Chapter 8

3.1K 34 1
                                    

CHAPTER EIGHT

PATULOY sa paglipas ang mga araw. Maligaya si Jenny sa piling ni Anthony. Wala siyang maipipintas dito maliban sa hindi siya nito gustong pakasalan.
"Bakit ka nagbibihis nang ganyan? Saan ka pupunta?" tanong niya rito isang gabing nagsusuot ito ng amerikana.
"Ha? Ah... eh... may ilalabas akong importanteng kliyente, darling. Yes, that's it. Balak nitong bumili ng franchise para sa Cebu," sagot ng binata.
Lumapit siya at inayos ang necktie nito.
"Ang importanteng kliyente ba na iyan ay babae o lalaki?" Bakit ba may pakiramdam siyang nagsisinungaling ito?
Ngumiti si Anthony at hinapit siya. "Nagseselos ka ba?"
"Kung babae ang kasama mo ngayong gabi. " Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito.
Hinawakan ni Anthony ang baba niya at itinaas. "Ikaw lang ang babae para sa akin. Gusto kong itanim mo sa isip mo iyan."
Siniil siya nito ng halik. Tulad ng dati ay walang ipinagbago ang mga halik nito sa kanya.
"Huwag mo akong hintayin. Matulog ka nang maaga dahil tiyak na madaling araw na ang uwi ko. Alam mo na, kasama sa representation ang chicks.'' Kinindatan siya nito.
"Siyempre hindi lang ang kliyente ang may babae sa tabi. Pati rin ikaw."
"Darling, bakit ako kakain ng hamburger gayung may steak ako dito sa bahay?"
"Hus, malay ko, nagsawa ka na sa steak kaya hamburger naman. "
"Silly you." Marahang pinisil nito ang ilong niya. At muling dinampian ng halik. "Bye. I'll see you tomorrow."
Ngumiti siya at inihatid ang binata sa pinto.
Nanonood siya ng TV nang mag-ring ang telepono. Si Wilna.
"Hello, Jen. O, kumusta na ang pakiramdam mo? Did you take some medicine?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "I'm fine, why? Nasaan ka?"
"Saan pa di dito sa main office. Tinatanong ko nga si Anthony kung bakit hindi ka isinama gayong anniversary ng opisina ngayon. Masama raw kasi ang pakiramdam mo."
Biglang nakadama ng panlalamig si Jenny. So anniversary ng Avila Motors ngayon. Hindi siya isinama nito dahil baka may makakilala sa kanyang dati siyang maid sa mansion.
"M-masakit nga kasi ang ulo ko kanina. Tatrangkasuhin pa nga yata ako," aniya na biglang nagbara ang lalamunan sa luhang biglang naipon doon.
"Sa mansion kami matutulog ni Angelo ngayon dahil tiyak na uumagahin ang party. Narito kasing lahat ang mga empleyado. Do you want us to drop by?" si Wilna uli.
"Naku, huwag na. Tulog na ako noon. Si Anthony naman ay may sariling susi... o sige, bye..." Nanginginig ang kamay niyang ibinalik sa receiver ang telepono. Hindi niya mapigil ang pagpatak ng mga luha. Nakadama siya ng habag sa sarili. Hindi siya ka-live-in ni Anthony. Isang kept woman ang taring nito sa kanya. Hindi dapat ipakilala sa mga kakilala at kaibigan. Ikinahihiya siya nito.
Totoong hindi na siya umaasang pakakasalan siya ni Anthony pero iyong outright na itinatago siya nito ay masakit. Hanggang kama lang ang papel na ginagampanan niya sa buhay nito.
Kung gaano siya katagal na nag-iiyak ay hindi niya matandaan. Nakatulugan na niya iyon. Hindi na niya namalayan ang pagdating ng iniiyakan niya nang magmadaling araw na.
Nakadama ng guilt si Anthony nang pagmasdan siyang natutulog.
Nagsahibong ang mga kilay nito nang mapuna ang mga tuyong luha sa pisngi niya. Her eyelashes still wet.
Gusto niyang gisingin ang dalaga upang tanungin kung bakit pero nagbago ang isip ng binata. Bukas na marahil.
Nahiga siya sa tabi nito at kinabig payakap si Jenny. Tulad ng mga nagdaang gabi ay nasanay na siyang katabi niya ito. Hindi niya alam kung tama ang ginagawa niya na ganito na lang sila. But never before na maramdaman niya ang ganitong content­ment sa piling ng ibang babae. Ng kahit na sinong babae.
WALA na si Anthony nang magising kinaumagahan si Jenny. At ang nagdaang gabi ang kauna-unahan na hindi sila nagtalik ni Anthony. Napuyat siya sa kaiiyak kagabi kaya tinanghali siya ng gising. Tatayo na sana siya nang mapuna ang isang stem ng red rose sa may side table. May kasama itong note.
I hate to wake you up, sweetheart. This rose is for the prettiest woman in the world.
Lalo lang siyang naiyak sa note na iyon. He tried to compensate his guilt sa pamamagitan ng rosas na iyon. Dinampot niya iyon at sinamyo. Patatawarin na niya si Anthony sa kasinungalingan nito kagabi Anyway, last night was one of the prices she has to pay for loving him.
Nasa pinto na siya nang biglang umikot ang buong paligid. Napahawak siya sa dingding. Pagkatapos ay nakadama ng panghahapdi ng sikmura at pagnanais na maduwal. Sa kabila ng pagkaliyo ay narating niya ang banyo at doon nagduduwal. Nang mahimasmasan siya'y bumalik sa kama at naupo. Bigla ang pagbangon ng kaba sa dibdib niya. Binuksan ang drawer at kinuha roon ang isang kalendaryo. Ten days na siyang delay!
Nanlumo siya. Mabilis na nagbihis. Kailangan niyang makatiyak. Mabilis siyang lumabas ng condo subalit hindi pa niya muling naisasara ang pinto ay natanawan niya si Yvette. Pareho silang nagkagulatan. Kinalma niya ang sarili.
"So?" Tumaas ang kilay nito. "Ikaw pala ang ibinahay ni Anthony dito sa condo niya. Kaya pala nawala ka sa mansion."
"Bakit ka narito, Yvette? Kung si Anthony ang kailangan mo'y nasa opisina siya."
"I know. Magkasama kami kagabi sa party at alam kong hindi siya sa mansion umuwi dahil narinig kong nagpaalam siya kay Angelo at Wilna. Kaya pala hindi niya gustong sumama ako dito kagabi."
"K-kasama ka ni Anthony kagabi?"
Malisyosong ngumiti ang babae. "Alangan namang isama niya ang maid niya sa party? You are maybe young and beautiful at ginamit mo ito para maakit si Anthony, pero hindi niya isasama ang isang maid sa affairs ng kompanya. Duda na nga ba akong hindi ka aasta nang ganoon sa akin kung wala kang ipinagmamalaki." Tumawa ito.
"Kung wala kang ibang kailangan, Yvette, may pupuntahan pa ako." Humakbang siya upang lampasan ito. Hinawakan ng babae ang braso niya.
Marahas niyang binawi ang braso at matalim na tinitigan ang babae.
"Relax, Jenny. Hindi ako makikipag-away sa iyo. Alam kong palaban ka. Hindi ako bababa sa level ng isang katulong lang. Baka malagay pa ako sa diyaryo na pinatulan ang isang maid."
"Ano kung gayon ang gusto mo?"
Tumalim ang mga mata nito. "Kinumpirma ko lang ang hinala ko. At ngayong nalaman ko na ay gusto kong maawa sa iyo. Ang tayog ng ambisyon mong patulan ang amo mo, inday. Pag nagsawa si Anthony sa iyo saan ka babagsak? Sa bar? Sa pros­titution house? Tsk... tsk... "
Bago kumawala ang pagpipigil niya'y mabilis siyang humakbang patungo sa elevator. Nagpupuyos ang dibdib niya. Hindi siya isinama ni Anthony kagabi dahil kasama nito si Yvette!
Ikinahihiya na siya'y hindi pa rin pala ito tumitigil sa pakikipagkita sa babaeng iyon.
Sinungaling! Sinungaling! Ako lang daw ang babae sa buhay niya! Nakahanda na nga siyang patawarin ito dahil na-touched siya sa pag-iwan nito ng rose pagkatapos iyon pala 'y kasama si Yvette.
Natural, bulong ng isip niya. Party iyon at marapat lang na may kasama si Anthony. Naalala niya ang sinabi nito noong abutan siya sa pool kasama si Wilna. Hindi ako snob, Wilna. It's just I want people to know where they stand!
Napahikbi siya roon. They're lovers pero hindi pa rin nito maitatanggi na isa siyang housemaid.
Nag-compound ang problema niya nang makarating siya sa isang diagnostic clinic at kumpirmahin ng doktor ang hinala niya. She's one month pregnant!
Kung paano siya nakabalik sa unit ay hindi na niya matandaan. Nag-ring ang telepono pagkapasok napagkapasok niya. Si Anthony.
"Hello, Jen? Saan ka galing? Kanina pa ako tumatawag pero walang sumasagot," nasa tinig nito ang pag-aalala.
"B-bumaba lang ako, Anthony. Nag-window shop," pilit niyang itinatago ang panginginig ng tinig.
"Window shop? Bakit hindi ka bumili ng kahit na anong nagustuhan mo? Gamitin mo ang bank card na ibinigay ko sa iyo. Nasa pangalan mo iyon at alam mo namang gamitin iyon, 'di ba?"
Oh lord! Ang tingin talaga sa kanya ng lalaking ito ay tanga. Pero masisisi ba niya ito?
"Wala akong magustuhan, eh. "
"Jenny Alonzo, ikaw ang pinakamatipid na babaeng nakilala ko sa buong buhay ko. Ano ang gusto mong iuwi ko sa iyo mamaya?"
"Ikaw lang," hindi niya mapigil ang mapasinghot.
"Umiiyak ka ba?"
"Sinisipon ako. Maalikabok sa labas."
"Nagpatawag ng meeting si Angelo but I'll try to be there before seven. Bye. "
At saka niya pinakawalan ang mga luhang nakaantabay. Nagdadalantao siya! Kung siya lang ay walang problema. She must be with him hangga't kailangan siya nito kahit na magmukha siyang gaga sa sariling paningin. Pero paano ang batang nasa sinapupunan niya? Tatanggapin ba ni Anthony ito? Maliban sa ikinahihiya siya ay hindi nito gusto ang commitment.
Alin na lang sa dalawa? Tahasang sabihin ni Anthony sa kanya na tapusin na ang lahat o himukin siyang alisin ang bata sa tiyan niya?
Well, this is the end of the line. She has to make a dignified exit bago sabihin sa kanya ni Anthony iyon. Financial help, natitiyak niyang aalukin siya nito. Pakunsuwelo de bobo. At alam niya kung gaano ka-galante ang binata kahit doon sa mga one night fling nito.
Nothing lasts forever. Definitely not their kind of relationship. It has to end somehow. Napaaga nga lang dahil hindi siya gumamit ng contraceptives. Kailangan niyang magdesisyon.
NAGULAT pa si Anthony nang pag-uwi nito'y may pagkaing nakahanda sa nagagayakang dining table.
"Dinner by candle light! And flowers!''Binuksan ang mga naroong bowls. "Puro paborito kong lahat, ah." Nilingon siya nito. "I know you can't cook, Jenny, kahit na ano pang pagpipilit mo."
Lumunok siya. Masakit ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil na huwag maiyak. Isa bang malaking kapintasan sa akin iyon?" malambing niyang tanong.
"Oh no! We can hire the best chef in the world, darling."
Inilagay nito sa mga baywang niya ang mga braso at niyakap siya. Pagkatapos ay siniil ng halik. Her chest tightened. How could anyone be so sweet pero walang pag-ibig sa kanya? Oh, yes, he liked her very much. Those were his words.
Kumawala siya. "Binili ko iyan sa restaurant sa ibaba."
"Anong okasyon?" Nagkibit siya ng balikat. "Gusto ko lang."
Natawa si Anthony. "Very well" Sinabayan nito ng bow bago hinila ang isang upuan. "At your service, my queen. Chow time."
"Teka, teka, papatayin ko ang ilaw dito sa dining room at sisindihan ko ang kandila."
"I'll do it. Besides, nakalimutan mo ang cham­pagne, darling, to make this lovely dinner perfect." Pinatay nito ang ilaw at sinindihan ang kandila.
"Nasa ref your highness,''nakangiti niyang sagot.
"Oh! " Natatawang kinuha nito sa ref ang bote ng champagne. Nagsalin sa dalawang matataas na kopita at saka naupo. "This is perfect and lovely! "
Perfect and lovely. I'll always remember this, Anthony, bulong niya.
Nagsimula silang kumain. Subuan, biruan at tuksuhan. She will miss him Kahit hindi niya malunok ang pagkain ay hindi siya nagpapahalata. Lord, she didn't realized until now that she has the making of a good actress.
Pagkatapos kumain ay niyakag niya ang binata na panoorin ang isang magandang pelikula sa tape na nirentahan niya. Isa itong love story. Nagpaunlak naman ang binata.
Niyayakap at hinahalikan siya nito habang nanonood sila. At kung nagpapadala siya, natitiyak niyang Anthony would make love to her right there and then. At masisirang lahat ang timing niya.
May luha sa mga mata niya nang matapos ang palabas. Pinagtawanan siya ng binata.
"Crying over some sad silly show! I can't believe it!"
"They were so in love pero hindi sila nagkatuluyan because of some racial discrimination." Little did Anthony know na naging daan na lang ang pelikula para mapakawalan niya ang mga luha.
"You crazy little thing! Halika na nga. " Binuhat siya nito at inilapag sa kama. Akmang maghuhubad ng damit si Anthony pero inawat niya.
"Ako na, Anthony. " Isa-isa niyang tinanggal ang mga butones ng polo nito and pulled it up. Pagkatapos ay ang sinturon. At sa nanginginig na mga kamay ay ibinaba ang zipper ng slacks nito.
Ang binata na ang nagtanggal ng medyas at sapatos nito. Ang natitira na lamang ay ang briefnito.
"Alisin mo iyan," aniya.
"Ikaw na," he said softly staring at her. She did and saw him grow hard. Huminto siya at bumalik ang tingin sa mukha ng binata.
"Shy as always,''nakangiting wika nito. "We've seen each other's body and both memorized every delicate inch of them pero nahihiya ka pa rin." Itinuloy nito ang pag-aalis ng sariling briefs. Pagkatapos ay ito naman ang nag-alis ng damit niya. Inihagis nito iyon sa sahig. Then kissed her.
Marahang kumawala si Jenny. "Gusto kong gawin sa iyo ang mga itinuro mo sa akin." At bago pa nakapagsalita si Anthony ay siya na mismo ang humalik dito. Her kisses burned him. Her fingers too hot on his skin.
"Jenny...'' he groaned. Hindi nito kayang patagalin pa ang torment na iyon. Hinawakan nito sa magkabilang balikat ang dalaga and settled her over him. Pinanlakihan ng mga mata si Jenny doon.
He tutored her movements and cupped her breasts at the same time.
"Oh, Anthony!"
"Easy, darling and move slowly," he demanded then cupped her breast. She moaned. Her move- ments are being synchronized by his movements. And never before, never with anyone did Anthony felt like this. Jenny was everything. Fire, warmth and passion.
"You're mine, Jen. You're mine!" And rose his body to meet hers.
Kinabig siya nito at siniil ng halik kasabay ng pagdala nila sa isa't isa sa kadulu-duluhan pa roon, to the heights of rapture and floated slowly back down.
Ibinagsak ni Jenny ang sarili sa dibdib ng binata. Kung kaninong pintig ng puso ang naririnig niya ay hindi niya matukoy. Pag-alis niya bukas, she will have this to remember.
TINAWAGAN niya si Wilna ng long distance pagkaalis ni Anthony.
"I'm leaving him, Wilna... "
"Bakit? Nag-away ba kayo?" ang kabilang linya.
"Hindi kami nag-aaway. It has to end anyway."
"Alam ba ni Anthony?"
"Pag-uwi niya mamaya ay wala na ako. And please, Wilna, do not break your promise," pakiusap niya.
"Paano kung hanapin ka niya?"
"Wala kang sasabihin. I'm leaving him for good. Gusto kong pasalamatan ka, for your friendship. I'll be in touch with you sa ibang araw." Nagsisikip ang dibdib niya. Nananakit na ang lalamunan niya sa pagpigil na huwag umiyak.
"Paano ka uuwi?" nag-aalalang tanong ni Wilna.
Bahagya siyang natawa. "Nasa parking area pa rin ng hotel ang kotse ko, would you believe? I paid my hotel room in advance. Sa panahong nasa man­sion ako, I've been there twice."
"Tawagan mo ako, Jenny, promise me." Hindi maiwasan ni Wilna ang makadama ng lungkot.
"I will. Bye."
BAGO magtanghali ay nasa opisina na ni Attorney Rivas si Jenny. Nagulat pa ang abogado nang pumasok siya.
"Jennifer!"
'How's everything, Attorney?" aniya na naupo sa silya.
"Mabuti, hija, mabuti. Kailan ka pa dumating?"
"Ngayon lang. I came straight here."
"So hindi pa kayo nagkikita ni Donya Beatriz?"
"Ang Lola?" hindi siya makapaniwala.
"She arrived two weeks ago. Nagkagulo ang buong pabrika. Pati ako ay hindi niya tinigilan. She hired a private detective para matunton kung nasaan ka."
'Oh!" Ang bigyan ng suliranin ang matanda ay kahuli-hulihan sa iniisip niya. "Ang Mommy, Attor­ney?"
Bigla ang pagbabagong-anyong abogado. "Er... noong huli tayong mag-usap, hija, I tried to tell you about it. But you hanged up. "
"Ano ang ibig ninyong sabihin?" Tumalim ang mga mata niya.
"She married Adrian a month after you left."
"Hindi totoo iyan! Paano sila mabubuhay nang maayos? Tiyak na putol na ang allowance ng Mommy at walang trabaho si Adrian," hindi makapaniwalang sinabi niya.
"Marahil ay nagpadalos-dalos tayo ng paghusga kay Adrian, Jenny. Nang mabasa niya ang termina­tion letter I expected him to be angry pero hindi. Ang mommy mo ang nagalit. At the same time worried about you."
"Nasaan sila ngayon, Attorney?" nanlalambot niyang tanong. Hindi pa rin niya matanggap na tuluyang nag-asawa ang mommy niya.
"Nasa bahay sila ni Adrian nakatira. Ang harapang bahay nito ay ginawang talyer. Dati namang mekaniko si Adrian, 'di ba? And I can see that they're doing fine, Jennifer. I have never seen your mother so happy that she looked ten years younger."
Huminga siya nang malalim at tumayo. "Aalis na muna ako, Attorney. "
IPINARADA niya ang kotse sa harapang talyer. Ibinaba niya ang windshield at sinuyod ng tingin ang paligid na may mga nakaparadang sasakyan.
"Magpapa... Jenny!" si Adrian na hindi niya namalayang lumapit mula sa likod ng kotse niya.
Lumunok siya. Hinagod ng tingin ang lalaking puro grasa.
"Halika. Bumaba ka riyan at nasa bahay si Adelfa," nakangiting anyaya nito. "Kailan ka pa dumating, ha?"
"K-kanina," mahinang sagot niya na lumabas ng kotse. Nagpatiunang lumakad si Adrian papasok ng bahay at tinatawag si Adelfa.
"Honey, tingnan mo kung sino ang narito," wika nito kay Adelfa na naghahain ng pananghalian sa mesa. Nag-angat ng ulo ang babae.
"Jenny! " bulalas nito. Patakbong lumapit sa ina ang dalaga at niyakap ito.
"Oh, Mom, I'm sorry... I'm so sorry! "
"Sshh..." Banayad nitong hinaplos ang buhok ng anak. "Ang mahalaga'y narito ka na, hija."
Si Adrian ay nakangiting nakamata lang sa re- union na iyon.

Be Still, My Heart - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now