Kabanata 2: Pagkikita
LORAINNE A. ANGELES’ POV
ILANG buntong-hininga na ang pinakawalan ko at masikip pa rin ang aking dibdib. May kung ano sa akin ang gustong umiyak. Ang umiyak sa lungkot at hinagpis. Sapagkat ngayong araw ay ililibing na ang mga magulang ko.
Masyado pang maaga para iwanan na lamang nila ako nang mag-isa. Pero ano nga ba ang magagawa ko kung ito na ang oras nila?
Kasalukuyang nasa ibang bansa sina mama at papa, dahil sa business trip ng aking ama at sinamahan lang naman siya ni mama. Ngunit nang pauwi na sila ay saka pa bumagsak ang sasakyang himpapawid. Plane crashed.
Excited pa naman akong makabalik sila dahil na rin sa huling pag-uusap naming tatlo. Halos hindi na nga ako makatulog pa sa kahihintay sa kanila pero ito lang pala ang mangyayari kinabukasan.
Ang malaman kong wala na ang pinakamamahal kong ina at ama. Masakit talaga ang paglisan nilang dalawa. Dahil hindi ko ito pinaghandaan. Ang akala ko nga ay matagal pa bago nila ako iiwanan.
Muli akong humugot nang malalim na hininga at napatingin sa paligid. Purong nakaitim na kasuotan ang mga taong dumalo sa paglibing ng mga magulang ko. Makikita sa mga mukha nila ang lungkot, awa at pakikiramay sa ’kin.
Sumasabay ang masamang panahon, madilim ang ulap at nagbabadya na ang malakas na ulan. Malamig ang simoy ng hangin at sinasayaw nito ang dahon ng mga punong kahoy.
Maririnig ko ang pag-iyak ng mga kasambahay namin na napamahal sa aming pamilya pero ako ay nanatiling blangko ang ekspresyon at hindi umiyak. Hindi ako nagpakita nang kahit na ano’ng lungkot at pighati. Kahit sa loob-loob ko ay sobra-sobra nang nadudurog ang puso ko.
Masakit nga ang mawala sila, dahil magigising ka na lang isang umaga ay hindi mo na masisilayan pa ang mga taong mahalaga sa ’yo at ang pinakamamahal mo. Ganito pala talaga ang pakiramdam nang mawalan ka ng minamahal sa buhay. Ngunit wala tayong magagawa kundi ang tanggapin ang kapalaran na ibinigay sa kanila. Na hanggang dito na lamang sila.
Hindi ako nakakibo nang makita ko ang unti-unting pagbaba ng puting kabaong. Punong-puno na ito ng mga bulaklak.
“Señorita Lorainne?” tawag sa akin ni Ate Lessa. Siya ang personal kong kasambahay, pero madali lang naman ang trabaho niya. Ang alagaan lang ako at bantayan. Naging kaibigan ko rin naman siya. Sampung taon ang agwat namin sa isa’t isa. “Ayos ka lang ba?” tanong niya.
“Hindi ka magiging maayos kapag ganito ang sitwasyon mo, Ate Lessa. Oo, matatanggap mo balang araw pero dadaan ka muna sa lungkot, hirap at pighati. Ngunit pasasaan ba’t makakaya mo pa rin harapin ang bukas na hindi mo na kapiling pa ang mga magulang mo. Ganito ang buhay natin, Ate. Punong-puno ng surpresa,” saad ko at napangiti nang mapait.
Mayaman ang pamilya namin. May mga lupain kami sa probinsya at isang shop naman ang pinagkaabalahan ko rito sa Manila. Pero nag-aaral pa naman ako at nasa third year college na. Mas pinili ko ang kurso na sa tingin ko ay magagamit ko sa isang bagay balang araw.
“Señorita?” muling tawag niya.
“Mauna ka nang umuwi, Ate Lessa.”
“Ngunit, señorita? Nagbabadya na po ang malakas na ulan. Saan pa kayo pupunta?” nag-aalalang tanong niya.
Binalingan ko siya at ngumiti nang tipid. “Tara na,” sambit ko at nakahinga siya nang maluwag. Dahil sasama na nga ako at hindi na ako magpapaiwan pa rito.
Hinanda niya agad ang payong namin at saka kami nagsimulang maglakad at ’saktong nasa tapat na kami ng sasakyan namin nang may isang lalaking lumapit sa aming direksyon. May hawak din siyang payong dahil nagsisimula na ngang umambon.
BINABASA MO ANG
The Love Story of Don Brill (COMPLETED)
Romance(BRILLIANTES SEQUEL) "It hurts to lose a loved one, but I have to accept the fate that her life will end here." Date started: January 24, 2024 Date finished: February 21, 2024