CHAPTER 5

401 17 0
                                    

"Bakit ba kailangan mong sumama?" Inis akong tumingi kay freen nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya, pabalik na sa condo naiinis tuloy ako dahil 'iyong moment na gusto kong mapag-isa ay hindi nangyare.

"Why?" Tinignan niya ako "May date kaba?"

"W-wala" Umiwas kaagad ako ng tingin dahil tinititigan niya ako.

Hindi na siya sumagot kaya tumahimik na lang din ako. Nakakainis talaga ano naman sa kanya kung may date ako diba?

Pagdating namin sa condo unit niya kaagad na ako dumiretso sa kwarto niya, at shower pagkatapos kong maligo nagsuot lang ako ng pajamas, inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako lumabas balak ko nadin kasi bumalik sa condo unit ko bukas.

Paglabas ko nakita ko si freen nasa sofa busy siya sa laptop niya at mukhang masakit na ang ulo niya kitang kita ko kasi kung paano siya napahawak sa noo niya.

Tumikhim ako para maramdaman niya na nandito ako pero hindi man lang niya ako nilingon at mukhang wala din siyang balak na tignan ako

Umupo ako sa sofa kung saan siya nakaupo balak ko kasi manood ng movie, hindi ko na lang din siya pansin no.

Enjoy na enjoy akong nanonood ng movie habang tong katabi ko tahimik lang may sariling mundo.

Seryoso akong nakatingin sa tv nang mag kiss iyong mga bida.

"Turn off the TV"

Lumingon ako kay freen nang magsalita siya, bati pa naman sa panonood ko ng tv?

"At bakit ko naman gaga....." Naputol ang sasabihin ko nang may pumasok sa isip ko "Don't tell me na wala ka pang first kiss?"

Tinignan lang niya ako ng nakataas ang kilay

"Omg" napatakip ako sa bibig ko bago tumawa dahil mukhang wala pa talaga siya first kiss "Walang ka pang first kis......"

Bigla akong napahinto sa pagsasalita nang bigla siya lumapit sa akin at sa isang iglap

Magkadikit na ang aming mga labi.......

"HELP!! NAGKAKAGUSTO NAKO SA BABAE"

Napahawak ako sa buhok ko habang kausap ko sa video call sina riya at mia

Ilang araw na simula noong hinalikan ako ni freen at ilang araw nadin ako hindi matahimik kakaisip sa kanya, bumalik na din ako sa condo unit ko pero kahit na ganon araw-araw ko pa rin siya nakikita, paaano kasi sa tuwing lumalabas ako e nakakasalubong ko siya, oh god sinasadya ba ito ng tadhana?

"Wait, omg" Napatakip ng bibig si mia at ganon din si riya

Mayamaya pa ay sabay na silang nagtawanan tuwang-tuwa

"Omg girl congratulation dalaga kana" Natatawang sabi ni riya

"Isa kanang ganap na babae, tapos babae din gusto mo" ani mia

Kung malapit lang talaga tong dalawang tong sinabunutan ko na.

Pagkatapos kong kausapin yung dalawa lalo tuloy akong nai-stress, padabog akong humiga sa kama pero kaagad rin akong napabangon nang may nag doorbell.

Pagbukas ko ng pinto sumalubong sa'kin ang mukha ni freen habang masamang nakatingin sa'kin.

"Dito ako matutulog" Sabi niya

Isasarado ko sana ang pinto pero nakapasok na siya sa loob ng unit ko.

Oh gosh.

"Bakit dito ka matutulog? At saka may condo ka naman bakit hindi ka doon matulog bakit nakikitulog ka sa'kin"

Sa mga sinabi ko tinignan lang niya ako tapos pumunta na siya sa sofa at kampanteng humiga roon.

Nakatingin ako sa kanya habang nakapikit ang kanyang mga mata, she's wearing pajamas

Kahit naiinis ako may parte pa din sa puso ko natuwa dahil kasama ko pa din siya hanggang ngayon.

"Tititigan mo na lang ba ako diyan?" Kalmadong sabi niya saka umupo sa sofa

Napairap ako bago ako umupo sa kabilang sofa ngayon ay kaharap ko na siya

"So bakit kanga pumunta dito?" Panimula ko "Nasa kabila lang naman condo mo bakit kailangan mo pa dito matulog?"

"I don't want you to be alone" kalmadong sagot niya "baka kung anong mangyare sayo, gusto ko lagi kitang kasama para maprotektahan kita."

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now