Alas

15 10 0
                                    

Chapter 43

Valerie's pov.

Nakaupo na ako ngayon sa table kung nasaan kaming girls at humihigop ng boba tea. Nginuya ko yung pearls at napangiti.

Grabe na-miss ko talaga yung boba kasi all this time akala ko wala sila nun dito sa mundong to. Pero meron pala hehe.

"Siya nga pala, may thing naba sainyo ni Luxe?" Biglaang tanong ni Thea kaya nasamhid ako.

Umubo ako ng umubo kaya concern silang napatingin sakin at tinapik tapik yung likod ko.

"Galing ah. . .sa sobrang excited mo uminom ng boba, nasamid ka" Sarkastikong sabi ni Janine.

Tumawa naman si Aira, "Yeah it's totally because of the excitement~" pangaasar niya habang nakangiti.

Pinunasan ko yung labi ko bago tignan sila ng derestyo. Lumunok muna ako bago magsalita.

"There's no thing between me and Luxe." Sabi ko kasi totoo naman, lately di na niya ako pinapansin na para bang wala na siyang pake sakin.

Di ko alam kung anong meron. Kaya nga pinipilit ko nga sarili kong intindihin siya kahit mahirap.

Dahil ba mahina ako at walang kwenta? O dahil ba hindi ako si Vyelle?

Bakit ba di niya maintindihan o makita man lang na habang wala yung taong hinahanap niya ako yung nasa tabi niya.

Ako. . .

Ako nga nasa tabi niya. . .

At ako ang madalas niyang nakikita. Pero si Vyelle parin ang nasa utak niya.

Nakakatawa. Para kasi akong pusang pilit na sinisiksik ang sarili ko sakanya. Tumayo na ako sa table at naiwan na ang boba tea ko.

Naglakad ako palayo sakanila.

"Where are you going? Valerie?" Tanong sakin ni Thea na hindi ko naman sinagot at derestyo lang sa lakad. Nasa labas na ako ng pinto ng boba store. 

Nangmakita ko sila Kazer, Ace, Clyde at Luxe na nakatayo sa harap ng pinto.

Papunta yata sila sa loob ng store. "Pupunta kami sa spa-" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Kazer at linagpasan na lang sila.

"Anyari dun?" Tanong ni Clyde at tinignan ako na maglakad palayo. Sabay silang tumingin kay Luxe.

'Sana maintindihan nyo ko.' Rinig ko ang nanghihina niyang boses na may halong lamig.

Napayuko ako habang naglalakad at napaisip.

Ayun ang problem, Luxe, di kita maintindihan. Naglakad na ako ng naglakad ng biglang may humila ng buhok ko at hilahin ako sa cr.

Nakita ko ang galit na Celine, kasama niya si Pam. "Ano na naman tong balita na narinig ko!" Sigaw ni Celine ng maisarado na ni Pam ang pinto.

"Balita? Anong balita? Wala naman akong ginagawa ah" Sabi ko at tumawa siya at napailing.

"Another actress. Sabi nila ikaw daw ang dahilan kung bakit naghihirap si Luxe ngayon!" Sigaw ni Celine sakin at pinandilatan ako ng mata.

"Dahil sayo naghihirap siya." Dagdag niya pa at nakita kong hinigpitan pa nila ang pagkakadikit ko sa padir para di ako makakilos.

Sinampal ako ni Celine, "how dare you still have the audacity to hurt him even though you know you're way out of his league." Seryoso niyang sabi.

At nasaktan ako sa sinabi niya, kasi parang totoo naman yun.

Wala ako sa lugar niya para ganunin siya, at lalo na ang magustuhan niya.

Synthesis of Prophecy: Purple Charm✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon