Nakadalawang doorbell na ako ngunit wala parin taong nagbubukas ng pinto, wala ba dito si freen?
Napabuntong hininga ako, tumalikod ako balak ko na sanang umalis nang bigla akong napahinto nang makita ko si freen naglakad siya palapit sa'kin.
"Fre-"
Naputol ang sasabihin ko nang lagpasan niya ako, lumapit siya sa pinto ng condo unit niya at walang lingon niyang binuksan 'yon.
Lumapit ako sa kanya kaya nangunot ang noo ko nang maamoy kong ang alak, she's drunk?
"Freen" hinawakan ko ang dulo damit niya sa likod
Lumingon siya sa'kin at mukhang nagulat pa siya nang makita ako, hindi siya nagsalita binuksan niya ang pinto ng condo unit niya pumasok siya sa loob
Hindi na sana ako papasok sa loob pero nag-aalala ako dahil lasing siya.
Nakasunod ako sa likod ni freen habang papasok kami sa loob, iyong kamay ko nakahawak parin sa dulo ng dami niya.
Napahinto ako nang bigla siyang huminto at tumingin sa'kin, kaya nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa damit niya
"What are you doing here?" Walang emosyon tanong niya
Hindi ko alam kung galit ba siya dahil nakatingin lang siya sa'kin
"Isasauli ko sana ang damit mo pero naiwan ko sa kotse at saka kukunin ko rin iyong damit kong naiwan ko dito" paliwanag ko "Aalis rin ako agad"
"Umalis kana," biglang sabi niya ngayon ramdam ko na ang galit niya dahil ang diin nagpagkakasabi niya 'yon "Diyan ka naman magaling diba ang mang iwan"
Natahimik ako dahil sa sinabi niya, akala ko hindi na siya galit sa'kin dahil sa nangyare noon pero sa mga narinig ko ngayon mula sa kanya napagtanto kong galit parin siya sa'kin.
"I'm s-sorry," I whispered bago pa siya makapagsalita tumalikod na ako saka naglakad palabas ng condo niya.
Mabilis ako naglakad papunta sa kotse ko, ayokong umiyak pero eto isa-isang nagsisipatakan ang mga luha ko. Dapat bang hindi na ako bumalik?
The next day maaga akong pumunta sa tagaytay, nandoon na sina engineer leo at si freen. Buong araw naging busy ulit kami ang daming kailangan ayusin.
5PM nang maisipan kong umiwi, nagpaalam ako kay engineer leo na mauna nako. Hindi na ako nagpaalam kay freen dahil hindi naman kailangan.
Papasok na sana ako sa kotse ko nang may kotseng dumating, pagkahinto nang kotse kaagad lumabas doon ang isang babae
"Freen.." sabi nong babae kay freen nang makita niya
Pumunta roon ang babae kay freen at yumakap sa kanya.
Nakatingin ako sakanila hindi ko magawang pumasok sa kotse ko dahil pakiramdam ko biglang sumikip ang dibdib ko.
Nang sa biglang tumingin sa'kin si freen, pero hindi ako umiwas nang tingin. Lalong sumusikip ang dibdib ko nang makitang yumakap na rin si freen sa babae habang nakatingin sa akin.
Unti-unti uminit ang mga mata ko alam kong ano mang oras tutulo na ang mga luha ko.
"Ms Armstrong, okay ka lang?" Biglang humarang si leo sa harap ko
Natauhan ako at nag-iwas nang tingin "O-okay lang sige una nako"
Hindi ko na hinintay ang sagot ni leo pumasok nako sa loob ng kotse at kaagad umalis roon.
Pagdating ko sa bahay pumasok ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto ng kwarto ko
Umupo ako sa sahig at doon na tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ganito? Bakit ako nagkakaganito? Okay na ako diba? Dapat hindi na ako nasasaktan ngayon dahil wala naman akong pakealam sa kanyan, pero bakit ganito?
Bakit ganito ang nararamdam ko? Bakit ako nasasaktan? Bakit ang sakit-sakit parin?
Okay na ako diba? Naka-move-on na ako 5 years na ang lumipas kaya dapat wala na lang siya sa'kin
Ano bang nangyayare sa'kin? Ano bang dapat kong gawin?
Anong gagawin ko?
YOU ARE READING
TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE
Storie d'amoreTITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE "Ladies and gentlemen we have just landed Philippine airlines, welcome you to manila the time now for you convenience is exactly 3:20 in the afternoon. For your safety and the safety of those around you, please rema...