Mula sa pagkakahawak ni freen ng palapulsuhan ko, mabilis ko rin 'yon nahila kaya napahinto siyang lumingon sa'kin.
"I said I'm okay" sabi ko
"You're no-"
"Okay lang nga ako diba!" I cut her off "Don't ack like you care"
Tumalikod na'ko at pumasok sa loob ng gym, after kong mag exercise at nag shower umuwi na rin ako.
Wala akong ginawa maghapon next week pa naman ang pasok ko sa work, yon kasi ang sabi ni mommy. Si daddy naman hindi ko masyadong nakikita dahil sobrang busy niya.
"Mia umuwi na tayo" inis kong tinignan ang dalawa
Nandito kami ngayon sa bar kakarating lang namin, ayoko sana sumama pero wala na akong magawa ng hatakin ako ng dalawang to.
"Kakarating lang natin" si riya ang sumagot
Nakaupo na kami ngayon sa table si mia naman ng order ng maiinom.
"Nat yung ex mo" natakip pa ng bibig si riya
"Omg" salita ni mia kakarating lang
Napalingon tuloy ako kung saan nakita ko si freen sa kabilang table, may kasama siya roon. Hindi ko na 'yon pinansin uminom na lang ako.
Medyo lasing na'ko kaya nakikipagtawanan nako sa dalawa, lalo pa kaming tumawa dahil maraming lumalapit na lalaki para makilala ako yung iba naman gusto nilang humingi ng number ko. Si mia at riya ang nakipag-usap sila rin ang gumagawa ng palusot para umalis ang mga lalaki.
Nagpaalam ako sa dalawa na bibili lang ako ng tubig, dala dala ko ang bottle of water naglakad ako palabas para magpahangin. Medyo na lalasing na ako kailangan kong uminom ng tubig para mawala to.
"Shit" hindi ko mabuksan ang bottle, ilang ulit ko 'yon pinilit buksan pero hindi ko dalaga mabuksan.
Nagulat ako nang may biglang lumapit sa'kin at kinuha niya ang bottle mula sa kamay ko saka niya binuksan, wala ka hirap-hirap niya 'yon nabuksan. Pagkabukas niya binigay narin niya sa'kin.
"Thanks" tinanggap ko yung bottle, tumingin ako sa kanyan at sakto naman nakasalubong ang mga mata namin "Freen!" Umiwas ako ng tingin saka uminom ng tubig.
Wala naman kibo si freen sa tabi ko kaya hindi rin ako nagsalita, baka tulad ko gusto niya rin magpahangin. Balak ko sanang pumasok sa loob nang marinig ko ang boses ni freen.
"Are you okay?" She asked
Baka 'yong tinanong niya iyong kanina, napahawak tuloy ako sa noo ko "Yeah" maikling sabi ko bago nagpatuloy sa pagpasok sa loob. Umupo ako sa table ulit at nagsimulang uminom, sumasakit na ang ulo ko pero umiinom parin ako tumigil lang ako nang maramdaman ko ang pagkahilo. Tumayo ako naglakad papunta sa C.R
Pagpasok ko sa C.R bigla akong napahinto nang may maalala ako, unti-unti na rin nag-init ang mga mata ko.
"Tapos na ang lahat okay na ako ngayon kaya wala ng reason para umiyak pa ko" umiling ako bago naghilamos.
Paglabas ko ng C.R muntik pa kong matumba buti na lang may humawak sa braso ko, hilong-hilo na'ko.
"Lasing kana" sabi ng humawak sa braso ko
Kunot noo akong tumingin sa taong nakahawak sa braso ko "Ikaw na naman?" Wala sa sariling tanong ko "Bakit mo ba ako sinusundan? Alam mo bang ayaw na kitang makita" Pumiyok pa ko.
Nakita ko bigla ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa'kin, naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa braso ko. Bago pa niya tuluyan bitawan ang pagkakahawak niya sa braso ko nakaramdam ako ng pagkahilo bago pa ako tuluyan matumba naramdaman kong may humawak sa bewang ko kaya napasubsob ako sa dibdib ng taong 'yon kasunod non ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko.
YOU ARE READING
TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE
RomanceTITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE "Ladies and gentlemen we have just landed Philippine airlines, welcome you to manila the time now for you convenience is exactly 3:20 in the afternoon. For your safety and the safety of those around you, please rema...