagsisilbi sa kanya. Pinuntahan ko ang dating mansion ng asawa ko.
“Dumaan nga kanina si Señorita Lorainne. Hala, akala namin ay nagpaalam siya ng personal kaya hinayaan na namin siya,” nag-aalalang saad niya.
“Sulat lang ang iniwan niya sa kuwarto namin at wala akong alam sa balak niyang bakasyon. Hindi ko rin naman siya papayagan kapag aalis siya ng mag-isa,” nababahalang saad ko.
“Nag-away ba kayo ng asawa mo, engineer?” tanong ni Norman.
“Hindi,” mabilis na sagot ko at sunod-sunod ang pag-iling ko. Nag-aaway lang kami kapag tungkol na sa trabaho ko. Iyong umuuwi ako ng malalim na gabi.
“Kilala ko si Señorita. Alam ko na may bumabagabag sa kanya. Mukhang may problema nga kayo pero hindi mo lang napapansin.”
“Ang napapansin ko lang ay ang pag-iwas niya sa akin—hindi naman literal na umiiwas talaga siya pero lumalayo ang loob niya sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko nga na nahuhulog siya sa malalim na pag-iisip. Naisip ko na baka dahil lang iyon sa inakala niyang buntis na siya. Na dinibdib lamang niya iyon,” problemadong sabi ko.
“Alam ko naman na makabubuo pa rin kayo. Huwag ninyong madaliin iyan.”
“Mabuti pa ay hanapin mo na lang si Señorita, Engineer. Bago pa man gumabi,” sabi naman sa akin ng asawa nito. Tumango lang ako.
“Huwag kang mag-alala, Lessa. Hahanapin ko ang asawa ko at hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakikita ngayon.”
“Pero subukan mo sa villa nila. Ang lugar lang iyan ang alam kong pupuntahan niya. Sana ligtas si Señorita.” Ibinigay niya nga sa akin ang address pero wala naman doon si Lorainne.
Hinanap ko na rin siya sa bahay ng kaibigan niya at wala ring kaalam-alam ang mga ito na umalis ang matalik niyang kaibigan.
Nanginginig na ang mga kamay ko at nilulukob na ako ng kaba sa dibdib ko.
“Where are you, Lorainne? Bakit umalis ka ng hindi ako kasama?”
Ilang beses kong hinampas ang manibela ko at nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko. Hinagod ng daliri ko ang buhok ko at bumuntong-hininga. Bigla ko na ring naisip ang probinsya kung saan pagkatapos ng kasal namin ay dinala ko siya roon.
BINABASA MO ANG
The Love Story of Don Brill (COMPLETED)
Romance(BRILLIANTES SEQUEL) "It hurts to lose a loved one, but I have to accept the fate that her life will end here." Date started: January 24, 2024 Date finished: February 21, 2024