CHAPTER TWO
ITO ang unang araw ni Jenny sa bahay ng mga Avila na wala si Nana Inez. Nasa Tagaytay ito sa pakiusap na rin ni Angelo dahil nasa ikatlong buwan na ang tiyan ng asawang si Wilna.
Natatawa at naiintriga siya sa nangyari sa buhay ng magkapatid na Avila.
Ang kasintahan ni Anthony na si Wilna ay sa kapatid nitong si Angelo napakasal. At sa tingin niya ay hindi naman dinamdam ni Anthony ang pangyayari. Siguro nga, dahil nakikita nito kung papaano magtitigan sina Angelo at Wilna. Their hearts in their eyes. Parehong matindi ang pag-ibig sa isa't isa.
In one way or another, nag-i-enjoy siya sa pananatili niya sa bahay ng mga Avila. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa magkapatid. Parehong magandang lalaki. Si Angelo ang seryoso ang klase at tipong dominante. Si Anthony ay happy-go-lucky sa tingin niya. The greatest womanizer pero brusko. Type niya ito. And she's glad, real glad na hindi ito nagkatuluyan at si Wilna.
At ngayon nga'y kinakailangang ihanda niya ang almusal ni Anthony. Mayamaya lang ay bababa na ito para mag-almusal. Ano na nga ba iyong laging inihahain ni Nana Inez?
Natapos niyang ihanda ang mesa nang bumaba ang binata. "Ano ang breakfast?" wika nito habang nagtatali ng necktie. Pagkatapos ay hinila ang upuan at naupo.
Mabilis niyang dinampot ang percolator upang salinan ng kape ang tasa nito. Tulad ng ginagawa ni Nana Inez.
Si Anthony nama'y nakatitig sa mga brasong nakahawak sa percolator. Morena pero makinis ang balat ni Jenny at may pinong-pinong balahibong- pusa. Tila tinutukso ang binata na damhin iyon. Sadya at patay-malisya nitong idinikit ang sariling braso sa braso ng dalaga.
Bagaman banayad ay napapitlag si Jenny. Agad na iniatras ang kamay at sumala ang buhos ng kape mula sa percolator at natapunan ang kamay ng binata.
"Ouch!"
"Naku, sir, sorry ho!" Mabilis niyang ibinaba sa mesa ang percolator. "Hindi ko sinasadya," hindi niya malaman kung paano hihingi ng dispensa.
Mabilis ang ginawang pagtayo ni Anthony, tinungo ang lababo at pinatuluan ng malamig na tubig ang nabanliang kamay. Kahit napaso ay hindi nito maikakailang kagagawan nito ang nangyari. Bakit ba naman tila ito isang pilyong teenager sa edad nang iyon.
"Hindi ko sinasadya, Sir Anthony," si Jenny uli na inabutan ang binata ng malinis na pamunas. Bakit ba naman tila siya napaso sa pagkakadikit na iyon ng binata sa braso niya?
"It's all right. Ipaubaya mo na sa akin ang paglalagay ng kape sa tasa ko." Tinanggalan nito ng takip ang mga naroon sa mesa. "Ano ito?"
"Bacon and egg, Sir."
"Itlog? Piniritong itlog!'' Nagsasalubong ang mga kilay na tinusok-tusok nito ng tinidor ang puti na nagkulay brown dahil nasunog. At ang pula nama'y na-overcooked at humalo na sa puti.
"Pinirito nga, Sir Anthony. "
Binalingan ng binata ang bacon na bukod sa idinaan lang yata sa kawali ay naliligo pa sa mantika.
Napapikit na tinutop ni Anthony ang noo.
"H-hindi n'yo ba gusto ang almusal na ito?" painosenteng tanong ng dalaga.
"I don't think I'm hungry. Magkakape na lang ako." Tinimplahan ni Anthony ng asukal ang nasa tasa at hinigop. Agad ding muling ibinaba at nilingon siya. "Ikaw ang naglaga nitong kape?" paangil nitong tanong.
Tumango si Jenny.
"Are you sure you know what you have been doing? Ang itlog mo, sunog maliban pa sa naghalo na ang puti at pula. Sana'y binati mo na lang. Itong kape mo ay tila tubig na kinulayan. My goodness, kahit hindi ka marunong magluto pero ang mag- brewed ng coffee man lang sana! May instructions naman sa likod ng label," pagalit nitong sinabi.
I didn't bother to read the instructions! gustong sabihin ng dalaga. "English ho ang nakasulat doon, Sir," ang sa halip ay nasabi niya. May halong panunuya ang tinig na ikinataas ng ulo ni Anthony at tinitigan siya nang masama.
"Eh, Sir, hindi naman kasi ako sanay na magluto," sanay akong ako ang ipinagluluto, gusto niyang idugtong. How dare this man na angalan siya? Wala pang gumawa sa kanya nang ganoon. Pero nagpigil siya. Pumasok siyang maid kaya magdusa siya. "Housegirl naman ho ang inaplayan ko dito, 'di ba, sir?"
How could she afford to look so cute sa pagbibigay-katwiran sa kapalpakan! wika ng binata sa sarili na napapikit.
"Puwes, dahil wala si Nana Inez ay pag-aralan mong matutuhang magluto nang ganyan kasimpleng lutuin. Ano ba ang kinakain mo sa inyo at pati pagpiprito ng itlog ay hindi mo alam?" hinaluan nito ng kaunting galit uli ang tinig.
"Kamote ho... at saging,"ang naisagot ng dalaga na nabigla sa tanong.
"Kamote at... oh, dear! What have I got here?" bulong ng binata na abot-abot ang pagpipigil sa sarili.
Hindi mapigil ni Jenny ang mangiti sa hitsura ni Anthony. Nahuli ng binata ang ngiti niya at nagsalubong ang mga kilay nito.
Lord, the witch is prettier when she smiles!
"Bigyan mo na lang ako ng instant coffee!" pilit nitong itinatago sa galit na tinig ang admiration. Sa pakiwari nito ay sumikat ang araw sa dining room sa ngiting iyon.
Pagkatapos ibigay ni Jenny ang instant coffee ay tahimik niyang pinanood ang binata sa pag-inom ng kape.
Ano ba naman ang naka-attract sa akin sa iyo, gayong marami namang nanligaw sa aking mga guwapo at macho rin naman ? bulong ni Jenny sa sarili habang nakatitig sa binata. And to think you're the greatest womanizer of all!
Naalala niya ang pangyayari sa Landmark kung saan nahuli nila ni Wilna ang binata na kasama si Lucille. Litong-lito ang isip niya noon dahil ang alam niya'y ikakasal na ito kay Wilna pero sige pa ring nakikipag-date sa ibang babae. Inaasahan din niyang magagalit at magseselos si Wilna pero hindi ganoon ang nangyari. Iyon pala'y dahil si Angelo nga ang iniibig ni Wilna.
Pagkatapos ay inisip niya kung magkaka-crush siya kay Angelo kung binata pa ito considering na identical ito at si Anthony. Napailing siya nang wala sa loob. Mas type niya si Anthony at tingin niya'y mas guwapo ito.
"Bakit ka umiiling mag-isa?" usisa ni Anthony sa kanya.
Bahagyang nagulat si Jenny. Napatitig nang husto sa binata. Her dark eyes and slightly parted lips ay sapat na para umiwas ng tingin si Anthony. "Sa itaas ko na tatapusin itong kape."
"Yes, Sir. " She's sick and tired with her dialogue.
Pagkaalis ni Anthony ay tinawagan ni Jenny ang abogado niya ng long distance.
"Si Jennifer ito, Attorney Rivas, yes... how's everything?" Sumulyap siya sa kusina dahil baka pumasok si Andoy.
"So far ay wala akong nakikitang problema, hija. Nabigla at nagulat si Adrian sa termination letter mo. Inaasahan kong gagamitin niya ang Labor Union para muling mabalik sa trabaho pero hindi nito ginawa," anang abogado sa kabilang linya.
"Dahil alamniyang pag dinala niya sa union ang bagay na ito ay hindi maaaring hindi siya gagastos at alam niyang wala siyang ikakaya doon. Iyon ang dahilan, Attorney," pagalit niyang sagot.
"Nag-aalala sa iyo si Adelfa, hija. Tinanong sa akin kung nasaan ka. Nasaan ka nga ba, Jenny? It has been three months mula nang umalis ka. Why don't you go home and stop this foolishness?" patuloy ng nag-aalalang si Attorney Rivas. Ang corporate lawyer at isa sa mga director ng Alonzo Undergarment Corporation.
"Kung hindi ko ginawa ito, Attorney, my mother would have been married by now to that good for nothing opportunist!"
Napangiwi ang abogado sa kabilang linya. "Eh... Jennifer, hija, angmommymo at...''hindi nito naituloy ang sasabihin dahil muling nagsalita si Jennifer na nasulyapan si Andoy na pumapasok.
"Saka na lang tayo mag-usap uli, attorney," pagkasabi noo'y ibinaba na niya ang telepono. Sumandal siya sa sofa at pumikit. Alam niyang tama ang ginagawa niya. Kung hindi siya umalis ay tiyak na nagpakasal na ang mommy niya kay Adrian.
"Hoy, Jenny, linisin mo na ang kusina. Bakit ka natutulog diyan?" sita ni Andoy.
Bigla ang pagmulat niya ng mga mata at tinitigan nang matalim si Andoy. Hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumayo siya.
"Huwag mo akong pagtaasan ng tono, Andoy," aniya sa nagtatagis na mga bagang. "Kaya kitang bayaran." Sinabayan niya ng talikod patungo sa kusina.
Nagkamot ng ulo si Andoy. "Sinabi ko lang na maglinis, nagtaray na agad. Ang ganda-ganda mo pa naman, saksakan ka ng sungit," bulong nito.
Sinundan ni Andoy ng tanaw ang dalaga. Naiilang ito sa kanya. Mataas ang dating niya kay Andoy, na hindi akma sa isang katulong. At tama naman ito sa pag-iisip na mas sosyal pa siyang kumilos kaysa sa Ma'am Wilna nito.
Si Jenny ay sa silid ni Anthony nagtuloy up ang maglinis. Ito rin ang unang pagkakataong mapapasok siya sa silid ng binata. Si Nana Inez ang sa tuwina'y nag-aasikaso ng mga gamit ng magkapatid.
"Nakup...!" bulalas niya sa nabungaran. "Ganito ba lagi ang silid ng lalaking iyon?"
Magulo ang kama. Nagkalat sa sahig ang mga pinagbihisan. Bukas ang closet ng mga damit at may naka-hanger, na marahil sa paghugot ng isusuot ay nabagsak. Dalawang drawers sa chest ang naiwang nakabukas at gumulo ang laman dahil siguro sa paghahalungkat.
Nakabukas ang pinto ng banyo at tuloy-tuloy siya roon. Nakita niyang nasa tiles ang underwear at basang tuwalya. Sa marmol na lababo ay hindi ibinalik ang toothbrush sa pinaglagyan. Hindi tinakpan ang toothpaste. Bukas din ang bote ng aftershave nito.
Nanlulumong bumalik siya sa silid at naupo sa stool ng dresser.
"Ano ang gagawin ko?" Gusto na niyang maiyak. "How do I start fixing all these things?" Gusto niyang tawagin si Andoy at sabihing ito ang maglinis ng silid pero alam niyang hindi susunod iyon. Maliban pa sa hindi naman pumapanhik si Andoy sa itaas kung hindi tinatawag ni Nana Inez up ang gamitin sa mga silid ang floor polisher.
Gusto niyang hangaan si Nana Inez sa matapat na pagtingin nito sa magkapatid. At nakadarama siya ng guilt na mula nang mawala si Seling ay inako na ng matanda ang gawain nito. Siya ay papunas- punas lang ng alikabok. Gawin niya ngayon ang gawain ng matanda at ni Seling.
Tumayo siya. Inikot ang mga mata sa loob ng malaking silid. "I'll take care of you later. Unahin ko muna ang ibang silid na punasan ng alikabok. Yes, that's right." Lumakad siyang palabas at isinara ng paa ang dalawang nakabukas na drawers. Naipit ang ilang mga naroong underwears pero hindi niya pinansin.
At iyon nga ang ginawa niya.
At dahil nga matagal-tagal na ring hindi gaanong nalilinis ang buong kabahayan mula nang umalis si Seling ay talagang nahirapan siya.
"Jenny, hindi pa ba tayo kakain? Pasado ala-una na," si Andoy na katatapos lang linisin ang lawn.
"Ha?" Nagulat pa siya sa tanong na iyon. Talking of food, nakadama siya ng gutom. "Magbukas na lang tayo ng de lata, Andoy. Marami kasing naipong linisin dahil hindi naman nakapag-general cleaning mula nang ikasal sina Angelo at Wilna, 'di ba?"
"Puwede na ang sardinas." Umabot ito ng de lata sa kabinet at pagkatapos ay nagbukas ng mga kaldero. "Wala bang sinaing dito? Malinis ang rice cooker, ah."
Ngumiti siya. "Hindi na kailangan. Sanay naman ako sa slice bread. Butter and toast will be fine and a glass of juice." Sinabayan niya ng kibit ng balikat.
Nakangangang tinitigan siya ng lalaki "Ano ba ang pinagsasabi mo, Jenny? Tinalo mo pa roon si Ma'am Wilna, ah. Hindi puwede sa akin ang tina- tinapay lang at hindi ako mabubusog doon. Teka nga at ako na ang magsasaing." Padabog nitong kinuha ang rice cooker at tinapunan siya ng matalim na tingin. "Pa-english-english ka pa riyan."
Isang tawa ang pinakawalan niya paglabas ni Andoy. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga tao rito pag nalamang nagmamay-ari siya ng isang multi-million export and import business?
Pagod siya. At kahit na ganoon ay hindi niya makuhang itanggi sa sariling nag-i-enjoy siya sa ginagawa niya.