Chapter 4

2.7K 39 2
                                    

CHAPTER FOUR

NAGKATITIGAN sina Anthony at Wilna. Tila humihinging opinyon sa hipag ang binata. Kung bakit kailangang gawin nito iyon ay hindi maiintindihan ni Anthony.
Blangko ang ekspresyon ni Wilna.
"Wait here," sa bandang huli'y sinabi nito. Pagkatapos ay sinundan si Jenny. Naglalabas ang dalaga ng maaaring lutuin sa ref.
"Jenny..."
"Sir?" Tumuwid sa pagkakayuko ang dalaga. "Lumabas ka roon at humingi ka ng dispensa kay Yvette," utos nito.
"Bakit ko gagawin iyon?"
"Alam mo kung bakit. Tama siya. Hindi ka kumikilos sa harap niya na katulong sa bahay na ito. Oh, well, sa amin ni Angelo at Nana Inez ay be­haved ka. And Wilna seemed to be so friendly with you. Pero hindi ka dapat nagpapakita ng kagaspangan sa harap ni Yvette," sermon ng binata na tila siya batang musmos.
"Sinasagot ko lamang siya sa paraang kung paano siya nakikipag-usap sa akin," katwiran niya.
"Bisita ko siya, Jenny. Huwag na nating pahabain ang usapang ito. Lumabas ka roon at humingi ng dispensa."
"Ayoko," matigas na sagot ng dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Anthony. "Inuutusan kitang humingi ng dispensa kay Yvette!" matigas nitong sinabi.
"Kung hindi ko gawin...?"
'You will find your self without a job dahil ako na ang hinahamon mo."
"Wala akong pa..." pakialam kahit mawalan ako ng trabaho! ang gusto niyang isagot but stopped herself. Hindi niya gustong umalis sa bahay na ito. Hindi sa anupamang dahilan. Hindi niya gustong mawalay sa paningin niya si Anthony.
Kahit ba nangangahulugan ito ng pagpapakumbaba niya sa ibang tao? Minsan man ay hindi niya nagawa iyon. Imagine Jennifer Alonzo humbling herself to a very disgusting woman!
"Now, Jenny."
Walang kibong nagpatiuna siyang lumakad kasunod ang binata. Huminto siya sa harap ni Yvette at tumingin dito nang deretso.
"Humihingi ako ng paumanhin," aniya sa pinakamalamig na tono.
Napataas ang mga kilay ni Yvette. "You don't even look and sound like it! Surely you can do better than that."
Tumayo si Wilna. "I wonder why we have to make an issue out of this nonesense." Hinawakan sa braso si Jenny at hinila pabalik sa kusina. "Come, Jen, umpisahan na nating ihanda ang mga lulutuin."
Taas ang noo na sumunod ang dalaga. Bahagyang nilingon ang dalawa sa pagpupuyos ng loob ni Yvette. Ikiniling niyang bahagya ang ulo niya and smiled sweetly to Anthony.
Hindi malaman ni Anthony kung maiirita o matatawa sa dalaga. The little thing is something. Hindi niya malaman kung saan kumuha ng ganoong attitude si Jenny. Kung mayabang lang sana at abusadong katulong ito. Pero hindi nga ganoon. The witch is acting naturally na parang kasama sa karakter nito iyon. Napagmasdan niya ang pagtataas nito ng ulo, ang mga tingin, ang pagkilos. Lord, the woman has finesse!
"Huwag mong pansinin ang bisita ni Anthony. May palagay akong nai-insecured lang iyon," si Wilna nang nasa kusina na sila.
"At bakit?" patay-malisyang tanong.
"Mas maganda at bata ka kaysa sa kanya at dadalawa lang kayo ni Anthony. At alam nitong pilyo sa chicks ang bayaw ko. "
"Huwag mong sabihin sa aking pinapatulan ni Sir Anthony ang mga maid niya?" natatawang biro niya.
Hindi sumagot si Wilna, tinitigan siya nang husto. "Sino ka ba talaga, Jen? Kahit na ano ang sabihin at gawin mo ay hindi ka mukhang katulong. You are so poised and speak well"
Napahinto sa ginagawa niya ang dalaga. Wilna is such a friend. Hindi ito nag-alinlangang kaibiganin siya kahit na katulong ang pagkakakilala nito sa kanya. Hindi niya gustong magsinungaling dito.
Nang hindi siya agad sumagot ay nagpatuloy ito. "Marami na rin naman akong nakatagpong katulong na may hitsura pero iba ka. You have a very cul­tured voice. Totoong naka-maid's uniform ka pero hindi itinatago niyan ang paraan mo ng pagkilos. At isa pa, bakit ganoon na lang lagi ang pag-aalala ni Nana Inez sa iyo?"
"Ganoon ba ang dating ko?" pangiti niyang sinabi. Hindi pa rin mapagpasiyahan kung magsasabi ng totoo.
"I can keep a secret, Jenny," patuloy ni Wilna. Naupo siya sa mesa. Eh, ano kung malaman ni Wilna ang totoo? Siguro naman pabor sa kanya iyon. Hindi na siya magkukunwari dito. Talaga bang ipinagkakanulo siya ng sarili? Huminga siya ng malalim at nagsimulang magkuwento.
"I can't believe it! At nagawa mong pumasok na katulong?"
"Ewan ko ba. Noong unang araw na nandito ako ay tinanong ko si Andoy kung nasaan si Nana Inez. Nasa Tagaytay daw ang sagot nito. Aalis na sana talaga ako at babalik na lang sa hotel pero nasulyapan ko sa pool si Anthony."
Natawa si Wilna. "The usual thing. You were drawn by his magnetic charm just like all the girls." Natawa na rin siya. "So I grabbed the wanted housemaid' sign at muling nag-doorbell. And I can­not back out dahil si Anthony mismo ang unang kumausap sa akin."
"And how are you coping with Anthony bilang housemaid?" natatawa pa ring tanong ni Wilna.
Ikinuwento ng dalaga ang pangyayaring nagluto siya ng almusal nito at ang pagkalimot niya sa pagliligpit ng kuwarto ng binata. Missing the bath­room scene.
"Was he angry?" amused na wika ni Wilna.
"Angry? Para mo na ring tinanong kung marunong maglaro ng basketball si Robert Jaworski." Pagkatapos ay seryosong tinitigan si Wilna. "I really like you, Wil. You've been treating me like a real friend kaya sinabi ko sa iyo ito. At least, sa iyo ay hindi ko kailangang magkunwari at kay Nana Inez."
"Your secret is safe with us, kahit kay Angelo."
"Alam mo bang bilib ako sa iyo? Hindi ko kayang gawin ang ginagawa mo. You're so nice and sweet. I do not treat my maids tulad ng trato mo sa akin."
"Mahirap lang ako, Jenny. Palaki ng tiyahin."
Mayaman ka na ngayon bilang asawa ni Angelo Avila. But you haven't changed a bit. Still as sweet as ever. I can never be like you. Sa bahay at sa opisina, I dominated everybody. Isang salita ko lang ay nagmamadali nang sumunod ang mga tauhan ko. Samantalang ikaw ay napaka-submissive. And Angelo is so bossy, seryoso at pormal"
"The exact opposite of Anthony na happy-go­ing. Despite the macho image ay boyish with his charming smile. Beware, Jenny. Anthony's smile is very lethal," birong-totoo ang sinabi nito.
"Hindi siya papatol sa katulong niya..."
"Kunsabagay. Iyon ang pinaka-kalasag mo sa charm nito. But who knows? Kung sa akin nga ay hindi mo naitago ang sarili mo, kay Anthony pa? Maliban pa sa aminin mo man o hindi, hindi ka mukhang maid. With a pretty face like yours, a flaw­less skin and a nice pair of legs, bulag lang ang hindi makakapuna kung hindi pa nga napapansin ni An­thony iyan."
Nagkibit siya ng balikat. Napupuna nga kaya ng binata iyon? Paano niya ipaliliwanag sa sarili ang nangyari sa banyo? Bagaman walang nangyari ay may nararamdaman siyang tensiyon. Nararamdaman niyang gusto siyang hagkan ng binata sa mga sandaling iyon and fought very hard not to.
"Paano nga pala ang ginagawa mo sa mabibigat na labahin tulad ng mga bed covers and bed sheets? Ang pamamalantsa ng mga iyon?" si Wilna uli.
"Ipinadadala ko sa laundry tuwing day-off si Andoy at pinagbilinan ko ang laundry na ipa-deliver uli sa ganoon ding araw."
"Oh, dear! Why do you have to do this? Pinahihirapan mo ang sarili mo. Resign from this job and come with us to Tagaytay bilang guest. We love to have you there for as long as you want," alok ni Wilna.
"Thank you, Wil. But I enjoyed what I am doing. Pag-uwi ko sa amin, I will be more con­siderate sa mga nagtatrabaho sa akin."
Gustong itanong ni Wilna na iyon nga lang ba talaga ang dahilan pero minabuting hindi na. "Bukas ang bahay naming mag-asawa pag nagbago ka ng isip, Jen."
"I'll keep that in mind."
Sabay na napalingon sa labas ang dalawa nang marinig ang kotse ni Anthony na lumalabas ng gate. Pagkatapos ay ang pagsasara ni Andoy ng gate.
"Baka inihatid si Yvette," ani Wilna. "Nasulyapan ko kaninanglumabas sa guestroom nabihis na. Poor Yvette. Here today and gone tomorrow. Another of Anthony's collection." Hindi nito napuna ang ekspresyon sa mukha ni Jenny dahil tumayo na. "Ilagay nating lahat ang mga karneng ito sa slow cooker. Pag lumambot na, saka natin ilagay ang mga rekado. Pagkatapos ay tayo naman ang umokupa ng swimming pool. "
"Naku, ikaw na lang at baka agad ding bumalik si Anthony," tanggi niya bagaman naroon ang ex­citement na makapag-swimming. Matagal na niyang hindi nagagawa iyon.
"Naku, hindi. Magtatagal iyon sa bahay ni Yvette. Halika na. May mga gamit pa ako sa itaas, 'di ba? Sadyang iniwan ko ang mga iyon para nga pag narito kami ni Angelo ay hindi na kailangang magbitbit pa mula Tagaytay."
Napilitan siyang sumunod dito papanhik sa dating silid ni Angelo. Binuksan ang drawer at kumuha roon ng dalawang swimsuits. Inihagis nito sa kanya ang kulay puting bikini.
"Bagay sa iyo iyan. Ma-emphasize niyan ang morena mong balat. I'll take this one piece. Medyo halata na ang tiyan ko, eh."
"Princess Diana did wear a bikini kahit malaki na ang tiyan nito," ani Jenny na hinubad ang maid's uniform
"Si Diana iyon." Naghubad na rin ito ng damit at isinuot ang bathing suit. Pagkatapos ay sinulyapan si Jenny. "You're gorgeous!"
"Wala akong sinabi kompara kay Yvette," sagot niya na sinipat ang sarili sa salamin. She likes what she saw and smiled.
"She is voluptuous, if you like the type. Outrageously flaunting her big boobs. While you're very sexy and seductive without trying," sinserong puri nito.
"Why thank you! " natatawang sagot ni Jenny.
"Halika na nga."Nagpatiunang bumaba si Wilna.
Tuwang-tuwa sa pagsu-swimming ang dalawa. Inutusan ni Wilna si Andoy na dalhan sila ng juice and cake slice. Si Wilna ay hindi gaanong nagpagod at umahon din kaagad habang pabalik-balik siya sa paglalangoy.
"I really missed this, Wilna. Ilang buwan ding hindi ako nakakapag-swimming." Umahon siya at naupo sa silyang bakal. Uminom ng juice at sinimulang kainin ang cake sa platito.
"Samantalahin mo habang hindi pa dumarating ang Sir Andiony mo," biro ni Wilna. Subalit hindi pa nito halos natapos ang sasabihin ay narinig na nila ang busina ng kotse.
"Si Anthony!" si Jenny na kinabahan. Ibinaba ang tinidor sa platito.
"Too late para umiwas. Ako ang bahalang magpaliwanag."
Natanaw ni Anthony ang dalawa pagpasok ng kotse nito sa garahe. Lumabas ito ng kotse at lumakad patungo sa pool.
"You're still sexy, sis, kahit halata na ang tiyan mo," ani Anthony sa brotherly tone. Pagkatapos ay napasulyap kay Jenny na on instinct ay napatayo paglapit ng binata.
"Ako ang nagyakag kay Jenny na mag-swim­ming, Anthony. Wala kasi akong kasama. Baka magka-cramps ako," paliwanag ni Wilna.
Si Anthony ay hindi hinihiwalayan ng tingin ang dalaga. Hinagod ang kabuuan. Is this his maid?
Unconsciously, pinahid ng dila ni Jenny ang bahid ng icing na nasa mga labi niya. Pinigil ni Anthony ang mapalunok.
Let my lips do that, gusto nitong sabihin.
Mabilis ang reaksiyon ng katawan nito. At maiksi at manipis na shorts lang ang suot ng binata dahil hindi naman nito kailangang bumaba sa paghahatid kay Yvette.
Mabilis itong tumalikod upang hindi mahalata ng dalawang babae ang reaksiyon ng katawan. Galit ang napiling solusyon.
"I don't allow my household help to have this kind of luxury sa oras ng trabaho! "
"C'mon, Anthony. Minsan lang naman ito at ako ang may kasalanan," si Wilna uli.
"Hindi ako snob, Wilna, alam mo iyan. It is just that I want people to know where they stand." Pagalit niyang sinulyapan ang dalaga na marahang humakbang patungo sa tuwalya. "Ano na lang ang sa sabihin ni Andoy sa ganitong prebilihiyo."
"Sorry, Sir Anthony," ang nasabini Jenny na kung hindi napigil ang sarili ay baka sumagot at nagalit din. This man is helping her develop self-control.
Lord, she doesn't even sound like she's really sorry! She's so sexy and proud tilting her head. Water dripping all over her body. He had the longing to dry it with his lip s.
Saang bahaging lupa nanggaling ang maid niyang ito? At bakit naapektuhan siya ng babaeng ito gayung hindi naman ito ang unang pagkakataong nakakita siya ng maganda at naka-bikining babae. He had a handful for the taking. Kanina lang ay narito sila ni Yvette na halos ang motibo na angkinin niya sa pool ay very obvious. Pero wala siyang maramdaman tulad ng ipinararamdam ng babaeng ito.
Mabilis siyang humakbang papasok ng kabahayan.
"I'm sorry," ani Wilna kay Jenny.
"Don't be," mahinang sagot niya na nagkibit ng balikat. "So this is how it feels to be a paid servant. Anyway, hindi siya kay Jennifer Alonzo nagagalit. Kay Jenny, ang housemaid."
"Loka, ikaw din iyon. Halika na nga sa loob."

Be Still, My Heart - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now