Chapter 3

2.9K 43 5
                                    

CHAPTER THREE

HINDI namalayan ni Jenny ang paglipas ng mga oras sa dami ng ginagawa. Mabuti na lang at marunong siyang gumamit ng washing machine. Itinuro iyon sa kanya ng lola niya noong siya'y nasa Amerika.
"Pasado alas-singko na, Jenny. Magluto ka na at baka umuwi na si Sir Anthony. Iwan mo na sa akin iyang mga halamang ipapasok," sabi ni Andoy.
"Para namang hindi mo kilala si Anthony, Andoy. Lagi nang sa labas kumakain iyon," katwiran niya.
"Oo nga. Pero pag walang date at appointment ay dito kumakain si Sir Anthony. At dito man siya kumakain o hindi ay lagi nang may inihahandang pagkain ang Nana Inez," pilit nito. Kanina pa inoobserbahan ni Andoy si Jenny. Kaunting trabaho lamang ay matagal gawin at kung wariin nito'y hindi marunong magtrabaho ang dalaga.
"Sige na nga. Ano ba ang lulutuin ko?"
"Maraming laman ang ref. Bahala ka na," pagkasabi'y lumabas na ito.
Kompleto ang laman ng freezer. Oh dear! Ano ba ang alam niya sa pagluluto? Buong buhay niya'y dumudulog na lamang siya sa mesa. Hindi na bale ang paglilinis. Simpleng common sense lang iyon.
Bahala na.
Alas-siyete ng gabi at katatapos pa lang niyang maligo nang marinig ang pagpasok ng sasakyan ni Anthony sa garahe. Kinabahan siya. Kanina pa niya ipinanalangin na sana'y may appointment ito sa labas. Subalit mukhang hindi narinig ang panalangin niya.
Lumabas siya ng silid upang salubungin ang amo. Inilapag ng binata ang attaché case sa center table at niluwagan ang necktie. Mukhang pagod ito. Marahil ay pinangatawanan na nito ang trabaho sa kumpanya ng mga Avila.
"Good evening, Sir," bati niya rito na sinagot ng binata ng tango. "Gusto ninyo ng kape?" Nagsalubong ang mga kilay ni Anthony. Ngumiti siya. "Hindi na ho kapareho kanina, Sir."
Don't smile at me like that! gustong sabihin ng binata. Iniwas ang tingin at tinungo ang bar. Nagsalin ng alak.
"I'll have a shot bago maghapunan." Muli siyang sinulyapan at hinagod ng tingin.
Checkered na pink and white ang suot na uniporme ni Jenny. Nakahapit iyon sa katawan ng dalaga. Not voluptous but she has the curves in all the right places. Plus a perfect behind.
Uso na ba ang seksing housemaid ngayon? anito sa sarili. At kailan pa naging seductive ang dating ng uniform ng maid?
Shut up, Anthony! Pati maid ay pinag-uukulan mo ngpansin, saway nito sa sarili at mabilis na inubos ang laman ng kopita.
Tumalikod si Jenny papasok ng dining room. Gusto niyang matunaw sa tinging ipinukol ni Anthony sa kanya. Ganoon ba talaga tumingin ang lalaking iyon? Why he could melt her knees with those eyes!
"Ano ang hapunan?" tanong ni Anthony na sumunod. Inalisan ng takip ang mga serving bowls. "Ano ito? At ito?"
"Canape, Sir. Vegetable salad and cheese ensalada," nakangiti niyang sagot. Mahusay siyang gumawa ng cheese ensalada. Natutuhan niya iyon sa Mexico noong naroon siya. Wala marahil maipipintas ang binata roon.
"Alam kong canapes ito at alam kong salad ito!" tumaas na ang tono ni Anthony. Maghapon siya sa meeting na puro kape ang laman ng tiyan niya. "Nasaan ang main course? Ano ang ulam? These are all appetizers!"
"May garlic bread. Inilagay ko sa oven para tostado pagdating ninyo. Kukunin ko." Bahagya siyang ninerbiyos sa tono ng binata. Akma siyang tatalikod nang hawakan ni Anthony ang braso niya.
"Garlic bread! You are serving me an American meal! Heaven's sake, hindi ako Amerikano. Sa gutom ko, kakain ako kahit na isang buong lechon! "
Hinila niya ang brasong hawaknito. Tumalim ang mga mata. "Why can't I please you? Pagkain iyan, ah," angil niya rin na nakalimot sa sarili sa kabiglaanan.
"Jenny!" hindi makapaniwalang bulalas ni Anthony. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang sinisigawan mo?"
Hindi nakasagot ang dalaga. Bahagyang napaatras.
Hindi malaman ni Anthony kung patuloy na magagalit o matatawa. Pinagtaasan ito ng bosesng isang katulong sa unang pagkakataon sa buhay ng binata.
"Andoy!" malakas nitong sigaw. Agad na pumasok ang tinawag. Dumukot ng pera sa pitaka nito si Anthony at ibinigay sa lalaki. "Gamitin mo ang kotse at bumili ka ng pagkain sa labas. At dalian mo!" sigaw nito. Kay Andoy ibinunton ang iritasyon.
"Yes, Sir." Sinulyapan ni Andoy si Jenny bago lumabas na parang sinasabing, "Nakita mo na?" Lakas-loob na sinalubong ng dalaga ang tingin ni Anthony nang muli siyang tingnan nito. Nakatiim ang mga bagang ng binata.
"Sorry, Sir..."mahinang wika niya. "Pero sinabi ko na nga sa inyo kanina na..."
Pinutol ni Anthony ang sasabihin niya. Itinaas sa ere ang dalawang kamay. "I know... I know. Hindi ka cook, housegirl ang inaplayan mo rito. Heaven's sake!" Naiiritang tumalikod ito at tinungo ang hagdan.
Magsha-shower na muna si Anthony habang hinihintay si Andoy. Sinulyapan muli ang dalaga na akmang liligpitin ang mga nasa mesa. Nahinto ito sa pagpanhik. "Leave it! That will serve its purpose pagdating ni Andoy. "
Sinundan ng dalaga ng tingin si Anthony hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Bukas talaga ay pag-aaralan na niyang magluto. Siguro naman ay may cookbook na naitatabi si Nana Inez. Hindi pa man siya nakakakilos sa kinatatayuan niya nang marinig niya ang sigaw ni Anthony.
"Jenny!"
Humakbang siya patungo sa hagdan at tumiugala. Nasa bukana si Anthony. Hindi niya maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. What is it this time?
"Sir?"
"Pumanhik ka dito at bilisan mo! " Tila bulkang gustong sumabog ng dibdib nito. Kinakabahang sumunod ang dalaga. Ano na naman ba?
Hindi pa man siya nakakaabot sa huling baitang ay mahigpit nang hinawakan ng binata ang braso niya at halos hilahin siya nito papasok sa silid.
"Ano ang ibig sabihin nito?" pagalit na tanong ni Anthony na itinuro ang silid. Humigpit pang lalo ang hawak sa braso niya na gusto na niyang umaray.
Napahugot ng malalim na paghinga ang dalaga. Nakalimutan niyang totoo ang silid nito!
"And I thought you said you are a housegirl!" Bago pa siya nakakilos ay hinila siya nito papasok sa loob ng banyo. "At iyan! Paano mo ipaliliwanag sa akin iyan?" Hindi malaman ng dalaga kung ano ang una niyang naramdaman. Ang sakit ng pagkakahawak nito sa braso niya o ang init ng galit na inilalabas ng katawan ng binata.
Sa close confinement na iyon ng banyo ay nakadikit ang likod niya sa dibdib nito. Nararamdaman niya ang hininga nito sa batok niya at gustong manayo ng balahibo niya. Ang mga kamay nitong tila bakal sa braso niya ay masakit pero may iba siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag.
Lumingon siya upang mangatwiran at humingi ng dispensa. At dahil nga nasa likod lang niya ito ay halos magyakap sila nang humarap siya. At pagtingala niya ay halos magpang-abot ang mukha nila ng binata na yumuko rin.
"Ano ang masasab... " si Anthony na nahinto in mid-sentence. Napatitig sa kanya. Their lips almost touching but not kissing. Kung gaano sila katagal sa ganoong ayos ay walang nakakaalam. Pareho silang tila itinulos sa pagkakatayo.
"Damn!" ani Anthony nang makabawi. Ito ang unang umatras na tila napaso. Bumitaw sa pagkakahawak sa braso niya at lumabas ng banyo.
Mabigat ang mga paang lumabas ng banyo si Jenny. Wala na roon ang binata. Nilingon niya ang banyo. What happened way back there minutes ago?
Si Anthony ay nasa tabi ng swimming pool at naninigarilyo. Hindi malaman kung magagalit o mapapahiya sa sarili. He really had an erection! Hindi niya mapaniwalaan iyon. At sa isang magandang maid, ha!
That little witch in his room must be a dynamite to have done that to him. Isipin mo, from anger to arousal. And just by being close. Abot-abot ang pagpipigil niya sa sarili na huwag itong hagkan at yakapin.
He could smell her scent. Roses and sunshine. He tasted her breath. At nagdulot iyon ng bolta- boltaheng kuryente sa katawan niya.
Pagkatapos ay naisip si Andoy. Kung nagagawa sa kanya ni Jenny ang ganoong damdamin paano pa ang isang ka-level nito? Gusto niyang magalit. Napatuon ang pansin niya sa papasok na kotse. Sinalubong niya ito at tinawag ang katulong.
"Nililigawan mo ba si Jenny?" bungad niya.
"Ho?" sagot ngnabiglang si Andoy.
"Tinatanong kita kung nililigawan mo siya?" mataas na ang tono ng boses niya.
Nalilitong umiling ang katulong. "Naku, hindi ho, Sir Anthony. Ubod ho ng taray iyang si Jenny. Talo pa nga niyan si Ma'am Wilna kung magtaray, eh."
Nakahinga ng maluwag si Anthony.
"Bakit ho, Sir?"
"Wala. Sige, dalhin mo na sa loob iyang pagkain at ikaw na ang maghanda." Pagkatapos ay muling bumalik sa pool. Ano ang nangyayari sa kanya at pati si Andoy ay sinita niya? Eh, ano kung ligawan nito ang housemaid niya? Binata si Andoy at normal langna magligawan ang parehong katulong.
Nagkagulo na ang emosyon niya. Pagalit na inihagis sa lupa ang sigarilyo at pumasok sa loob.
Kinabukasan ng hapon ay maagang umuwi si Anthony pero maykasama ito.
"Jenny, pakidalhan mo kaming juice sa swim­ming pool," utos ni Anthony sa kanya. Inakbayan ang babae patungo sa guestroom
Isang tango ang isinagot ng dalaga na sinulyapan ang babaeng kasama nito. Tall and pretty. Very alluring. Another of his women? Tiyak iyon. Mabigat ang dibdib na ginawa niya ang iniuutos ng binata.
Habang nagtitimpla siya ng juice ay nakita niyang lumabas ng guestroom ang mga ito. Naka-bikini na ang babae at si Anthony naman ay naka-swimming trunks.
Kung puwede lang na kay Andoy niya iutos ang paglalabas ng juice. Naiinis siya. Get hold of your­self, Jennifer, aniya sa sarili. Wala kang karapatan sa damdaming iyan.
Nasa pool ang dalawa na tila mga sawang nagpupuluputan nang lumabas siya. Iniwas niya ang mga mata sa mga ito at tahimik na inilapag ang juice sa bilog na mesa. Akma na siyang papasok sa loob nang tawagin siya ng babae.
"Hey, you! What's your name?"
Napahinto siya at paghakbang ay nilingon ito. Ilang segundo ang pinalipas niya bago pormal na sumagot na nakataas ang noo. "Jenny."
Kumawala mula kay Anthony ang babae at lumapit sa tagiliran ng pool. "Ngayon lang kita nakita dito." Hinagod siya nito ng tingin.
"Ngayon din lang kita nakita dito," aniya sa pormalna tinig.
Nanlaki ang mga mata ng babae. Nilingon si Anthony. "Did you hear that, Anthony? You have a very arrogant maid here. Walang galang kung sumagot. I can't believe it!" Muling ibinalik kay Jenny ang tingin.
Nililipad ng hangin ang buhok niyang nalimutan niyang ipusod kanina dahil basa pa. Kumikislap ito na tinatamaan ng araw. Like a raven's wing. Nagsalubong ang mga kilay ng babae. "Hindi mo ba ako nakikilala?"
Hindi nagbago ang ekspresyon ng dalaga. "Yvette Andrada. Calendar Girl," aniya. Nahuli niya ang pagtaas ng mga kilay ni Anthony at ang amuse­ment sa mga labi nito. "Kung wala na kayong kailangan, Sir Anthony, may gagawinpa ako sa loob."
"Sige na, Jenny," sagot ng binata. Iyon lang ang hinihintay ng dalaga at mabilis na tumalikod.
"Hinayaan mong ganoon ang gawin niya sa akin?" ani Yvette sa binata.
"C 'mon, Yvette. Pati ba naman ang maid ko ay pinag-iinitan mo?"
"Pero nakita mo naman at narinig, 'di ba?"
"Wala naman siyang sinabing masama. Sinagot niya ang tanong mo. And aren't you flattered she recognized you?"
"Not at all. Nang sabihin niya ang pangalan ko ay tila napakapait nito sa dila niya. Why I haven't met a hired help like that. " Sinundan nito ng tingin ang dinaanan ni Jenny.
"Or maybe because you've found my maid very pretty kaya pinagkaabalahan mo siyang tawagin?" amuse na tanong ni Anthony.
Ikinawit ng dalaga ang mga braso sa leeg ng binata at malambing na sumagot. "I am a very jeal­ous woman, Anthony. Alam mo naman iyon. And I have to admit that she's somewhat attractive. Nasaan ba si Seling?"
Nagkibit ng balikat ang binata. "Pinauwi na ng ama. Bakit ba ang mga katulong ang pinag-uusapan natin?" Hinawakan nito sa ulo ang babae at inilubog sa tubig. Pagkatapos ay sumisid. Parang mga isdang naghabulan ang dalawa sa ilalim ng malaking swim­ming pool.
Nakitang lahat ni Jenny iyon na nasa balkonahe sa itaas. Mabigat ang dibdib niya. Nagseselos ba siya? Nakatitig pa rin siya sa mga ito nang lumutang ang dalawa at maghalikan. Gusto niyang umatras papasok sa loob ng silid pero parang ipinako ang mga paa niya sa pagkakatayo.
Mariing hinagkan ng binata si Yvette. Pero sa pakiramdam nito'y may nagmamasid sa kanila.
Nagmulat ng mga mata. Naroon si Jenny sa balkonahe sa dating silid ni Angelo. Kung bakit biglang inihinto niya ang paghalik kay Yvette at walang kibong lumubog sa tubig. Sumunod ang babae na hindi napuna ang ginawa ng binata.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jenny bago umalis sa kinaroroonan. Wala sa loob na nagpupunas siya ng alikabok nang marinig ang pagpasok ng isang sasakyan sa garahe. Sinilip niya ito sa bintana. Si Wilna!
Ngumiti siya at mabilis na bumaba upang salubungin ito.
"Hello, Jenny," nakangiting bati ni Wilna sa kanya.
"Hi. Kumusta ka na? Si Nana Inez?" Sinulyapan niya ang bahagyang namumukol nitong tiyan.
"Okay lang kaming lahat. Gusto ngang malaman ni Nana Inez kung hindi ka nahirapan sa mga trabaho dito." Naupo ito sa sofa.
Natawa ang dalaga. Alam niya ang ibig sabihin ng matanda. "Tell her I'm doing fine, Wilna. Wala siyang dapat ipag-alala."
Nagsalubong ang mga kilay ni Wilna sa sagot niya. Nag-isip ng malalim. She has never in her life meet a maid na kaswal at deretsong mag-English na parang bale-wala. Magtatanong sana ito nang sumungaw sa pinto sina Anthony at Yvette. Ang babae in her scanty bikini at si Anthony in brieftrunks.
"Hello, Wilna. Kasama mo ba si Angelo?"
"Ako lang, Anthony. Dadaanan ako ng asawa ko mamayang seven. Nag-shopping kasi ako ng mga gamit ng baby. " Sinulyapan nito ang babae.
"My sister-in-law, Yvette. Wilna, si Yvette." Tumango lang si Wilna. Ngumiti sa kanya ang babae na nakapulupot ang braso kay Anthony.
"So this is your twin's wife. They just married recently, 'di ba, darling?" Tumingala ito kay Anthony flashing a provocative smile. "Ano kaya ang hitsura ko, darling, kung ipagbubuntis ko ang anak mo?"
Isang ngiti lang ang isinagot ni Anthony na hindi maintindihan kung bakit napasulyap kay Jenny sa pagkakataong iyon. Walang ekspresyon sa mukha ng dalaga.
Nilingon ni Wilna si Jenny. "Dito nga pala kami maghahapunan, Jen. Tulungan mo akong mag-prepare ng lulutuin. Nagbilin si Angelo ng patatim" "Thank you, sis. I will have a decent supper after all," sagot ng binata na amuse na sinulyapan si Jenny na umiwas ng tingin.
"Bakit darling? Hindi ba marunong magluto ang maid mo?" si Yvette sabay tingin ng matalim kay Jenny.
"Oh, she's a housegirl, not a cook."
Kung nanunuya ang binata o nanunukso ay hindi matiyak ni Jenny.
"That's ridiculous! May katulong bang namimili ng trabaho? At kung ganyang hindi ka makakakain ng disenteng pagkain bakit hindi na lang tayo mag-trade ng helper. You can have our maid. Masipag nang magtrabaho ay mahusay pang cook," suhestiyon nito.
Napanganga si Jenny na hindi makapaniwala sa narinig. Mabilis siyang tumalikod upang bumalik sa kusina nang tawagin siya ni Yvette.
"Hey, you! Huwag ka munang tumalikod."
Napahinto si Jenny.
Muling tumingala kay Anthony si Yvette. "O, ano, payag ka ba?"
Bago pa nakasagot si Anthony ay nagsalita na ang dalaga. "Salamat sa magandang alok, Miss Andrada," nanunuya ang tinig niya na binigyang-diin ang "magandang alok."
"Pero hindi si Sir Anthony ang magpapasiya ng sinasabi mo, kundi ako. At ayoko sa iyo." Pagkasabi noo'y binilisan ang hakbang papasok sa kusina.
Napatanga si Yvette na napahiya. Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita. "Katulong ba iyon, Anthony? Saang ahensiya galing ang babaeng iyon? Bakit ganoon kaarogante kung sumagot?" Naghihinalang tinitigan nito si Anthony. "May dapat ba siyang ipagmalaki, ha?"
"Oh, c'mon, Yvette, sinagot ka lang noong tao. Siya nga naman ang may katawan."
"Anthony, hiniya niya ako. Sa pool at dito. And I cannot believe you tolerated her! Katulong lang siya!" angil ng dalaga.
"All right, pagsasabihan ko siya mamaya." Bumuntong-hininga ang binata.
"Do it now, Anthony. Hiniya niya ako sa harap mo. Pagsabihan mo siya sa harap ko. Ngayon!"

Be Still, My Heart - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now