"Alam mo ba nagtataka ako kung bakit mo ako nagustuhan?"
Nandito kami ngayon nakaupo sa paanan ng sofa habang nanonood ng movie kakatapos lang namin kumain, ngayon naman ay kumakain ako ng apple si freen naman binabalatan niya iyong apple
"Well sa ganda ko ba naman" Hinawi ko ang buhok ko at tumingin sakanya. Pero tinaasan lang niya ako ng kilay at pinagpatuloy ang pagbabalat niya ng apple
Napairap ako kumuha ulit ako ng hiniwa niyang apple, nasa bibig ko na iyong apple nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya nakatingin ako sa kanya habang 'yong apple nasa bibig ko
Mabilis niyang inilapit ang mukhang niya sa'kin at kumagat sa apple na nasa bibig ko iyong labi niya dumampi na rin sa labi ko, ang lambot
Pagtapos non bumalik na siya sa pagbabalat ng apple na tila walang ginawa sa'kin
Ngumiti ako saka lumapit sa kanya "Isa pa" Sabi ko habang nakangiting nakatingin sa kanya
Tinignan niya ako habang nakataas ang isa niyang kilay, hindi siya sumagot kaya hinawakan ko ang braso niya lumapit ako ng kaunti sa kanya saka ko siya hinalikan.
Saglit lang iyon at bumitaw na din ako bumalik ako sa pagkain ng apple, tumingin ako sa kanyan habang nakangiti nagpapa-cute
"I like it when you smile, it's cute" She said "Baby"
Napatakip ako sa mukha ako nag-init kaagad pisngi ko
"Freen may tanong ako" Sabi ko nakahiga kami ngayon sa kama, hindi ako makatulog kaya magtatanong na lang ako
"Hmm?" Sabi lang niya nakapikit na siya
"May nangyare ba sa buhay mo na hanggang ngayon hindi mo nakakalimutan?" Tanong ko
"Yeah," Maikling sagot niya
"Ano naman 'yon?" Mabilis na sabi ko gusto ko malaman kung ano iyon, sandali siyang natahimik bago nagsalita
"7 years ago may isang sasakyan ang pinag-babari at kung saan nangyare iyon ay malapit sa bahay namin" Manimula niya hindi ako nagsalita nakikinig lang ako sa kanya
"Isang araw nalaman ko na lang na kami ang sinisisi doon sa nangyare, inimbestigahan ng mga pulis noon si daddy dahil sa nangyare pero tinigil din dahil inosente si daddy"
Umupo ako sa kama dahil gusto ko pa malaman kung anong nangyare pero kahit anong pilit ko hindi na siya nagsalita ulit, nagkunwari na siyang tulog,
Saka ko na lang siya tatanungin. Huminga na ulit ako sa kama at natulog na
Kinabukasan nagyayare si freen na lumabas kami in short, date.
"Uwi na tayo gabi na" Sabi ko
Tumayo si freen mula sa pagkakaupo at tinulungan din akong makatayo, nandito kami ngayon sa isang park,
Sumakay na kami sa sasakyan niya at nag-drive na siya paalis, tahimik lang kami pareho binuksan ko ang bintana ng sasakyan napapikit ako dahil sa hangin,
May pupuntahan si freen kaya ihahatid lang niya ako sinabi niya sa'kin kanina habang kumakain kami, hindi naman ako nagtanong kung saan siya pupunta dahil nakakahiya naman 'yon
Pagkarating namin sa lobby naunang lumabas ng sasakyan si freen at pinagbuksan ako, ganoon naman siya palagi simula pa noon.
Ngumiti ako sa kanya "Thanks"
Maliit siyang ngumiti lumapit siya sa'kin para halikan ang aking noo.
Tumingkayat ako sa kanya dahil mas matangkad siya sa"kin "Dito pa" Turo ko sa labi ko
YOU ARE READING
TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE
RomanceTITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE "Ladies and gentlemen we have just landed Philippine airlines, welcome you to manila the time now for you convenience is exactly 3:20 in the afternoon. For your safety and the safety of those around you, please rema...