Chapter 9

3.4K 39 1
                                    

CHAPTER NINE

NILAMUKOS ni Anthony ang mensaheng iniwan ni Jenny sa ibabaw ng bar. Pagkatapos ay muli ring binuklat at baka namamalikmata lang siya sa pagbasa. Subalit maliban sa nagusot ang papel ay walang ipinagbago sa naroroong mga letra.
Thank you so much for everything. I love you and will never forget you.
Jenny
Mabilis niyang pinasok ang silid at binuksan ang closet. Wala na roon ang mga gamit ng dalaga. Nanlulumong napaupo siya sagilid ng kama. Sinapo ng mga palad ang ulo. Hindi totoo ito! Nakadarama siya ng panic. Hindi maaaring iniwan siya ni Jenny.
Naisip ang candlelight dinner kagabi. Their wild love makings. How could he be so foolish na hindi man lang naghinala roon. Sana'y hindi na niya iniwan ito kaninang umaga.
Ano ang dahilan at umalis ang dalaga? They seemed to be very happy together. Nagsisikip ang dibdib niya. Gusto niyang sumigaw.
Mabilis siyang bumaba ng building at sumakay ng kotse. In record time ay narating niya ang Tagaytay sa gulat ng mga naroon.
"Nasaan si Jenny?" bungad nito sa marahas na tono. "Itinatago ba ninyo siya dito?"
"Calm down, Anthony. Wala dito si Jenny at hindi namin siya itinatago," sabi ni Angelo.
"Tumawag siya sa akin kaninang umaga. Sinabi niyang aalis siya. Tinanong ko kung bakit pero wala siyang sinabing dahilan,'' si Wilna na gustong manlumo sa nakikitang ayos ng bayaw.
"Bakit hindi mo ipinaalam sa akin? Bakit hindi mo itinawag?" Ibinagsak niya ang sarili sa settee. Hindi makuhang itago ang sama ng loob.
Walang malamang sabihin ang tatlo.
"I love her, Wilna. I love her so. Tell me where to find her. You two are friends," aniyang halos nagmamakaawa ang tinig.
Si Nana Inez ay sumulyap kay Wilna na tila nagpapahiwatig na sabihin dito. Subalit umiwas ng tingin ang babae. Naupo sa harap ng binata.
"Hindi ko alam, Anthony. It was partly true dahil hindi naman sinabi sa kanya ng dalaga kung taga-saan ito. Ang ipinagtapat nito sa kanya'y ang katayuan nito sa buhay.
"You didn't want to marry her, Anthony, dahil isang maid lang si Jenny, 'di ba? Kaya ano ang ipinagkakaganyan mo? You should be glad at kusa siyang lumayo. Nawalan ka ng pananagutan," sabi ni Angelo.
"She's my everything, Angelo. And I'll marry her kahit na isa pa siyang Metro Aide!"
"Bakit hindi ganoon ang ginawa mo? Bakit hindi mo sa kanya sinabi iyang sinasabi mo ngayon?"
"I thought she's happy with me at maliban noong una'y hindi na muling bumangon ang pagkakataon para pag-usapan iyon." Isinandal niya ang ulo sa sofa. Hindi niya gustong bumagsak ang likidong nasa mga mata niya. Ang natatandaan niyang pagkakataong umiyak siya'y noong mamatay ang mga magulang nila. "I'm a fool, Angelo, aren't I? Pinakawalan ko ang babaeng siyang lahat sa buhay ko," he said in a pained voice.
"Mahal ka ni Jenny, Anthony. Sa kabila ng pagpapayo ko na hindi tama ang ginagawa niyang pakikipag-live in sa iyo ay hindi siya sumunod. Sinabi niyang mananatili siya sa iyo hanggang kailangan mo siya..." si Wilna.
"I need her! Just as I needed air to breath."
"I don't know what made her change her mind. Noong tawagan ko siya noong gabi ng party ay wala akong nahahalatang kakaiba sa kanya," patuloy ni Wilna.
"Nakausap mo siya noong company anniver­sary?" Marahas niyang nilingon ang hipag.
Tumango si Wilna. "Kinumusta ko dahil sinabi mong masama ang pakiramdam niya."
"Oh!" Inihilamos nito sa mukha ang dalawang palad. "I lied to her. Hindi ko sinabi ang tungkol sa party. " At iyon marahil ang dahilan kaya umiyak ito.
"Dahil baka sumama siya sa iyo at ikinahihiya mong may makakilala sa kanyang siya ang maid mo sa mansion, ganoon ba?" sarkastikong sinabi ni Angelo. "Really, Anthony. Ang Mama ay dating tindera nang mapangasawa ng Papa."
"Hell! Hindi ko siya ikinahihiya," mariing tanggi niya. "I was not just ready to face commitment. Family affairs ang mga party ng kompanya at natakot akong pag isinama ko siya, I already have branded myself as a family man. "
Hindi kumikibo si Angelo. Naghihinala na siyang mahal ni Anthony si Jenny. Ang hindi nito matiyak ay kung gaano at kung handa ang kapatid na iwan ang pagkabinata at pakasalan ang dalaga.
Kinabukasan ay sa mansion na nagtuloy si Anthony. He'd die of loneliness kung sa condo siya tutuloy. Pumasok-dili sa opisina at kung naroon man ay wala ring nagagawa at pinag-iinitan pa ang mga empleyado. Ilang beses na siyang pinagtangkaang kausapin ni Angelo pero umiiwas siya.
Isang linggo ang matuling lumipas nang muli siyang bumalik sa condo. Parang may nagtusok ng patalim sa dibdib niya. His heart ached, afraid and tom.
Mula nang dalhin niya sa condo si Jenny, all the ghosts of previous women were totally gone as if they were exorcised. Ang lahat sa unit ay kay Jenny. He could smell her scent everywhere.
It's cold here in the city
It always seems like when I've
been thinking about you almost everyday
Thinking about the rain
Makin ' about how bad itfeels alone again...
They all know I'm crying
I can't sleep at night
They all know I'm dying down deep inside...
I can't believe you went away
Tumayo siya sa may pinto ng silid at inikot ang mga mata sa loob. He could hear her laughter. He imagined their lovemakings. He thought of the last time they made love.
I'm sorry if I took things for granted
More than anything else I m sony for myself
Cause you 're not here with me...
Nagsisikip ang dibdib niya. "You're slowly killing me, sweetheart."
Hindi siya dapat pumarito pero ang mansion ma'y puno ng alaala ng dalaga. Humakbang siya paatras upang bumalik sa sala nang mahagip ng paningin niya ang isang papel na halos nasa ilalim na ng kama.
Wala sa loob na humakbang patungo roon at dinampot ito. Nanigas ang buong katawan niya sa nabasa roon. Sa simbuyo ng damdami'y inabot ng kamay niya ang wardrobe. Nabasag ang salamin doon. Subalit durog na ito'y ayaw niyang tigilan. Umaagos na ang dugo sa kamay niya pero wala siyang nararamdamang sakit. Tila namanhid ang buong katawan niya.
SINAPO niya ang ulo nang magising siya. Napakasakit. Muli niyang ibinagsak ang sarili sa kama.
"Mabuti at gising ka na, Anthony." Napalingon siya sa may pinto. Si Nana Inez na may dalang tray ng umuusok na pagkain. "Kainin mo muna itong mainit na sopas."
"What have you been doing to yourself?" si Angelo na nasa tabi ng bintana kasama si Wilna.
"Ano ang ginagawa ninyo rito? Iwan ninyo ako! "
"You're getting out of hand, Anthony," pagalit na wika ni Angelo. "You've never been that drunk. And I had to call a doctor dito sa building dahil ayaw huminto ng dugo sa kamay mo. A broken glass hit a nerve. Bakit hindi mo harapin ito like a dignified man?"
"Easier said than done. Send me to war, Angelo, at hindi ko uurungan iyon." Bumangon siya at naupo sa kama. Muling sinapo ang ulo ng kamay na may bandage.
"It is very ironic na babae ang dahilan ng ipinagkakaganyan mo, Anthony...'' patuloy ni Angelo.
"I hated myself for being such a bastard, Angelo!" aniyang tumingin sa kapatid. "Umalis si Jenny dahil nalaman niyang nagdadalantao siya. She's pregnant, Angelo. She's carrying my child! "
"Oh!" si Wilna nananlumo. Bakit hindi sinabi ni Jenny iyon? Si Angelo ay nawalan ng sasabihin.
"At hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa sinuman sa kanila. She's worried and scared and who knows kung ano ang maisip niyang gawin?" patuloy niya na sinapo ng dalawang kamay ang ulo.
Nilingon ni Nana Inez si Wilna. "Wala akong sisiraing salita, Wilna. At kahit na nangako pa ako'y sisirain ko pa rin, " Lahat ng mga mata'y natuon sa matanda. Tensiyon ang kay Anthony. "Mananatili akong walang kibo kahit ako ang nasasaktan sa nangyayari sa iyo, Anthony. Pero hindi ako papayag na may isang walang-malay na sanggol ang madadamay."
Nagsalubong ang mga kilay ni Anthony. "Alam ba ninyo kung nasaan si Jenny, Nana?" Halos hindi siya humihinga habang hinihintay ang sagot ng matanda.

Be Still, My Heart - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now