Chapter 7

3.1K 35 1
                                    

CHAPTER SEVEN

KUMAKAIN sila nang sabihin ni Anthony sa kanya ang plano para sa kanilang dalawa.
"Gusto kong malaman mong mula sa oras na ito ay hindi ka na magtatrabaho bilang maid. You're my woman now."
"Pakakasalan mo ako?" ang biglang lumabas sa bibig niya.
Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Pakakasalan? Hindi, Jenny. Hindi iyon ang ibig kong sabihin."
"Oh! Wala kang balak pakasalan ako kung ganoon?" nanlulumong tanong niya. Kung sabagay ay hindi naman niya inaasahan iyon. Ewan ba niya kung bakit niya nabanggit.
"C'mon, Jen, hindi ko magagawa iyon," wika nito na muling sumubo ng pagkain.
"Bakit?"
"Ayoko ng committment, Jenny. Hindi pa ako handa roon. And I don't think I am the marrying kind. I love my life as it is." Inabot nito ang tubig at uminom
"Sana'y naisip mo iyan kagabi bago mo ginawa ang ginawa mo sa akin," mahinang sagot niya. Sinabayan ng inom para malunok ang pagkaing nasa bibig niya.
"Ginawa natin," pagtutuwid nito. "Hindi kita pinilit, gusto mo rin naman, 'di ba?"
Oh, Anthony, you 're a bastard! ang nasa isip niya. Pero bakit hindi niya magawang magalit dito?
"You wanted me, Jen, as I wanted you, 'di ba?"
"Inaamin ko," halos hindi lumabas sa bibig niya iyon.
Ngumiti ang binata. Ginagap ang kamay niya at dinala sa bibig. "There, darling. Now, itutuloy ko iyong sinasabi ko kanina. Aalis ka na dito sa man­sion. Ititira kita sa condominium ko at bukas na bukas din ay aayusin ko na mailipat sa pangalan mo ang unit ko."
Napanganga ang dalaga. "Gagawin mo akong kept woman, mistress, kerida?"
"Sweetheart, sa mga married man lang ang salitang iyan. Binata ako. Live-in ang tawag sa sinasabi ko ngayon," paliwanag nito na tila siya batang hindi makaintindi.
"Binata ka nga pero hindi mo ako gustong pakasalan hindi dahil ayaw mo ng commitment. Kundi dahil hindi mo matanggap na pakasalan ang isang maid mo lang. Natatakot kang pagtawanan ng mga kakilala at kaibigan mo," may hinanakit sa tinig niya.
Seryosong tinitigan siya ni Anthony. "Did you have marriage in mind while we made love the first time last night?" seryosong tanong nito. .
"H-hindi ko... inisip iyon," nalilitong sagot niya.
"Precisely. So why brought it out now? We are happy, Jen. Hayaan nating manatili sa ganoon. Huwag nating problemahin ang hindi naman dapat. Ang mahalaga ay nagkakasundo tayo. I really like you, Jenny, very much. Hindi ko nararamdaman sa ibang babae ang nararamdaman ko para sa iyo."
Gusto. Like. Iyon ang term na ginamit nito.
"But I love you, Anthony..."
Kumislap ang mga mata ng binata. "I believe you, darling," maiksing sagot nito.
Emptiness ang nadarama ng dalaga. Pagkatapos ay sinaway ang sarili. Pinasok niya ito kaya pangatawanan niya. Hindi naman siya pinaniwala ni Anthony ng kung ano-anong salita. It was sex for him from the very start.
"May gusto lang akong hilingin sa iyo, Anthony."
"Say it, darling. Kung kaya ko'y ibibigay ko sa iyo. Anything my money can buy. A car? Easy, marami tayo niyan," birong-totoo nito.
Hindi ko kailangan ang pera mo Anthony, dahil marami ako niyan, bulong ng isip niya. At kung kotse rin lang ang pag-uusapan, she is driving a Honda Accord, just like him. Gusto niyang maghisterya sa sinasabing binata.
"M-marami ka nang dinalang... babae sa condo unit mo..."
Tumaas ang mga kilay ni Anthony. "You're afraid of ghost, Jen?" Hindi siya sumagot. "All right, ipalalagay ko sa bodega ang kama sa condominium at papalitan ko ng bago. Tayong dalawa ang pumili ng bagong kama."
Lord, this is intolerable! All right bibiling bagong kama. Ang tanging kaibahan niya sa mga babaeng dinala roon ni Anthony ay permanente siyang titira doon. Gusto niyang kasuklaman ang sarili sa ginagawa niya.
"Early morning tomorrow, mag-shopping tayo ng brass bed, darling," si Anthony uli.
"Huwag mong ilipat sa pangalan ko ang unit mo, Anthony. Hindi ko kailangan iyon."
Nangulubot ang noo ng binata. "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Kailangan mo iyon. Be practical about it. Ang ibang mga babae ay dalawang kamay na tatanggapin ang iniaalok ko."
"Hindi ako ibang mga babae. At bakit ka umaasta na tila DOM?"
Napatingala sa kisame ang binata. "DOM ba ang tawag mo doon sa gusto kong bigyang-kasiyahan ang babaeng nagdudulot din sa akin ng kasiyahan? I never offered my unit to any other woman, Jenny, gaano man ako kagalante. Because that unit was my first possession na nanggaling sa sarili kong income noong nabubuhay pa ang mga magulang namin ni Angelo. And I am offering it to you."
"Thank you, Anthony, pero hindi. At huwag mo nang ipilit pa," determinado niyang sagot.
Nagkibit ng balikat ang binata. "All right." Tapos tinitigan siya at tinantiya kung gaano katotoo sa loob niya ang sinabi.
IPINAALIS ni Anthony ang kama nito sa unit at pinalitan ng bago.
Nang hapon ding iyon ay naroon na si Jenny. Inikot niya ang condo. Mayroon lamang itong isang bedroom at bathroom. Tipikal bachelor's pad. Munting sala na sa sulok ay ang bar at naroon na rin ang dining table at maliit na kitchen.
Doon na sila natulog nang gabing iyon. And again, they made love. And each love making is better than the last.
"You're refreshing, you know?" wika ni Anthony after the glorious moments. He kissed her nose. "Oh, you were not the first virgin na nakatalik ko. Pero hindi lahat ng virgin ay inosente. Some of them were virgins because they did not have the actual penetrations pero hindi sila walang muwang sa sex."
"Hindi ako kasing-inosente tulad ng pagkakaalam mo, Anthony," bulong niya.
"Oh, sure, dahil hindi ka naman siguro laki sa bundok. But when it comes to pleasing a man, wala kang alam doon. You responded on instinct because I aroused fire in you. And because you wanted to please me. It warms my heart na tinuturuan kita sa mga ganoong bagay. "
"Mahusay ba naman akong estudyante?" tukso niya. Pinaglalaro ang isang daliri sa dibdib nito, pababa. At pababa pa...
"Brilliant, darling. You're a fast learner... hum..." he groaned at mabilis na inabot ang kamay niya at itinaas nito. "Can't you let this poor man rest? You're insatiable."
Natawa siya. "Look who's talking!" Akma siyang tatayo nang hatakin siya nito pabalik sa kama.
"Saan ka pupunta, halika nga!"
He planted a kiss on her thighs na muntik na niyang ikasigaw. Muli siyang umiwas at sa pagkakataong ito ay nakaalpas siya at pumasok ng banyo upang mag-shower.
Itinapat niya ang sarili sa dutsa. Nagpakasawa sa tubig. Nagulat pa siya nang pumasok si Anthony. Kinuha nito ang sabon sa soap rock at nilapitan siya. At inumpisahang sabunan ang buong katawan niya mula ulo pababa.
"A-Anthony..." ang tanging nasabi niya. Anthony made love to her under the cascading water.
Nang gabing iyon ay nanatiling gising si Anthony. Nakatayo sa may bintana ng silid at naninigarilyo. Mula sa bintana ay natatanaw niya ang naiilawang swimming pool sa ibaba ng building. Sa dako pa roon ang mga neon lights ng siyudad. Patay ang ilaw sa silid pero may bahagyang liwanag na nanggagaling sa sinag ng buwan. Full moon at maraming mga bituin.
Tinitigan niya ang natutulog na si Jenny. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha nito. She had a perfect body. Slim and small. And just by staring at her he felt himself grow.
Ibinuga niya ang usok sa itaas. Ano ang mayroon ang babaeng ito at ganitong damdamin ang dulot sa kanya? Ito ang ikatlong gabi na magkasama silang natutulog and also made love every night. At sa bawat pagniniig ay iniisip niyang bukas ay hindi na ganito kasidhi ang mararamdaman niya.
Subalit hindi ganoon ang nangyayari. Hindi niya gustong matulog na hindi kapiling si Jenny. He liked to breathe in her scent and feel her softness next to him
Siguro ang kasidhiang nararamdaman niya para rito will wear off in a few days. Pagkatapos, sa ayaw at sa gusto ng dalaga ay ipagkakaloob niya rito ang condo unit niya. At babalik siya sa normal uli.
Pinatay niya ang sigarilyo sa ash tray at nahiga sa tabi ng dalaga. Pulled her close gently and close his eyes.
NANG magising kinabukasan si Jenny ay nakabihis na si Anthony.
"Saan ka pupunta?"
"Susugod dito si Angelo pag hindi pa ako pumasok ngayon. Katatawag lang ng sekretarya ko at kailangan ako sa opisina."
"At ang akala ko pa naman ay magkakasama tayo ngayong buong araw na ito." Lumabi siya.
Ngumiti si Anthony. "Martes ngayon, darling. Mula pa noong Sabado ng gabi ay magkasama tayo. I have to get away from you or else gagamit na ako ng wheelchair bukas. "
She laughed softly. Bumangon sa pagkakahiga at inabot ang bathrobe na nasa silya. "Ibig sabihin, kaya ka papasok ngayon dahil magpapahinga ka." Ikinawit niya ang mga braso sa leeg nito at dinampian ng halik ang dibdib ng binata.
"I'm warning you, Jenny," natatawang wika nito. "Kahit si Superman ay nagpapahinga. Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa akin?" Itinaas nito ang baba niya.
"Eh, paano naman ang ginagawa mo sa akin?" bulong niya.
He cupped one breast and ran his thumb across her nipple. Napasinghap ang dalaga. Pagkatapos ay banayad siyang hinalikan sa ilong.
"I'll see you in the evening," wika nito at tuloy nang lumabas. Inihatid ng dalaga sa pinto si Anthony.
Sinikap niyang ipagluto si Anthony ng hapunan nang gabing iyon. Pero kahit siya ay hindi gustong tikman ang niluto niya.
"Oh, dear! Talagang kahit kailan ay hindi ako matututong maghito!" Itinaas niya ang kamay in frus­tration.
Doon bumukas ang pinto at sumungaw si Anthony.
"Ano iyang naaamoy ko?" wika nito na lumakad patungo sa kanya. Sinulyapan ang pakete ng Caldereta mix sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay ang corning ware na nakasalang. "Sunog na Kaldereta!"
Doon na siya napaiyak. "I'm sorry, Anthony. Ilang araw na kasing sa labas tayo kumakain. Iniisip kong madali lang naman dahil nakalagay naman sa pakete ang recipe," paliwanag niya na sinabayan ng hikbi
Tumawa ang binata at niyakap siya. "Silly girl! Magbihis ka at sa labas tayo kumain."
"Hindi ka nagagalit?" Pinahid niya ng apron ang luha sa mga mata niya.
"Magagalit ako if you don't stop crying. Magbihis ka na at pagkatapos nating kumain sa labas manood tayo ng late show. Panoorin natin iyong Seven ni Brad Pitt."
Makalipas ang mahigit sa kalahating oras ay nasa isang restaurant na sila.
"Tell me about yourself Jenny. Ano ang pangalan mo at taga-saan ka?" si Anthony habang hinihintay ang order nila.
Natawa ang dalaga roon. "Oras ng tanungan, ganoon ba? Let's have sex first at saka na kita kikilalanin."
"Wala akong alam sa iyo maliban sa pumasok kang katulong sa amin."
Sasabihin ba niya dito ang totoo? Hindi. Tanong- sagot niya sa sarili. "Jenny Alonzo ang pangalan ko. Nakapag-aral din naman kahit papano. Patay na ang ama ko, dalawang taon na ang nakalipas." At least, hindi siya nagsisinungaling doon.
"So nanay na lang ang mayroon sa iyo?" Tumango siya. "Nasa probinsiya?" Muli siyang tumango. "Ano ang ikinabubuhay ng nanay mo? Ninyo noong naroon ka pa?"
Nag-alis siya ng bara sa lalamunan. "May... pensiyon ang nanay ko mula nang mamatay ang father ko." Totoo iyon.
"No wonder pumasok kang katulong. Gaano na lang ang pensiyon na ibinibigay ng gobyemo. One thousand something lang yata. Saan ba dating nagtatrabaho ang tatay mo?" patuloy ni Anthony.
"Sa... sa pabrika. Undergarment factory." Oh, please, huwag mong itanong kung anong kapasidad dahil magsisinungaling ako! So far ay hindi siya nagsisinungaling sa mga isinasagot niya.
Tumango-tango si Anthony. "Ano na lang nga ang suweldo roon. At karaniwan na ang pensiyon ay binabatay na rin sa suweldo."
"G-ganoon nga."
"Bakit ka pumasok na katulong gayong maaari ka namang maging sales clerk?" patuloy ni Anthony.
Napahinok ang dalaga. Sasabihin ba niyang dahil sa binata kaya ginawa niya iyon on impulse?
"N-nagtampo lang ako sa nanay ko..." Tumaas ang mga kilay ng binata. "Gusto niyang mag-asawang muli. Ayoko." Tumalim ang mga mata niya sa bahaging iyon. At hindi siya nagsisinungaling.
Muling tumango si Anthony. Naunawaan siya sa bahaging iyon. Muli pa sana itong magtatanong subalit dumating na ang waiter. Nakahinga nang maluwag si Jenny. Nabaling sa iba ang topic at tuluyan nang nakalimutan ang tungkol sa kanya.
NANG sumunod na araw ay bisita ni Jenny si Wilna. "Bakit ka pumayag nang ganito, Jenny?"
"I love him, Wilna, and he does not want marriage. O mas angkop sabihing katulong lang ako kaya hindi niya gustong pakasalan. Kung alinman doon ang tunay na dahilan ni Anthony ay hindi na mahalaga sa akin."
"I can't believe you were fooled into this kind of arrangement."
Bahagya siyang natawa. Matabang na tawa. "My only consolation, I wasn't the only fool in all the world." Inilahad niya ang dalawang kamay. "Shake the hands of the brand new fool."
Napailing si Wilna. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya kung sino ka?"
"Kung ikaw ang nasa katayuan ko, sasabihin mo ba sa puntong ito?" hamon niya.
"This is crazy! Ano ito sine? Sa sinasabi ni Angelo sa akin, naghihinala siyang may pag-ibig sa iyo si Anthony."
Tumaas ang mga kilay niya. "Pag-ibig? Be still, my heart!" sarkastikong sagot niya. "Lust, Wilna. Considering his appetite sa sex. Iyon ang nararamdaman ni Anthony para sa akin. And we have a strong chemistry sa department na iyan."
"Walang ibinahay na babae si Anthony. Ikaw pa lang."
Napangiwi ang dalaga. "Ibinahay. Ang samang pakinggan, ano?"
Nailang si Wilna. "No offense meant pero alam mo ang ibig kong sabihin. I'm worried about you."
"Hindi pa ako pinagsasawaan ni Anthony kaya nandito ako sa unit niya. Hindi niya magagawang ganito sa mansion dahil nandoon si Andoy. Isa pa, tiyak na maghihisterya si Nana Inez at si Angelo."
"Why don't you swallow your pride and tell him the truth about you?" pilit ni Wilna.
"Hindi ko gagawin iyon. Maybe I'm getting romantic and idealistic here. Pero paano kung hindi pa rin niya ako pakasalan kahit nalaman niya kung sino ako? That would be a big blow to my pride, 'di ba? Hindi ako ang unang mayamang babaeng girl­friend ni Anthony. At least ngayon, iniisip kong maid lang niya ako kaya hindi niya mapakasalan."
"Paano kung talaga palang mahal kaniya at..."
"Then let him offer me marriage," agap niya. "Now!"
"Be reasonable, Jenny. Tamang hindi matapobre ang magkapatid. Pero malaking hadlang iyong alam ni Anthony na housemaid ka niya sa pagnanais na alukin ka ng kasal. What about you, pakakasal ka ba sa isang houseboy ninyo?" naghahamon ang tinig ni Wilna.
"Bakit hindi, Wilna? Kung talagang mahal ko ba siya at mahal niya ako. At kaya niyang panindigan ang pagmamahal niya sa akin. He must be man enough to carry us through. May tiwala sa sarili kahit mahirap at may dignidad sa gitna ng kahirapan." Naisip niya si Adrian. Ang oportunistang si Adrian. Kung hindi lang sana pera ang hangad nito sa mommy niya. "Napagtutulungan ang pagkita ng pera, Wilna. Money isn't everything. There should also be respect and love."
"I do not know what to say, Jen."
"Kung mahal ako ni Anthony ay ipakita niya ngayon iyon. Hindi siya ang kauna-unahang mayamang iibig at magpapakasal sa isang mahirap. A certain King in England, Henry something, abdi­cated his throne to marry a commoner. Prince Rainier of Monaco married commoner and actress Grace Kelly," seryosong sinabi niya.
Gustong manlumo ni Wilna. She hated pre­marital sex. But she can't be judgmental. "Hanggang kailan mo gagawin ito?"
Nagkibit siya ng balikat. "To tell you frankly, I do not know. I love him and wanted to be with him for always. Maybe until he needs me," malungkot niyang sabi. "Did you tell Angelo about me?" aniya makaraan ang ilang segundo.
Umiling si Wilna. "Keep your promise, Wilna. I'll get out of this mess soon. Makikita mo."
"Without him breaking your heart, I hope." Pagkatapos noo'y nagpaalam na ito.
SI ANGELO ay nakikipagkomprontasyon din sa kapatid.
"Sinisira mo ang buhay ni Jenny, Anthony. Ano ang mangyayari sa kanya pag nagsawa ka?"
"Ano ka ba naman, Angelo? Pabayaan mo ako sa ginagawa ko. Maligaya kami ni Jenny sa arrange­ment namin," may iritasyong sagot niya.
"Why don't you marry her kung ganyang para na kayong mag-asawa at doon ka umuuwi?"
"There's really no need to marry her. Okay kami sa ganito. Pag nagsawa sa isa't isa, di maghiwalay. Walang kapirasong papel na nagtatali," pangangatwiran niya. Nagsindi ng sigarilyo.
"Do you love her?"
Nabigla si Anthony sa tanong na iyon. Umiwas siya ng tingin. "Hindi ko alam. Sabi ko sa iyo noon ay pakakasalan ko ang babaeng iniibig ko."
"Kahit isa siyang housemaid?" hamon ni Angelo.
"Kahit isa... " Hindi niya itinuloy ang sasabihin. "I don't probably love her," mabuway niyang sagot.
"Huwag mong sirain si Jenny, Anthony. If you don't want her, then release her. May makakatagpo siyang ibang lalaking magtototoo sa kanya. Find someone you can lust after."
May bumundol sa dibdib ng binata sa sinabi ni Angelo na makakatagpo pa si Jenny ng ibang lalaki.

Be Still, My Heart - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now