Chapter 10

4.2K 43 9
                                    

CHAPTER TEN

SA OPISINA ay kausap ni Donya Beatriz at Jenny si Attorney Rivas.
"Mamaya ng alas-dos ang flight namin ng apo ko patungong Amerika, attorney. At kung ano ang napag-usapan sa board meeting kahapon ay iyon ang gusto kong mangyari," ani Donya Beatriz.
"Alam na ng Mommy ang gagawin niya, attor­ney Rivas," si Jenny na tipid na ngumiti. Ibinigay niya sa mommy niya ang special power of Attorney on her behalf.
"Mabuti naman at nagkasundo na kayong mag-ina, Jennifer. Napatunayan mo ring hindi oportunistang tao si Adrian," anang abogado. "Talagang iniibig nito si Adelfa."
"Ako man, hija. Sa haba ng panahon ay ngayon ko lang lubos na nakilala ang mommy mo. Sa buong panahong pinagsamahan nila ni Rodolfo ay naniwala akong pera lang ng anak ko ang dahilan kaya siya nagpakasal dito. But I guess, I was wrong. She gave up all these wealth na hindi man deretsong sa kanya ay pinakikinabangan at mapapakinabangan naman niya kung mananatili siyang biyuda."
"Pareho tayong nagkamali, Lola," mahinang sagot niya.
"Pero bakit gusto ninyong i-give up ang owner- ship ng kompanya? Bakit ipinagbibili ninyo ang ma­jor stocks?" ang abogado pa rin.
"Hindi na babalik ng Pilipinas ang apo ko, Herman. I'm selling you my shares at kahit ang kay Jennifer. Dalawa kayong may prioridad sa kompanya para gawin iyon. Si Alfonso ang isa," ang tinutukoy ay ang Vice President. "Buhay pa ang lolo ni Jenny ay kasosyo na kayo ng kompanyang ito."
"Tulad ng napag-usapan sa meeting, Attorney. Mauuwi sa Mommy ang twenty five percent. "
"I really wished I have the resources to buy the controlling stocks, Donya Beatriz. Pero may palagay akong madadagdagan ko lang ang share ko sa kompanya. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit madalian ang pag-alis ninyong ito?"
"Debut ng isang apo ko, Attorney sa isang linggo. And I promised her na naroon ako. At gusto kong isama na ngayon si Jenny..."
Napalingon ang tatlo sa biglang pagbukas ng pinto. Sumungaw mula roon ang isang lalaking kilalang-kilala ni Jennifer. Kasunod nito ang sekretarya niya. Abot-abot ang kaba ng dibdib niya kasunod ng tensyon.
"Eh, ma'am, nagpilit po siyang pumasok, eh.
"Hindi ko..."
"Sige na, Letty," kalmanteng utos niya. Ikinakaila ng tinig niya ang panginginig ng mga tuhod. Walang kibong sumunod ang sekretarya na binigyan muna ng huling sulyap si Anthony.
"Gusto kitang makausap," wika nito sa awtorisadong tinig. Hindi umaalis sa pagkakatayo sa may pintuan.
Hindi malaman ng dalaga ang sasabihin. Tumingin sa matandang donya. Si Donya Beatriz na hindi inaalis ang tingin kay Anthony ay tumayo.
"Who are you, young man? Do you know my granddaughter?"
"I'm Anthony Avila, ma'am. And I'll marry your granddaughter whether she likes it or not. " Ang mga mata nito 'y hindi humihiwalay kay Jenny.
Napahugot ng hininga si Jenny. Tumaas ang kilay ni Donya Beatriz na gustong mangiti.
"Very presumptuous. My granddaughter isn't rich anymore, hijo. At least, in a few weeks time if she doesn't change her mind," naghahamon ang mga mata ng donya. Fifteen percent na lang ang matitira kay Jenny in bonds dahil ibinigay kay Adelfa ang twenty five percent, free.
"I have not known her for being so. She was my housemaid at gusto kong sabihin sa kanyang kahit street sweeper pa siya ay mahal ko siya at pakakasalan." Nakatitig pa rin ito sa dalaga na walang malamang sabihin.
"Housemaid!" Napalingon sa apo si Donya Beatriz. "Ano ang ibig sabihin ng lalaking ito, Jenni­fer?"
Nagkibit ng balikat ang dalaga. Sinikap na maging kaswal. "Not really very original, Lola. Ginaya ko iyong isang pelikula ni Eddie Murphy. Isang prinsipe na nagpunta sa America at pumasok na katulong sa isang burger house. I forgot the title." Funny, ngayon lang pumasok sa isip niya iyon. "Even­tually, fell in love with the boss' daughter. "
"Ridiculous! Ang apo ko pumasok na maid, que horror!" Nanlaki ang mga matang napatingin sa abogado ang donya. Pagkatapos ay binalingan ang apo. "And, just like in the movie that you were telling me about, did you fell in love with this young man?" Binahiran nito ng sarcasm ang tinig.
"Hopelessly..." It was just a whisper pero dinala iyon sa pandinig ni Anthony.
"And yet... sasama ka sa akin papuntang..." Tumayo ito. "Halika, Herman. I'll give you ten minutes to settle with him, Jennifer, or we will be late."
"Thank you, ma'am," si Anthony nang dumaan sa tabi niya ang matanda.
Isinara ng binata ang pintuan pagkalabas ng dalawa. Namulsa at sumandal sa pinto. "You look different," wika nito sa ayos ng dalaga. In tailored suit. Naka-make up at ang buhok ay naka-french bun.
"You looked different, too," ganting sagot niya. Pilit itinatago ang tensiyon. Malaki ang inihulog ng katawan ng binata. Did he miss her just as she missed him? Totoo ba ang sinabi nito sa lola niya?
"Gusto ko ang buhok mo pag nakalugay. And I'd prefer you without makeup."
"So you like the housemaid image, ha?" hinaluan niya ng panunuya ang tinig niya.
"Hindi ko kilala si Jennifer Alonzo. It was the housemaid Jenny that I love," he said softly
"Love? Ipinagkakamali mo ba ang lust sa love, Anthony?" aniya sa malamig na tinig. Pinanatiling blangko ang mukha.
"Noong una'y iyon din ang iniisip ko." Huminga ito nang malalim. Gusto nitong yakapin ang dalaga pero ipinako ang sarili sa kinatatayuan. "Lagi kang laman ng isip ko. Your image tortured and teased me. Ang akala ko, pag pinagsawa ko ang sarili ko sa iyo'y then you will be totally out of my system."
"Haven't I yet?" Tumalim ang mga mata niya sa sinabi ng binata.
"The last few days without you was pure hell."
"No one to fill your bed? That's strange, Anthony. Didn't you keep them at bay? Si Yvette halimbawa. Kasama mo siya sa anniversary party, 'di ba?" Bumangon ang galit sa dibdib niya sa alaalang iyon
"I lied, yes, and I'm very sorry. But I went alone. Hindi ko kasama si Yvette. Isa sa mga invited guest ang nagsama sa kanya. You can ask Wilna about it," paliwanag ng binata.
Bahagya siyang nakadama ng relief. Pero hindi pa rin nagpahalata.
"Well, what does it matter anyway? Malaya kang gawin ang gusto mong gawin sa ibang babae."
"Ano ang gusto mong gawin ko para mahalin mo ako uli, Jen?" may agony, pain, and insecurities sa tinig nito.
Napahawak nang mahigpit sa armrest ang dalaga. Nalito. "I... I haven't stopped loving you..." halos hindi ilabas ng bibig niya iyon.
"Then come back with me, sweetheart," nakikiusap ang tinig nito.
"I can't. Mamaya na ang flight namin ng Lola pabalik ng America."
Doon naningkit ang mga mata ni Anthony. "Over my dead body!"
Nagulat si Jenny doon. Minsan ma'y hindi pa niya nakitang nagalit si Anthony tulad ng nakikita niya sa mukha nito ngayon.
"Kung anuman ang dahilan at pinarurusahan mo ako nang ganito ay nakahanda akong tanggapin, Jenny. I probably deserved it. But I'll be damned if I will let you leave me again. Hindi dahil sa hindi kita kayang sundan sa America. I'll follow you to the end of the earth. Pero hindi mo ilalayo kayong mag- ina sa akin. Huwag mong idamay ang anak natin," lumambot ang tinig nito sa huling sinabi.
So alam na ni Anthony na nagdadalantao siya. "I love you, Jenny," patuloy ni Anthony sa pananatili niyang walang kibo. "It probably happened a long time ago only I didn't recognize the feeling. I have never felt like this to anyone, to any woman. And it scared a hell lot of me."
"Sinasabi mo ba sa akin iyan dahil ako si Jenni­fer Alonzo?"
"Hell! I love you dahil ikaw si Jenny. My pretty maid who cannot cook even an egg. My arrogant little witch. My uncomplaining little Jenny who told me she loved me and would stand by me as long as need her. And I need you, love. So much you can't even know how," puno ng damdaining wika nito.
Nilunok ng dalaga ang hikbing gustong kumawala. Nagsisikip ang dibdib niya.
"Don't go, Jen, please. Pag ginawa mo iyon ay hindi ako maniniwalang minahal mo ako. Na mahal mo ako. Iyan lang ang kaisa-isang bagay na hindi mo ikinaila sa akin kahit sa sandaling ito."
"That's unfair. You know I love you," she whispered in a sob.
"And I love you, too. And I never wanted you out of my life. Maliban sa akmang salita ay pinatunayan ko sa iyo ang pagmamahal ko. Pagdating ng hapon, I have always this longing to reach you, to be with you. Then wake up each and every morning with you by my side. " Humakbang ito patungo sa kanya habang nagsasalita.
Umiiyak na siya nang hawakan siya ni Anthony sa magkabilang balikat at itayo. "Many times I have watched you sleep and my heart runneth over with love. Kung hindi pag-ibig iyon, then tell me how, darling, gagawin ko."
Isinubsob ng dalaga ang mukha sa dibdib ni Anthony. "Hindi ko gustong umalis. Pero natakot akong ipagtabuyan mo pag nalaman mong nagdadalantao ako." Sunod-sunod ang pag-iyak niya. "I know you wanted me. But with a child, hindi ako nakatitiyak. Hindi ako nakasisiguro kung hanggang kailan mo ako kailangan at ayokong madamay ang anak ko."
"Oh, love..." Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. "I'll never stop wanting you, needing you, and loving you. " Itinaas nito ang mukha niya at pinahid ng thumbfinger nito ang mga luha niya.
"Kung... sasama ako sa iyo, saan tayo uuwi?" naroon pa rin ang insecurity sa tinig niya.
Umaliwalas ang mukha ni Anthony. "Sa man­sion, Mrs. Anthony Avila."

Be Still, My Heart - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now