CHAPTER 34

475 15 0
                                    

SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE

CHAPTER 34

Finley Freen POV

"Are you ready?" Nat smiling
"Relax lang wag kang kabahan"  

I gave her a small smile, hawak ko ang kamay niya habang papasok kami sa loob ng bahay nila. Inihanda ko na ang sarili ko sa posibleng mangyare.

Pagdating sa bahay nila hindi na ako nagulat nang makita ang daddy ni nat alam ko na noon na buhay siya.

"So ikaw pala ang sinasabi ng anak ko!"  Sabi ng daddy ni nat hindi ko alam kung tanong 'yon dahil mukang hindi naman patanong ang sinabi niya, magka edad lang sila ni daddy I think line of 40 na siya

"Yes sir"  I said in a low voice,  wala ngayon si nat nasa kwarto siya, hinihiling ko na sana matanggap ako ng daddy niya lalo na sa nangyare sa kanya noon.

"Masaya ako dahil nakikita ko ang anak kong masaya sayo and now" sabi niya habang hawak ang glass of wine  "Name your price?"

"Po?" Gulat akong napatingin kay daddy ni nat

"Magkaibigan kami ni Mr Sarocha pero hindi ibig sabihin na kaya kong tanggapin ang anak niya para sa anak ko" He said while looking at me   "Hindi ikaw ang nararapat sa anak ko, hindi ang isang tulad mo na walang pang nararating sa buhay"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko, natahimik ako at hindi makapag salita. Pakiramdam ko nanliit ang tingin ko sa sarili ko

"I love her at papatunayan ko sa inyo na karapat-rapat ako para sa kanya hindi mapapantayan ng pera ang pagmamahal ko kay nat"  matapang ko siyang tinignan  "Hinding-hindi ko siya iiwan"

"Alright tignan na lang natin kung hanggang saan ang sinasabi mong pagmamahal." May kinuha siyan envelope at ibinigay sa akin.

Binuksan ko ang ibinigay niya muntik ko pa yon mapitawan dahil sa gulat nang makita ko ang litrato ni daddy, anong ibig sabihin nito?

"Kaya kong palabasin na ang daddy mo ang dahilan sa accidenteng nangyare noon sa akin"  ngumiti siya sa'kin habang umiinom ng wine  "Now choose my daughter or your father?"

"You are so dumb"  salita ni via ang narinig ko "Kala ko ba ayaw mong saktan siya? Noong hinalikan nga kita noon nagalit ka at lalo na nong nakita niya, pero bakit ngayon? Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo. Kung sabihin mo na lang kaya sa kanya ang totoo."

Hindi ako sumagot nakatingin lang ako ngayon kay nat kung saan naglalakad siya palabas ng bar, alam kong narinig niya ang sinabi ko kanina sa C.R. Dahil iyon naman talaga ang plano ko. Late akong umuuwi dahil gusto kong iwan na lang niya ako, gusto kong umalis na lang siya para hindi ko na siya masaktan pa. Habang tumatagal mas lalo akong nahihirapan habang nakikita siyang nasasaktan dahil sa akin.

Naglakad ako palabas ng bar upang sunda siya, makulimlim ang kalangitan sanhi na uulan, ilang saglit ba bumuhos na ang malakas na ulan. Napapikit ako habang dinadama ang pagbuhos ng ulan tila sumasabay sa bigat ng mga nangyayare ngayon sa amin.

Nakasunod lang ako kay nat habang naglalakad siya nakita kong nadapa pa siya, muntik na ako tumakbo papunta sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko, kala ko tatayo na siya pero hindi dahil narinig ko ang pag-iyak niya.

Napahawak ako sa dibdib ko ang sakit makitang nasasaktan siya dahil sa akin.

Nauna akong dumating sa condo nilapag ko lang ang bag ko sa sofa, pagkatapos kong maligo humiga na ako sa kama hinihintay kong dumating si nat. Mayamaya pa narinig ko ang pagbukas ng pinto, nanatili akong nakahiga sa kama nag kunwari akong tulog kahit ang totoo unti-unti ng nagsisipatakan ang mga luha ko.

Nakatayo ako ngayon sa labas ng C.R kung saan rinig na rinig ko ang pag iyak ni nat, parang nadudurog ang puso ko habang naririnig ang pag-iyak niya, gustuhin ko man yakapin at humingi ng sorry sa kanya hindi ko magawa dahil duwag ako.

Gusto kong isipin niyang niloko ko siya, gusto kong isipin niyang hindi ko na siya mahal nang sa ganon iwan na niya ako.

Buong gabi hindi ako natulog nasa sofa si nat, at buong gabi rin akong nakatingin sa kanya. Nangmaramdaman ko nang nakatulog na siya lumapit ako sanya hinaplos ko ang mukha niya bago siya halikan sa noo.

"I'm sorry baby." I whispered

Mag uumaga na nang tumayo ako mula sa tabi ni nat bumalik ako sa kwarto para maligo, pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako napahinto ako nang makita ang pagkain sa table pero wala dito si nat narinig ko na lang pagbuhos ng tubig mula sa C.R.

Kinain ko ang pagkain sa table nag-iwan din ako nang notes.

Pagkatapos nang trabaho ko umuwi na ako   maaga pa lang papasok na sana ako pero napahinto ako nasa labas ako ng condo unit namin, hindi ako pumasok sa loob ganito naman ang ginagawa ko maaga akong umuuwi pero eto ako ngayon nakatayo lang sa labas. Isa akong duwag at hindi ako karapat-rapat kay nat.

Ilang oras akong nakatayo sa labas ng unit bago ako pumasok sa loob. Binuksan ko ang pinto ng kwarto kung saan nakita ko si nat nakahiga siya sa kama, lumabas ako para mag shower pagkatapos kong maligo nagsuot lang ako ng pajamas. Ilang saglit kong pinagmasdan si nat habang nakahiga siya alam ko hindi pa siya natutulog, humiga ako sa kama habang nakatingin sa kanya nakatalikod siya sa'kin kaya malaya ko siyang napagmasdan. Ilang saglit pa naramdaman kong nakatulog na siya. Bumangon ako sa kama at lumipat sa kabilang side niya, pagkahiga ko naramdaman ko ang kamay niya yumakap kaagad sa'kin matagal ko siyang pinagmasdan. Hinalikan ko ang noo niya habang may tumutulong luha sa aking mga mata.

"Iwan mo na ako please." Binunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko  "Hindi ko na kayang nakikitang ganito hayaan mo na ako ang magdusa"

Kinabukasan maaga akong nagising nagluto ako bago maligo pagkatapos kong magbihis natutulog pa si nat humalik ako sa noo niya bago umalis.

Maaga akong umuwi dahil nag-aalala ako kay nat, pagdating ko sa unit pumasok kaagad ako sa loob hindi ko nakita si nat sa sofa nagmamadali akong tignan siya sa kwarto pero wala rin siya pati sa C.R. wala rin siya. 

Nagmamadali akong lumabas para hanapin si nat, gusto kong iuntog ang sarili ko dahil eto naman ang gusto ko pero eto ako ngayon hinahanap siya.

Palabas na sana ako ng lobby nang makita ko si nat, nakayuko siya habang naglalakad kahit dumaan siya sa harap ko hindi man lang niya ako napansin. Nakasunod ako sa kanya habang naglalakad siya papunta sa unit namin, nang makapasok na siya sa loob nakatayo naman ako sa labas. Sobrang sakit nang makita siyang ganito, sobrang sakit dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya nasasaktan.

"It will hurt me to l-leave, but I will hurt myself more if I s-stay"

Parang nadudurog ang puso ko habang naririnig 'yon mula kay nat, umiiyak siya ngayon habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon.

"Thank you for everything freen now I'm breaking up with you"

Iyon ang huling salita ni nat bago siya tuluyan umalis, ilang minuto akong nakatayo habang unti-unting tumutulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, humahagulhol akong umupo sa sahig sobrang sakit.

I felt guilty. I felt selfish for everything I did to her. Sinaktan ko siya pero ako yung mas nadurog. I cries more pakiramdam ko hindi na ako makakaahon sa sakit nang nararamdam ko.

Iniwan na ako ni nat niniwan na niya ako, eto naman ang gusto ang iwan niya ako pero sa pagkawala niya labis akong nagdusa.

TO BE CONTINUE........ 

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now