CHAPTER 10

374 12 0
                                    

Nathia Becky   Point of View

(OMG, girl uuwi kana?)

Inilayo ko kaunti ang phone ko dahil sa lakas ng boses ni mia, kausap ko siya ngayon at sinabi ko sa kanya uuwi na ako next week, sinabihan ko siya na sabihin kay riya dahil nasa work pa siya.

Pagkatapos namin mag-usap ni miya, ngumiti ako may tuwa sa puso ko na hindi ko maintindihan. Dahil ba babalik na ako sa pilipinas? O dahil may iba pang dahil doon?

"Ladies and gentlemen we have just landed Philippine airlines, welcome you to manila the time now for you convenience is exactly 3:20 in the afternoon. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seatbelt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate. The Captain will then turn off the Fastened seatbelt, sign indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments and removing items, since articles may have shifted during flight." Landing Announcement

Paglabas ko ng airport sumalubong sa'kin ang ibat ibang mukha ng tao masaya silang nakangiti habang sinasalubong ang mga mahal nila sa buhay.

It's been 5 years since umalis ako dito sa pilipinas, ang tagal na din

Sana sa paglipas ng panahon ay tuluyan na rin mawala ang sakit ng kahapon.

Bago ako umuwi sa bahay dumiretso muna ako sa office ni mommy, baka sa susunod na araw dito na din ako magtra-trabaho.

"Hi mom," Bati ko sa kanya pagpasok ko sa office niya

"Nat!" Lumapit sa'kin si mommy at niyakap ako "Dapat nagpahinga kana muna"

Ngumiti ako sa kanya "Dumaan lang ako dito mom"

Saglit lang kami nag-usap ni mommy dahil may meeting siya tungkol sa bagong resort sa tagaytag.

Kumakain ako ngayon sa isang Japanese restaurant, uuwi na sana ako kanina pero bigla akong nagutom at nakita ko tong restaurant na to, bagong bukas lang ata siya dahil kaunti pa lang ang mga taong nandito.

Tahimik at malinis siya kaya naman ang sarap sa pakiramdam, dumating na ang order ko kaya nagsimula na akong kumain.

Mayamaya pa ay may narinig ako music galing doon sa mini stage, tumingin ako doon at nakita ko iyong babae na nakaupo. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil walang ilaw doon pero isa lang masasabi ko kakanta siya.

Binaling ko ang paningin ko sa phone ko nang may tumawag doon, sasagutin ko na sana ang tawag ngunit bigla akong natigilan.

'Every time I take a breath, you walk in my heart ooohhh step by step'

Nawindang ako ng marinig ko ang isang familiar na tinig, kusang tumingin ang mga mata ko doon at kasabay non ang pagbukas ng ilaw kung saan kitang kita ko ang babaeng nakaupo at nakatingin din akin ngayon.

Freen?

Para akong makakapusan ng hininga nang magsalubong ang mga mata namin,

'And I know everyday I pass through, streets of your that are beautiful too'

Nagpatuloy siya sa pagkanta habang hindi inaalis ang tingin sa akin natauhan ako at kaagad na umiwas ng tingin,

'You move like the wind, so beautiful it feels like I can fly like the stand too

'Tell me who will ever love the,
special way that I always will do.

Ohh.... Ohhhhh.."

Hindi ko siya tinignan at nag focus sa pagkain ko pero kahit anong gawin ko hindi ko malunok ang kinakain ko kahit tubig. Knowing na nakatingin siya sa'kin ngayon

Muli akong tumingin sa kanya mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin. Wala akong maiipintas sa ganda ng boses niya

'The day you came and met me, my biggest dreams went crazy.

Not able to touch with hands, moments now ready to fly'

Hindi siya nakatingin sa akin kaya malaya ko siyang natitigan.

'The reason of my smile
The reason of my laugh
It happen because of you......'

Kasabay ang pagkanta niya ay siya ding pagtingin niya sa'kin, para akong matutunaw sa titig niya

'If there's ever a day that I won't see you
I'll go around like crazy people do

'Tell me who will ever love the,
special way that I always will do.'

'Ohhhh. Ohhhhh.....'

Pagkatapos niyang kumanta nagpalakpakan ang mga tao mali ban sa'kin,

Pag-uwi ko napabuntong hininga ako, bigla na naman pumasok  sa isip ko ang mga nangyare noon. Maraming sana ang nasaisip ko ngayon.......

Next day is a Friday, naisipan ko maglakad-lakad sa labas since wala naman akong ginagawa, dahil maaga pa pumunta ako sa cafeteria.

"Just once capuccino, 50% sugar" I looked at my phone habang hinihintay ang coffee

"One capuccino please."

Isang pamilyar na boses ang kumuha ng atensyon ko I immediately looked at her, hindi siya nakatingin sa akin. Hindi ba niya ako nakita? O ayaw lang niya ako tignan? Well I don't care.

"Your coffee ma'am." 

"Keep the change" I said smiling

"Thankyou ma'am ang bait ninyo naman po" 

Tumango lang ako at akmang tatalikod na sana ako ng narinig ko nag salita iyong babae sa tabi ko.

"She's kind, but she's fake." She's said before leaving

Napatulala ako at hindi makapaniwala sa narinig ko sino siya para sabihan ako ng ganon? How dare she is.

Kinabukasan pumunta ako sa office dahil first day ko sa work, naiinis pa din ako habang iniisip ang pagkikita namin ni freen, ano bang dapat kong gawin para maiwasan siya? Bakit ba lagi ko siyang nakikita? Dapat ba hindi na ako bumalik pa?

"Nathia," Natigilan ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni mommy "Ikaw na ang mag handle sa bagong resort sa tagaytay"

Oh gosh mom kakabalik ko lang, pero syempre hindi ako makatanggi dahil trabaho ko to.

"Don't worry may kasama ka naman" Dugtong pa ni mommy pero tinanguan ko na lang siya.

TITLE: SHE SUCKS AT LOVE PROLOGUE  Where stories live. Discover now