CHAPTER 31

393 13 1
                                    

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko, napahawak pa ako sa ulo ko bago minulat ang mga mata ko. Una kong nakita ang puting kisame sumunod kong tinignan ang paligid ko, kumunot ang noo ko dahil hindi ito ang kwarto ko.

"Nasaan ako?" Napatanong ako sa sarili ko bago bumangon, naghilamos muna ako sa C.R bago lumabas napatingin rin ako sa suot ko nang mapansin iba na ang suot lalo tuloy akong naguguluhan.

Paglabas ko ng kwarto nangunot lalo ang noo ko dahil nakita ko si freen nasa kitchen siya nakatalikod siya sa'kin kaya hindi niya ako nakita.

Nasa condo pala niya ako, iba na ang design at mukhang bago na rin ang mga gamit na narito. Tumikhim ako kaya lumingon siya sa'kin.

"Gising kana" sabi niya

Obvious ba? Nakita na nga niya ako diba, syempre hindi ko 'yon sinabi. Hindi ako nagsalita nakatingin lang ako sa kanya nagtataka.

"Kumain kana muna" sabi niya na kinairap ko

"Bakit mo to ginagawa?" Tanong ko "Wag kang umaktong na okay na tayo, dahil ang totoo hindi naman, sinabi ko na sayo ayaw na kitang makita kahit tignan ka ayoko na"

Hindi siya nagsalita nakatingin lang siya sa'kin ngayon, hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

"Kaya please lang layuan mo na ako, okay na ako wag mo na akong guluhin pa" pagkasabi ko naglakad na ako palabas.

Okay na ako kaya mas okay na to, ayokong may ugnayan pa kaming dalawa dahil pagnagpatuloy to baka ako lang din ang mahihirapan.

Pagdating ko sa bahay nag shower na ako nag text si sean na dumating na siya, kaya nagbihis ako dahil magkikita kami ngayon.

Nag drive ako papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni sean, pagpasok ko sa loob nakita ko kaagad si sean tumayo siya at lumapit sa'kin.

"Hi nathia" He greeted me "Long time no see, how are you?"

"I'm fine" ngumiti ako sa kanya

Nag-usap kami ni sean while eating, kung ano-ano na lang pinag-uusapan namin Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa mall wala naman akong bibilihin sinamahan ko lang si sean.

"See you tomorrow" Paalam ni sean "Here for you" He smiled and give me a paper bag. Binuksan ko kaagad 'yon. It was a small bag, mamahaling bag.

"Thank you" sabi ko na lang

Nagpaalam na si sean, gusto pa sana niya ako ihatid pero sabi ko wag na dala ko naman ang kotse ko. Bago umalis si sean niyakap pa niya ako nagulat ako ng humalik siya sa pisngi ko. Pagkaalis ni sean kaagad akong napatingin sa paligid ko hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako na baka may makakita sa'min.

"Gosh" umiling-iling ako bakit ko ba siya iniisip? Ano naman kung makita niya? In fact wala lang naman siya sa'kin ngayon.

Naglakad ako papunta sa parking lot kung saan nandon ang kotse ko, pagkarating ko nangunot ang noo ko nang may taong nakasandal doon. Kinakabahan akong lumapit

"Freen?" Gulat na sabi ko nang makilala ko siya, anong ginagawa niya dito?

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now