THAN TITANS

23 9 0
                                    

Chapter 28

Valerie's Pov.

'Clanggg! clangg!'

Napaikot naman ako sa kabila, narinig ko naman ulit yun. Kumunot noo ko, PUTANGINA SINO KAYANG NANGBUBULABOG SA BEAUTY SLEEP KO?

PATAY KA SAKIN.

Pagkadilat ko ay mabilis ko namang hinila ang leeg ng kung sinong taong yun at ipinalibot yung braso ko dito, sinasakal ito.

Nakayuko ito habang tinatapik tapik yung braso ko, "b-bitaw...ang h-hirap huminga.."

Nakita ko yung white strands of hair sa harap ng buhok niya kaya kilala ko na kung sino to. "Clyde, bat ka nandito? Magsalita ka!"

Namumula na siya ng konti, di ko parin binibitawan yung leeg niya. "P-pinag-utusan lang n-naman ako.."

Dahan dahang kumalas yung pagkakasakal ko sa leeg niya hanggang tuluyan ko na siyang pakawalan.

"At sino naman ang maguutos sayo at napunta ka pa tuloy sa panganib ngayun?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Hinimas himas niya muna yung leeg niya bago magsalita. "Basta-"

"Basta? Hoy di pwed-"

"Oo basta, di ko pwede sabihin, maligo ka na at magbihis merong training ngayon."

"Training?"

"Oo, ngayung araw ay training nyo sa sandata, since from the Supreme class kayo kailangan sa sandata muna."

Tumango na lang ako bilang sagot kahit di ko alam kung anong pinagsasabi niya, Supreme class? at ano na naman ba ang Supreme na class na ewan na yan??

Lumabas na siya. Alam ko namang nagaantay lang siya sa labas kasi rinig ko yung utak niya.

Pumasok na ako sa banyo habang hawak hawak yung towel ko at mga damit. Isinabit ko yung mga susuotin ko sa isang sabitan, at pinihit na yung hot shower.

NANG matapos na akong maligo ay tinignan ko muna yung suot ko sa harap ng malaking salamin, meron akong suot na white t-shirt na di fitted at medjo oversized, at saka may suot din akong black cargo, at yung rubber shoes ko na pwedeng pwedeng ipangtakbo.

Napatitig ako sa bandang leeg ko at hinawakan yung kwintas. Malungkot akong napatingin dito bago i-unclip at ilagay ulit sa box nito.

Lumabas na ako at nakita siyang nakaupo, "oh nanjan ka na pala..tara na" tumayo na siya at rinig ang kasayahan sa boses niya.

Di ko mapigilang mapangiti ng konti, para siyang bata and somehow i kinda see myself as his older sister. Kahit isang taon lang naman akong mas matanda.

Sinundan ko na lang siya at tahimik na naglalakad sa likod niya.

Napatingin ako sa mga istyudante na parang kung ano makatingin, di ko na lang sila pinansin at naglakad na lang at derestyo ang tingin. Rinig ko yung mga bulungan nila lalo na yung mga iniisip nila.

And in shock, I didn't heard any insult but I just heard them judging and complaining about something I don't know, but I know it's about me.

Nalingon siya sa likod at tumingin sakin bago ngumiti. "Wag mo na silang pansinin. Ganyan lang talaga sila." Nakirinig naman ako ng mga tili ng babae ng makita nila Clyde na naglalakad.

Kinilig pa nga sila ng tinignan sila ni Clyde eh, basta mukha silang mga uuod na binudburan ng asin, montanga.

"But I'm sure once they knew you're in Supreme class, mananahimik anb mga yan."

"Huh? Anong ibig sabihin?"

Binilisan ko na yung lakad ko para masabayan siya at mas maayos ang pagkakausap namin.

"Supreme is the Highest class of the highest. Here in Traefero academy..the Supremes holds the power among the students at walang magtatangkang kumalaban sayo kung taga Supreme class ka.."

"Kaya nga dito sa academy, once you mess with the wrong person, you're dead." Sumeryoso na yung boses niya na maypagka nagpakilabot sa'kin.

"Kaya kapag binangga mo yung taong may mas mataas na ranggo sayo...di ka tatagal ng isang araw. Kaya wag ka ng magbalak, okay?"

Tinanguan ko na lang siya, nakakatakot naman pala dito. Akala ko ba magic academy eh bat ganto?

Ganun ba talaga kataas ang tingin ng mga tao sa sarili nila? at kahit dito pa sa di makaraniwang academy ay meron paring mga taong ganyan? Matataas ang ego?

Napatingin naman ako sa gilid ko ng merong mga istyudanteng nakangiti saakin at kumakaway. Mukha silang mga bata at yung iba ay may mga salamin pa nga.

"Hi ate!"

"Hi!"

Nagpatuloy parin ako ng lakad. Nasa gilid ko naman si Clyde, napatingin ako sa babaeng may mala anghel na mukha, namabilos namang humawak sa braso ko at pinigilan akong maglakad.

Ngayun ko lang napansin yug mga cookies na hawak niya, nakalagay ito sa isang box. "Hi! Welcome to our academy..." mala-anghel niyang sabi, kung makangiti din siya parang anghel.

Ngumiti na lang din ako at tinanggap yung box of cookies na inabot niya saakin at naglakad ulit.

Nakita ko naman siyang naglakad papunta sa ibang direction. Naglakad pakami ng naglahat ni Clyde bago siya magsalita.

"And also in this academy, bawal ang magtiwala kaagad. Lalong lalo na at bago ka pa..."

"Kasi they would like to bring you down...early as possible.. "

Napakunot ako ng noo. "Get to the point, Clyde."

"Yung babaeng nagbigay sayo ng cookies kanina, yun si Angela, known as the angel in disguise."

"Di talaga siya mabait..nagpapanggap lang siya. A two faced bitch." Sinabi niya pang ito na parang wala lang yun sakanya.

"May dugo kasing aphrodite kaya ganyan..." Sabi niya na ikinagulat ko, tinignan ko naman siya. "Aphrodite?!"

"oo..! Aphrodite, apo kasi siya ni Aphrodite..both demigods yung parents niya, kaya konti lang yung God percent niya.." Sabi niya, "atleast..most of them.." dagdag niya pa.

"Most of them? So you mean di lahat ng both demigods ang parents ay konti lang ang God percent??!"

Tumango siya.

"Oo naman, merong malalakas na legacy meron din namang hindi, pero lahat ng ganun ay patay na, pinapatay pa sila mismo ng mga Olympians kasi natatakot sila na malamangan."

Natahimik ako sa sinabi niya...patay na sila..at utos pa ng mga Olympian. MGA DEMONYO. WALANG PUSO.

Huminga muna ako ng malalim bago magtanong ulit kasi curious ako..

"Is it possible to have demigod that have two deities?"

"Yes! Syempre..demigod and deity...it's possible kaso nga lang ang magiging anak nila ay for sure mas malakas pa sa purong diyos.."

"Siguro nga pati rin sa mga titans"

(A/N: Short chapter lang siya!! Okay lang to! Wag na iyak! Kaya nga konti lang yung mga uds ko ngaun kasi mahaba na yung mga dating chapters eh like mga chapter 1, 2, 3, 4, 5, or maybe more.

Okay..have a good day/night ahead darling!!

Authorishh out!!✌✌✌)

Synthesis of Prophecy: Purple Charm✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon