Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kagabi, paggising ko kanina nakahiga na ako sa kwarto ko.
Pagkatapos kong mag shower nag bihis narin ako, kailangan kong pumasok sa office. Napahawak ako sa ulo nang maramdaman ang kirot mula roon, hindi na talaga ako iinom ulit.
Pagpasok ko sa office nagulat ako nang makita si freen, anong ginagawa niya rito?
Kausap niya ang secretary ni mommy sa may lobby, mukhang paalis narin siya. Nang lumingon siya sa dereksyon ko kaagad akong nagtago sa gilid ng pader, gosh mukhang tuloy akong stalker
Sumilip ako nang makita kong wala na roon si freen saka lang akong lumabas
"What the he...."
Muntik nakong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si freen mula sa kung saan, gosh
"Gusto mo ba akong patayin?" Inis ko siyang tinignan
"Nagtatago kaba?" Tanong niya
"H-hindi, bakit naman ako magtatago?" Nag-iwas ako nang tingin.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa'kin at hinawakan ang noo ko.
"Are you alright?" Tanong niya ulit habang 'yong palad niya nasa noo ko parin"
Napakurap ako bakit bigla siyang ganito? May nangyare ba kagabi? Oh gosh wag naman sana.
Inalis niya ang palad niya sa noo ko at nagsalita ulit "You drunk last night, lasing din ang dalawa mong kaibigan kaya ako ang naghatid sa inyo" tumingin siya sa'kin "And you say something to me"
Pakiramdam ko ngayon lahat ng dugo ko umakyat sa pisngi ko, oh god sabihin ninyong hindi totoo to. Sa mga oras nato gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
"Freen..."
Sabay kaming napalingon sa babaeng tumawag kay freen, bago pa siya makalapit sa'min kaagad na kong tumakbo paalis roon.
Napahawak ako sa dibdib ko nang makapasok na ako sa office, hindi ko alam kung kinakabahan pa ako dahil sa pagtakbo ko o dahil sa sinabi niya sa'kin.
Napasapo ako sa noo ko at pilit inaalala ang nangyare kagabi, pero kahit anong pilit ko wala akong matandaan. Ano bang sinabi ko sa kanya?
Hapon na ngunit nan-dito parin ako sa loob ng office, iniisp ko ngayon kung pupunta ba ako sa tagaytay? O wag na lang dahil nandon si freen.
"Gosh becky maging professional ka dapat" sabi ko sa sarili ko.
Inayos ko sarili ko bago ako lumabas, ilang oras rin ang tinagal ko bago ako makarating sa tagaytay.
Pagbaba ko ng kotse nakita ko agad si freen, kausap niya ang isang worker medyo malayo siya pero tanaw ko parin.
"Ms Armstrong," napatingin ako sa gawi ko kung saan nandon si engineer leo lumapit siya sa'kin nang makita ako.
Nag-usap kami ni engineer leo tungkol sa project may mga kailangan daw baguhin, at kailangan daw madagdagan ang mga workers. Sumang-ayos naman ako sa sinabi niya.
Habang nag-uusap kami ni engineer leo, nakita kong naglakad si freen umupo siya roon sa table. Saglit siyang sumulyap sa'kin pero agad rin niyang iniba ang paningin niya nang makitang nakatingin ako sa kanya.
Pagkatapos namin mag-usap ni engineer leo, lumapit ako sa kinakaroonan ni freen umupo ako sa kabila
Hindi siya nakatingin sa'kin nakafocus siya sa laptop niya, tumikhim ako para mapansin niyang nandito ako pero hindi man lang niya ako sinulyapan.
"Freen," sambit ko
"Hmm?" Hindi parin siya nakatingin sa'kin
"About last night, sorry"
Tumingin siya sa'kin bahagyang nakakunot ang kanyang noo
"Okay" maikling sabi niya saka binaling ang tingin niya sa laptop
"Galit kaba?" Inis ko siyang tinignan, bigla na lang kasi siya naging masungit mukhang nakalimutan niyang kinausap niya ako kanina
"Bakit naman ako magagalit?" Tanong niya pabalik, nag-agat siya nang tingin sa'kin.
Oo nga naman bakit naman siya magagalit diba? Hindi naman kami close magka-trabaho lang kami 'yon lang 'yon.
Pagkatapos non hindi ko na siya muling kinausap, tumayo ako at pumunta kay engineer leo. Buong maghapon naging busy ako at ganoon rin si freen
Hindi kami nagpapansinan mas okay na nga to dahil hindi naman talaga kami okay, mabuti nang hindi kami mag-uusap.
Pagkatapos kong mag shower humiga ako sa kami, eto na naman at naiisip ko na naman si freen.
Bumangon ako at nag-bihis nagsuot ako ng maong short and black top, kinuha ko ang damit ni freen noong naulanan ako, pupunta ako sa condo niya kailang ko kasi kunin ang damit ko na naiwan ko roon.
YOU ARE READING
TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE
RomanceTITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE "Ladies and gentlemen we have just landed Philippine airlines, welcome you to manila the time now for you convenience is exactly 3:20 in the afternoon. For your safety and the safety of those around you, please rema...