Kabanata 9: Kaarawan
LIMANG araw kami sa probinsyang iyon at marami na akong nakilala na mga kaibigan ng asawa ko. Mapabata man at matanda, babae at lalaki. Mababait naman sila pero nahihiya pa rin naman ako na makipagkuwentuhan sa kanila.
“Sana ay mabibiyaan kayo ng maraming supling, mga anak.” Napangiti ako sa sinabi ng ginang kahit na nag-iinit na naman ang magkabilang pisngi ko. Supling.
Napalingon pa ako kay Denbrill nang pisilin niya ang kamay ko at hinalikan na naman niya ito.
“Nag-aaral pa lamang po ang asawa ko pero malapit na rin naman po siyang magtapos sa kolehiyo. Siguro handa na rin po siya na maging ina ng magiging anak namin,” sabi niya at tinitigan niya ang mga mata ko.
“Bakit ilan ba ang gusto mo?” tanong ko para sakyan ang sinabi niya. He kissed my cheek.
“Kahit ilan basta kaya mo.” Nanindig ang balahibo ko sa katawan.
Wala akong nakita na hindi magandang katangian ni Denbrill. Dahil talagang mabuting asawa siya at nang makabalik na kami sa Manila ay mas naging malapit kami sa isa’t isa.
“Don Brill,” sambit ko sa pangalan niya at napahalakhak na naman siya. Sa tuwing naririnig niya iyon ay nilalapitan niya ako para lang halikan ang tuktok ng ulo ko at ibaon ang mukha niya sa aking leeg para lang tumawa. “Wala namang nakatatawa, eh,” sabi ko at kinurot ko ang tagiliran niya.
Umupo na siya sa tabi ko at hinalikan ang likod ng aking kamay. “Malapit na ang birthday mo, tama?” Tumango ako. “May gusto ka bang gawin natin para sa araw na iyon, mahal ko?” tanong pa niya at napaisip naman ako.
“Hindi naman ako materialistic na tao, mahal ko. Ilabas mo na lamang ako na parang isa tayong magkasintahan.”
“Hmm, a date?” I nodded again. “Okay. Ayaw mo rin bang maghanda ng mga pagkain dito sa bahay natin?”
“Gagawin natin pero siguro ang mga kasambahay lamang natin ang kakain dito,” suhestiyon ko pa at hinalik-halikan pa niya ang pisngi ko.
August 9, iyan ang araw ng kapanganakan ko at siya naman ay September 5.
Hatid-sundo niya nga ako sa unibersidad namin at palagi niya akong hinahabilin sa kaibigan kong si Eddie na ingatan daw ako.
“Lorainne, kumusta naman ang buhay mo na ngayon ay may asawa ka na?” tanong sa akin ni Eddie.
Katatapos lang ng klase namin sa umaga at naisipan namin ang tumambay sa rooftop dahil presko ang hangin dito. Makakapagpahinga kami nang maayos at tahimik ang paligid.
“Maayos naman.”
“Hindi ka ba nahihirapan? Kumusta si Engineer Brilliantes? Mabuting asawa naman siguro siya, ano?” tanong niya at nasa boses niya ang interes.
“Isang buwan pa naman kaming mag-asawa ngunit masasabi ko na wala namang problema sa kanya. Ang ibig kong sabihin ay mabuting tao nga ang asawa ko, Eddie,” paliwanag ko. Ayon naman sa nakikita kong ugali niya.
“Mabuti naman. Ako, pinagkasundo na rin ako ni Papa sa ibang babae!” isterikong sigaw niya na tinawanan ko.
“Mabuti ’yan,” komento ko.
“Saan ang mabuti roon? Eh, hindi ko rin naman kilala ang babaeng ’yon,” reklamo niya. Wala kaming pinagkaiba ni Eddie pero kailangan niya rin naman na pakisamahan nang maayos ang babaeng pinili sa kanya ng papa niya.
“Kahit kami ni Denbrill ay ganoon din naman. Eddie, marami naman kayong oras upang kilalanin ang isa’t isa. Gawin mo iyon at huwag mo siyang masyadong pahirapan.”
BINABASA MO ANG
The Love Story of Don Brill (COMPLETED)
Romance(BRILLIANTES SEQUEL) "It hurts to lose a loved one, but I have to accept the fate that her life will end here." Date started: January 24, 2024 Date finished: February 21, 2024